Chapter 21

39.7K 1.2K 45
                                    

Chapter 21

Napatingin ako kay Tres na kanina pa nakatitig sa akin. Nanunuot ang tingin niya hanggang sa buto ko. Iba ang titig niya ngayon kumpara sa mga pagtitig niya sa akin noon.

"M-May problema ba?" Tanong ko sa kanya at naupo sa gilid ng kama. After what happen ay pumasok kami ng bahay. Dumiretso kami sa kwarto dahil parang nahilo ako sa nangyari. Nag paulit-ulit sa utak ko ang itsura ng patay na pusa na mas lalong nakadagdag sa sama ng pakiramdam ko. Parang maduduwal ako.

Nagkibit balikat siya at lumapit sa akin. "I'm just scared. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sayo." bulong niya habang yakap ako mula sa likod ko.

Napapikit ako at bahagyang napangiti.

"Thank you Tres. Thank you for being with me. For protecting me." Wika ko at humarap sa kanya.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa batok niya. "Thank you." Sabi ko pa bago tumingkayad at gawaran siya ng halik.

Gumanti siya ng halik sa akin at binuhat pa ako. Ipinulupot ko ang dalawang binti ko sa bewang niya.

Humiwalay siya sa akin at nakangiting nagsalita. "Kailan ka pa bumigat ng ganito?"

Kumunot noo ako. "What?! Mabigat ako!"

"Yeah. Tumaba ka din." Nakatawang wika niya kaya nainis ako. Akmang aalis na ako sa pagkakapasan niya ng mabilis siyang yumukod na nakapagpatili sa akin. Mabilis kong hinawak ang kamay ko sa leeg niya upang hindi ako mahulog.

"What are you doing?!" Inis na tanong ko. Nakayukod pa rin siya habang buhat ako sa harap niya.

"I want to kiss you again." Aniya at mabilis na inangkin ang labi ko habang nasa ganoon kaming posisyon.

Isang tili na naman ang naipit sa bibig ko ng tumuwid siya ng tayo. He's still kissing me torridly. Akala ko ay mauubusan na ako ng hininga mabuti na lang at kusa siyang bumitaw.

Kunot noo akong nakatingin sa kanya. Kanina pa siya ngiti ng ngiti at naiirita talaga ako sa ngiti niyang iyon. "Put me down." Wika ko sa kanya ngunit umiling siya.

"Tres!" Sigaw ko sa kanya.

"Yes Mrs. Del fuego?" Nakataas kilay niyang tanong.

"I said put me down!" Inis na pinalo ko ang dibdib niya.

"Bakit ba paiba-iba ka ng mood?" Nangiting wika niya.

Inirapan ko siya at yumakap sa kanya. "Bitin ata ang tulog ko." Nakangusong wika ko habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya.

"Anong oras ka bang natulog?"

"Pagkahatid mo sa akin ay naghilamos lang ako tapos natulog na."

"Pero bitin pa rin ang tulog mo? You slept for over nine hours." Hindi ko makita kung anong ekspresyon ng mukha niya dahil nakayakap ako sa kanya.

"I dont know. Gusto ko lang mahiga habang kumakain ng macaroni salad." Mabilis akong lumayo sa kanya at nakangiting tinignan ang mukha niya.

"Magluto ka ng macaroni salad." Nakangiting wika ko na tila nakalimutan na ang nangyari kanina.

"Are you sure wife?" Kunot na ang noo niya at nawala na ang ngiti sa labi niya pero ang pinagtataka ko ay mas naiinis ako.

"Mukha ba akong nagjojoke?!" Inis na wika ko. "Put me down." Sabi ko pa sa kanya . Binaba naman niya ako at tinitigan lalo bago muling nagsalita.

"Lets go. I'll cook for you." Aniya habang hawak ako sa kamay.

"Sandali!" Pigil ko sa kanya.

"Why?"

"Tinatamad akong maglakad. Pasanin mo ako." Nakangiting suhestiyon ko kaya mas lalong kumunot ang noo niya. "Pwede ba wag ka ngang sisimangot nakakainis ka na ah!" Sigaw ko sa kanya. Naiinis talaga ako. Ayoko siyang nakangiti pero mas lalong ayoko siyang nakakunot noo.

"Wife."

Inis na inunahan ko siyang lumabas ng kwarto. Nakakainis kasi siya. Kung ayaw niya pwede naman niyang sabihin bakit nakakunot noo pa siya? Hindi ba niya alam na nakakainis siyang tignan?

"Wife?" Tawag niya ulit sa akin.

"Ano?!" Paangil na sagot ko ngunit patuloy pa rin sa pagbaba.

"I'm sorry okay. Nagugulat lang ako sa kinikilos mo."

"May nakakagulat ba kung maglalambing ako minsan?!"

"That's why I'm sorry. Lets go I'll cook for you." Sabi niya.

"Tres!" Tili ko ng bigla niya akong buhatin. Bridal style.

Tumawa siya at mabilis pa akong hinalikan habang naglalakad papunta sa kusina.

Iniyakap ko na lang ang dalawang kamay ko sa leeg niya at tinitigan ang mukha niya. "Tres do you have friends?" Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa Kusina.

I am curious. Wala pa kasi akong nakita ni isang kaibigan niya. Even his brother. Hindi man niya pinakilala sa akin.

Binaba niya ako sa upuan at tumingin sa akin.

"Yes I do. Pero hindi na kami nagkikita. Nasa abroad sila." Pumunta siya sa may cabinet at kumuha ng macaroni. "Why did you ask?"

Nagkibit balikat ako. "Wala ka kasing ipinapakilalang kaibigan sa akin. Even your brother hindi ko pa nakikita."

Sumandal siya sa may sink at tumingin sa akin. "I will introduce them to you one of these days."

Tumango ako. "Can you please tell me about your brother? Wala akong masyadong alam sayo e."

"I have two siblings. They are twin. Si Dos at si Alas. They are Fraternal twin. Two years ang tanda ko sa kanila. We grew up in States then bumalik kami ng pilipinas when I am eighteen years old. " kwento niya habang inihahanda ang mga ingredients. "Tumira kami sa Isla. That Island is so precious to my parents. Sa aming magkakapatid ay ako ang nagukol ng interes sa Isla. I know the twins love the Island pero sila ang tipo ng taong hindi makukuntento sa iisang lugar. Dos loves action and adventure kaya ngayon ay may sarili siyang Detective agency while Alas is a Hotelier. While me I love the life in the Island." Aniya at sumulyap pa sa akin.

Ngumiti ako. "I love the Island too." Wika ko kaya napangiti siya.

"I'm a ruthless devil when it comes to business. Ang iba ay natatakot sa akin. Maybe because of my reputation. My father thought me to be ruthless in terms of business. Ang sabi niya kapag naging mabait ako sa mga kakompetensiya ko ay matatalo ako. I follow his advice. And he is right."

"But you are not a Devil. Not to me. Matigas lang ang ulo ko at hindi ko matanggap na pinambayad ako ng Daddy ko." Bulong ko kaya tumawa siya.

"Yes I know that wife."

"Ang alin?"

"That you are stubborn." Binuntutan niya ng tawa ang sinabi niya kaya inirapan ko siya.

"Forget about the payment wife. You are not a payment. I chose you to be my wife. May pambayad utang ba na pinagluluto pa ang nagkautang sa kanya?" Nakangiting wika niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Kaya nga swerte ako e." Nakatawang sagot ko.

"You make the worst of me but then you gave me the chance to show the best in me. And I am more luckier to have you in my life. Je t'aime wife."

Ngumiti ako ngunit biglang kumunot ang noo ko. "Umaga na Tres."

"I know." Nakangising wika niya.

"Bakit nag papagoodnight ka pa?" Takang tanong ko na tinawanan niya lang. 

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now