Chapter 25

39.6K 1.1K 46
                                    

Chapter 25

"What?! Are you serious Jake?!" Bulalas ko habang kausap ang kasamahan kong photographer sa cellphone.

Gusto daw ng client na magchange location at ang mas malala ay sa siquijor iyon. If I didnt mention, my Job for the last two years is a photographer. Nagshoshoot kami ng mga picture para sa cover ng mga magazines and we even do a promotional video. Nakilala ko si jake sa isang seminar about photograpy. We click at the first time we talk. Hanggang sa nagdecide kaming maging partner sa mga raket namin.

We do photoshoots and do some shooting for promotional video na naging madali lang dahil nagtapos si Jake ng multimedia arts habang ako naman ay nakatuntong ng 3rd year college sa photography. Hinahati namin ang trabaho. If I will be the photographer then he will be the editor. And really! Mas gusto ko ang magshooting at humawak ng camera kaysa mag edit! Ang daming oras ang kailangan sa editing.

"Yes Sammy and the offer will be thrice as the previous amount. Libre lahat. Food, accomodation and transportation." Excited na wika ni Jake kaya napabuntong hininga ako.

"Jake masyadong malayo. May anak ako na kailangan kong uwian araw-araw. My father has a small business at hindi niya matututukan ang anak ko. And my Mom is too old para mag alaga ng bata. Baka sumumpong lang ang arthritis niya." Paliwang ko sa kanya.

"May Yaya naman si Vanessa hindi ba?"

"Yes. Pero ayokong mawala sa paningin ko ang anak ko sa loob ng tatlong araw." Umupo ako sa gilid ng kama ko.

"Then isama mo siya together with her Nanny. Sayang ang opportunity na ito Sammy. It's a big Client. At kung successful ang gagawin nating promotional video ay mas dadami pa ang magiging big time client natin.". Napaisip ako. He has a point pero hindi pa rin ako komportable dahil masyadong malayo ang siquijor.

"Sammy think this way okay. Kung magagawa natin ang trababong ito ay mas malaking pera ang makukuha natin. Pwede mo ring iextend ang stay mo kung kaagad tayong matapos para makapagbakasyon kayong mag ina. Take this opportunity Sam."

Malakas akong napabuntong hininga at napahiga sa kama. "Fine. Gawin natin." Sagot ko bago pinatay ang tawag. I think it will be better. I hope so.

***

Pagbaba namin sa Van na sinasakyan namin ay mabilis kaming sinalubong ng mga staff ng resort kung saan kami magiistay. Ang resort na ito ang gagawan namin ng promotional video.

Pagbaba palang ng sasakyan ay mabilis na humaplos sa balat ko ang lamig ng hangin. It was 1 o'clock in the afternoon.

Mabilis kong kinuha kay Zeny si Vanessa na tuwang tuwa sa nakikita.

"Mumma its beautiful!" Wika niya na ikinangiti ko.

Tama siya. Maganda nga ang lugar pero may mas magandang lugar kumpara dito.

'Isla Del Fuego.'

Biglang sumagi sa isip ko ang islang yon. The Island where Tres and I lived for almost two month.

"The place is breathtakingly beautiful!"wika ni Jake na nasa tabi ko na. "Right Vanessa?" Nakangiting baling nito sa anak ko.

"Yes tito pogi." Sagot ng bata kaya kinurot ng bahagya ni Jake ang pisngi niya. Sign of adoration. "Mumma, are we going to swim later?"

"No honey but after my work we can do that." Sagot ko habang sumusunod kami sa staff na maghahatid sa magiging kwarto namin.

Si Jake ay kasunod ang lalaking Staff na maghahatid sa kanya habang ako at si Zeny ay nakasunod sa isa pang staff.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now