Chapter 12

46K 1.3K 33
                                    

Chapter 12

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Unti-unti ay minulat ko ang mata ko. There I saw Tres. Nakaupo siya sa gilid ng kama at mukhang bagong ligo.

"Good Afternoon wife." wika niya na marahang sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"A-Afternoon?" malat ang boses na tanong ko.

"Yes. Ala una na ng hapon." aniya bago tumayo.

Namilog ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon sa sinabi niya ngunit mabilis ding natigilan ng mapansin kong hubad pa ako kaya lumitaw ang dibdib ko na ikinapula ng mukha ko. I saw lust flickered in his eyes, kaya mabilis kong hinablot ang kumot at itinaas iyon hanggang dibdib ko.

"B-Bakit hindi mo ako ginising agad?" tanong ko sa kanya upang pagtakpan ang pamumula ng pisngi ko.

"I want you to rest. Alam ko naman na napagod ka kagabi." sagot niya. Nakita ko ang pagsungaw ng saya at amusement sa mga mata niya kaya mas lalo akong namula.

We did it again yesterday. Hindi lang isang beses. We did it in every corner of the house. Sikat na ang araw ng tigilan niya ako kaya naman oras na rin akong nagising.

"Bakit pala ganyan ang suot mo? Saka kamusta na ang sugat mo?" takang tanong ko upang malayo ang usapan sa nangyari kagabi. Its awkward. Kapag naaalala ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi mamula.

Nakasuot siya ng formal attire. Kulay blue ang long sleeve na suot niya sa ilalim ng black suit. Lumapit siya sa cabinet at may kinuha doon bago sumagot sa akin. Ang sugat naman niya at natatakpan ng buhok niya kaya hindi ko masyadong makita.

"Okay na ako." Aniya na bahagyang hinaplos ang noo bago nagpatuloy. "And by the way we will go to Manila. I need to attend an important meeting at isa pa may susunduin ako."aniya na lumapit sa may kama at naupo.

"Susunduin? So dito mag iisytay ang susunduin mo?"

"Yes. She's a visitor. A very important person." sagot niya na may halong kislap ang mga mata kaya hindi ko maiwasang hindi manibugho. Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya.

"P-Pwede bang huwag na lang akong sumama?" tanong ko sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkunot ng noo niya.

Ayoko sanang sumama dahil kakainin lang ako ng selos kung kasama pa akong susundo sa bisita niya. I know si Carissa ang susunduin niya. I overheard them last time.

"You should come. Para mabisita mo din ang parents mo. I know you miss them. At isa pa ay ayokong maiwan ka ditong mag isa. Mas panatag ako kapag kasama kita."

Hindi na ako sumagot dahil baka may masabi na naman ako dala ng selos. Pero hindi rin maalis ang bahagi sa akin na natutuwa dahil sa pag aalala niya.

Akmang tatayo na ako para makaligo ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Takang tinignan ko siya. "I forgot to give this to you wife."wika niya na ikinasinghap ko.

Dahan-dahan niyang isinuot sa akin ang singsing na may malaking bato sa gitna.Nakatingin siya sa akin ng nakangiti.Lumakas ang tibok ng puso ko at tila may paro-paro na naglalaro sa tiyan ko. "It will symbolize that you're already mine. That you're my property." possessive na wika niya bago ako hilahin payakap.

Lahat ng kilig na nararamdaman ko ay unti-unting nawala. Ang pagkabog ng dibdib ko ay napalitan ng sakit. Ang paro-paro sa sikmura ko ay biglang naglaho.

May parte sa akin ang masaya dahil binigyan niya ako ng singsing pero mas lamang ang parte sa akin na nasasaktan at nalulungkot. He just gave me ring to proved that I am his property. Para bang lumalabas sa sinasabi niya na simbolo ng singsing na iyon na kanya ako at binili niya ako.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now