6

2.8K 114 4
                                    

D

"Ate Bea, pinapatawag mo daw ako?"

"Yes, yes, Deans.. Come in. Upo ka."

"What is it, ate Bei?"

Hinarap niya sa akin yung laptop niya.

Nagsimula na ulit akong bumalik sa trabaho, sa naiwan kong trabaho.

"Here.. Look, Deans.. Eto yung mga area na lalagyan natin ng mga ilaw. So, what do you think?"

Inisa isa kong tignan yung mga slides. Ang dami pala. Yung magkabilang dulo bawat floor pala yung lalagyan namin ng mga ilaw.

Lighting design company kami. Nag dedesign at manufacture kami ng mga ilaw. Kahit anong klaseng ilaw depende sa gusto ng client. Kahit ano pa yan, mapabahay, office o hotel pa..

Ang forte ko talaga non mag design ng mga bote at cans. Sa isang non-alcoholic beverage company ako nagtatrabaho non, isa ako sa mga nag dedesign ng mga containers para sa mga product namin.

Okay naman ako sa trabaho ko, medyo demanding lang sa oras dahil malaking company nga yun, international company pa.

Until one day, ate Bea decided to start a new business. Eto na nga yon, yung company namin ngayon.

She asked me kung gusto ko daw bang sumama sa kanya, as business partner. Kukunin daw niya ko. Nung una hesitant talaga ako. Malay ko ba sa interior at exterior design ng mga ilaw di ba?

Saka ang dinedesign ko eh mga beverage containers. Sabi naman niya, try ko daw mag explore out of my comfort zone, wala naman daw mawawala sakin.

Pinag isipan kong mabuti and decided to give it a go, wala nga namang mawawala sakin, bata pa ko, marami akong oras para alamin kung ano pa ang mga kaya kong gawin.

At first, nahirapan kaming makakuha ng mga client. Bago lang kami eh, wala pa kaming napapatunayan. Pero masipag kasi si ate Bea.

She met Ally Samonte in an event.. Anak si Ally ng isang hotelier. Hindi ko alam kung anong ginawa ni ate Bea pero she got a deal with Ally. Kinuha niya yung small company pa namin non para mag supply at install ng lahat ng lighting fixtures sa ginagawang hotel nila non sa Baguio.

Dun nagsimulang makilala yung company namin. Kami na yung naging supplier nila Ally sa lahat ng hotel and businesses nila. Nag aral na din ako non ng interior and exterior design course habang nagwowork para sa company namin, flexible naman ang oras ko.

Imagine, at our young age.. With a little courage, we took the risk and jumped into this cliff.. It was all worth it. Isa na kami sa mga major designer and manufacturer ng lighting fixtures.

Co-owners kami ni ate Bea.. Pero ako din yung in-charge sa product design, ako din yung consultant. Si ate Bea yung over all in-charge at humaharap sa mga possible clients. Magaling talaga siyang manghikayat, halos lahat done deal.

"I need to see the actual site, para mas ma-visualize ko kung ano yung magandang ilaw dyan sa umaga at sa gabi. Need ko din makausap yung in-charge kung ano bang use ng mga area na yan. Mamaya mag install tayo ng dim light, study area pala yan."

It's a new building sa isang university. Mas kailangan ko talagang mapuntahan to. First time namin magkaroon ng client na ganito, di ko kabisado ang flow ng mga tao sa ganitong lugar. Di kasi naka specify kung anong use ng mga area na pinakita ni ate Bea sakin. Ayoko namang madisappoint sila samin..

"I knew it.. Di talaga ako nagkamali sa'yo, Deans! Alabyow, man!" hinila pa niya ang pisngi ko na akmang hahalikan ako.

"Ewwww, ate Bei.. Kadiri.."

"Ang arte naman neto... Hey, wait.. Tumawag sakin si ate Den, di ka daw pumunta kahapon sa appointment mo sa kanya?"

"I woke up late, ate Bei..."

"Come on, pumunta na tayo now.." sinara na niya yung laptop at tumayo..

"Come on, Deans.. Let's go.." hinawakan niya ko sa kamay para tumayo.

"It's Monday. We got a lot of work to do.."

"Kaya na nila yan. Magbibilin ako kay Lei. Tatawag naman yun kung may urgent call."

Tumayo na ko..

"Okay, okay. Di talaga papaawat. Gusto mo lang makita si ate Jho eh.."

"Well, kasama na yan haha.. Pero mas concern ako sayo. Nadadalas na yang di mo pag punta sa mismong appointment mo kay ate Den.. Babatukan ka na non."

"Lagi naman niya kong binabatukan ng penlight niya no hahaha.."

"Pasaway ka kasi.. Tara na.."

Lumabas na kami ni ate Bea. Nagbilin siya sa secretary niya bago kami umalis.

We're on our way now..

"Ate Bei..." she's focused on her driving.

"Yes, Deans?"

"Okay na ba kayo ni ate Mads?"

"Di ka na nasanay.. Madalas naman talaga kaming di magkasundo non."

"Pero magkaibigan pa din kayo.."

"Alam mo si Mads, seryoso kasi sa buhay yun. Gusto non laging sigurado, which is not so me, alam mo naman yan di ba?"

"I know, ate Bei.."

"Concern lang sayo si Maddie.. Nakikita niya kasing masyado mo kong ginagaya eh.. Wag kasi ganon, Deans haha.. Masyado mo kong idol.. Haha.." nagpapatawa pa to si ate Bei, ang seryoso ko na nga.

"I don't want to live in fears, ate Bei.."

"I know, Deans.. Lahat naman tayo ayaw nyan. Pero iba na ngayon, you can't be too carefree.. Alam mo naman yan, di ba?"

"Alam ko naman, ate Bei.. Please, mag bati na kayo ni Mads. Di ako sanay na ganito eh. Ang tahimik ng gc natin. Napaiyak ko pa si Pongs.."

"Okay, akong bahala. Kakausapin ko si Maddie. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw lang niya maulit yung dati. Ganon din si Pongs, kaya ganon na lang din ka-affected yun nung nakaraan."

"Hindi na mauulit yun, ate Bei.. I promise.."

"Take it easy, Deans.. Wag mo kaming problemahin. Hindi mabuti sayo yan. Okay kami.."

"Okay, ate Bei... I trust you.."

StrandedWhere stories live. Discover now