Chapter 13

44.1K 1.3K 52
                                    

Chapter 13

"Tres!" tawag ng isang babae na palapit sa amin. Nakasuot siya ng kulay pulang Dress na umabot lamang sa kalahati ng binti niya. Matangkad, maputi at may mahaba at kulot na buhok. She's beautiful. Lalo pa siyang kapansin-pansin dahil sa pag indayog ng balakang niya habang palapit sa amin.

"Margaret." nakangiting wika ni Tres nang tuluyang makalapit sa amin ang babae.

Ngumiti ng matamis ang babae at hinalikan sa pisngi si Tres na nakapagpanibugho sa akin.

"I didn't expect to see you here. Akala ko ay nasa Isla ka at nagpapakatandang binata! I know you hate the city!" biro niya na binuntutan ng malamusikang tawa.

The woman is undeniably gorgeous. Sa bawat galaw niya ay naroon ang finesse and gracefulness. Maamo ang mukha niya at sexy.

Tumawa din si Tres bago nagsalita. "Indeed but right now I need to attend some urgent meeting. And susunduin ko si Carissa."

"Oh Carissa?! Kailan pa siya nakabalik?" tanong ni Margaret na puno ng kasabikan sa mukha.

Palihim akong napaismid dahil mukhang nakalimutan na ako ni Tres pero ang Carissa na iyon ay hindi.

"The other Day. Magbabakasyon siya sa Isla."

"Oh really? That's nice! Alam ko naman na namiss niyo ang isa't-isa. Ang sweet niyo kaya dati. Kung hindi nga lang kay A-"

Umismid ako na ikinaputol ng sasabihin ni Margaret at mapatingin sa akin. Mukhang ngayon niya lang ako napansin kaya nainis ako. Kanina pa ako dito pero ngayon lang ako tinignan?! At isa pa itong Tres na ito, nakalimutan pa akong ipakilala!

"Who is she?" tanong ni Margaret na puno ng pagtataka.

Tumingin si Tres sa akin at nginitian ako. "She's Samantha. She's my wife." pakilala niya sa akin kaya medyo nagulat pa ako.

He introduced me as his wife?!

'Ano ba dapat? Alangan namang Yaya diba?' bulong ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Oh!" napahawak sa bibig na wika ni Margaret. "She's Samantha?! I didn't know na ganito pala siya kaganda!" nakangiting wika ni Margaret ng makabawi siya kaya napakunot noo ako.

Sa pananalita niya ay mukhang kilala niya ako. Umiling na lang ako dahil imposible yon.

"Hi. I am Samantha, wife of Tres." taas noong wika ko ng hindi ngumingiti. Why should I smile? Naghaharutan sila sa harap ko at hindi ako natutuwa.

I heard Tres chuckle kaya naman nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Hello Samantha! Its nice to Finally meet you. I am Margaret Lopez. Pinsan ko yang si Tres!" wika niya kaya namilog ang mga mata ko na kanina ay naniningkit sa inis. Lahat ng pagmamaldita ko ay nawala at napalitan ng gulat.

"Pinsan?!" bulalas ko. Akala ko ay isa siya sa mga babae ni Tres.

Tumango naman ang dalawa kaya napahiya ako. "Her Mother and My mother are siblings." paliwanang ni Tres.

Mabilis akong napayuko. I should have asked first pero kasalanan ito ni Tres dahil hindi niya agad sinabi. And I am rude earlier. "I-I'm sorry I-I didn't know na pinsan ka niya." hingi ko ng paumanhin na parehong ikinatawa ng dalawa.

"Its alright." nakangiting wika ni Margaret bago ako nilapitan at halikan sa pisngi. "You look good together." nakangiting wika niya pagkatapos.

"We're going to eat, come and join us." aya ni Tres kay Margaret ngunit umiling ang babae.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now