Prologue

82.3K 1.9K 89
                                    

Prologue


"Mr. Del Fuego i-isang p-pagkakataon pa. P-Pangako babayaran ko ang utang ko sa inyo." Pinagpapawisang wika ng matandang lalaki. Paminsan-minsan ay pinupunasan niya ang kanyang butil-butil na pawis na namumuo sa kanyang noo.

Napataas ang kilay ng lalaking tinawag na Mr. Del fuego bago kinuha ang isang folder at inabot iyon sa matanda.

"Alam mo ba kung magkano ang pagkakautang mo sa akin at sa kumpanya?" Tanong ng binata bago kinuha ang kopita na may lamang alak at bahagyang sumimsim doon.

Sa nangangatal na kamay ay binuksan ng matandang lalaki ang folder at mas lalong nanginig ang kanyang kamay sa nakita.

"Limampung milyon. Limampung milyon ang pagkakautang mo at wala pa ang interes diyan."wika ni Mr. Del Fuego at bahagya pang napailing.

"K-Kung gusto mo ay ibibigay ko sa iyo ang titulo ng bahay at lupa namin. A-Alam ko na hindi iyon sapat pero unti-unti kitang babayaran." Nauutal na wika ng matanda bago ibinalik sa mesa ang folder.

Umiling ang binata at bahagyang natawa. Isang sarkastikong tawa. He knew that it won't be enough.

"I doubt it kung aabot ng kalahati ng utang mo ang bahay at lupa mo Mr. Valdez." May halong insultong wika nito.

"Alam ko na hindi sapat iyon ngunit kung bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon ay mababayaran ko ang utang ko." Namamag-asang wika ng matanda. Bakas sa mukha niya ang determinasyon na makumbinsi ito. Nagkaroon siya ng maling desisyon na naging dahilan ng pagkakaroon niya ng malaking utang. At maging sarili niya ay pilit niyang kinukumbinsi na mababayaran niya ang ganoong kalaking halaga.

"I am a business man Mr. Valdez at hindi ako nag-iinvest sa isang negosyong matatalo ako sa bandang huli." He said as a matter of fact.

"K-Kahit ano gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." Halos lumuhod na wika ng matanda. Bakas ang kaba at pagkabalisa sa kanyang mukha. Alam niya na oras na hindi siya makabayad ay maaari siyang makulong.

Ilang sandaling tahimik ang lalaki at inarok ang desperasyon ng matanda na makumbinsi siya.

"We can talk about it Mr. Valdez. Madali akong kausap." Anito at kinuha sa kanyang drawer ang isang larawan. Inabot niya ang larawan sa matanda na ikinalaki ng mata nito. Mabilis na tumaas ang kanyang dugo at nawala ang kaninang mapagkumbabang pagkatao nito.

Mahigpit nitong hinawakan ang larawan at mabilis na sumiklab ang galit sa mukha.

"Let's make a deal Mr. Valdez." Wika niya na hindi pinagtuunan ng pansin ang galit sa mukha ng matanda.

Napakuyom ang kamao ng matanda. Kahit hindi pa nito sabihin ay alam na niya ang gusto nito.

"Your daughter in exchange of your debt." Balewalang wika nito na nakapagpatayo sa matanda mula sa pagkakaupo.

"Not my daughter!" Halos maisigaw niya na ikinailing ng binata. Nag-iisa lamang ang anak niya at kahit sa hinagap ay hindi niya naisip na ang anak niya ang magiging kapalit ng mga pagkakautang niya.

Nagkibit balikat ito. "It was a decent proposal Mr. Valdez. I will marry your daughter kapalit ng utang mo. You will benefit from it." Balewalang wika nito na nagpasingkit sa mata ng matanda.

"She's my only daughter at hindi siya isang bagay na pwede kong ipagpalit!" Wika nito sa matigas na tinig. Nandoon ang determinasyon at ang galit dahil sa sinabi ng lalaki.

Tila gusto niyang sugurin ang binata at suntukin ito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili.

Nagdilim ang paningin ni Mr. Del Fuego at tumayo.

"Kung ganon ay mag-umpisa na kayong magbalot at lumayas sa bahay ninyo. You cannot bring anything aside from your clothes. Kulang pa ang kabayarang iyon sa utang mo Mr. Valdez. Kahit magtago ka pa ay mahahanap at mahahanap kita. And prepare yourself to face a lawsuit." Wika ng binata kaya parang binuhusan ng malamig na tubig ang matanda.

Ayaw niyang makulong ngunit hindi niya kayang ipagpalit ang anak niya. Mabilis na kumuyom ang kanyang mga kamao at tinignan ang binata na tumungo sa may pinto.

"Why do you want to marry my daughter?" ang naitanong niya na nakapagpahinto sa lalaki sa tangka nitong paglabas. Kung tutuusin ay maliit na halaga lamang para dito ang limampung milyon. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ginigipit siya nito.

'Pinlano niya ba ito?' ang naisip niya. He never met his daughter. At hindi niya maintindihan kung bakit ang anak niya ang hinihingi nitong kabayaran.

"Hindi pa kayo nagkikita ng anak ko at nakakasigurado akong wala kang dam-."

"It's none of your business Mr. Valdez. Your daughter or nothing at all." putol nito sa sasabihin niya.

Kinuyom ng matanda ang kanyang kamao habang ang binata naman ay lihim na napangiti. Business is business. And what he wants he gets.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon