Chapter 15

44.8K 1.4K 40
                                    

Chapter 15

Gabi na ngunit wala pa rin si Tres. Ayoko siyang hintayin ngunit nagkukusa ang puso at isip ko na hintayin siya. Sabi niya ay babalikan niya ako pero anong oras na ay wala pa rin siya. Nakaharap na kami ngayon sa hapag kainan ngunit nilalaro ko lang ang pagkain ko gamit ang tinidor.

"Don't you like the food Sam?" tanong ni Mommy kaya mabilis akong napatingin sa kanila.

"N-No." mabilis na sagot ko kasabay ng pag iling. "I like the food.. Paborito ko to e. May iniisip lang ako." sagot ko na napangiti pa dahil lahat ng nasa hapag kainan ay mga paborito ko. Ngunit hindi ko maiwasang hindi malungkot. Thinking that Tres is with another Girl, wants me scream in anger. Gabi na ngunit wala pa rin siya.

"Where is Tres by the way?" tanong ni Daddy kaya nagulat ako ngunit mabilis ding nakabawi.

"Oo nga nasaan ba ang asawa mo? Nakalimutan ko ng itanong kanina. Hinatid ka ba niya dito?" Mommy.

Tumango ako. "H-He need to attend an emergency meeting. Hinatid muna niya ako bago dumiretso sa company pero sabi niya ay babalik siya." sagot ko ng hindi sinasalubong ang tingin nila.

Hindi naman ako nagsinungaling dahil totoong kailangan umattend ni Tres sa meeting hindi ko nga lang alam kung umattend pa ba siya. Iyon ang dahilan niya kung bakit kami pumunta dito sa maynila. Ayoko naman sabihin na wala siya ngayon dito dahil nag-aalala siya sa Carissa NIYA.

Baka maguilty lang si Daddy kung malalaman niyang ibang babae ang dahilan kung bakit wala si Tres dito.

Hindi na sila sumagot kaya nagpatuloy kami sa pagkain. Natapos ang hapunan ay hindi dumating si Tres. Ganon na lang ang inis ko dahil hindi niya tinupad ang sinabi niya kanina. Nasa kwarto na ako at nakapaghimalamos na ngunit wala pa ring Tres na dumadating.

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog. Nagising na lang ako sa pagkatok sa labas ng kwarto ko.

Pupungas-pungas akong tumayo at tinignan kung sino ang nasa labas. "Mommy?" kunot noong wika ko ng makita na siya ang nasa labas ng pinto.

"Good morning hija. Nandyan na ang asawa mo. Bumaba ka na ng makakain na tayo." si Mommy na nakangiti sa labas ng pinto.

Biglang kumabog ang dbdib ko. Nandyan na si Tres? Tila nagising ang katawang lupa ko sa sinabi ni Mommy.

Mabilis akong tumakbo patungo sa Cr at mabilisang naligo. Pagbaba ko ng Dining area ay nadoon na nga si Tres kasama si Mommy at Daddy. Mabilis kong hinamig ang sarili ko at hindi nagpahalata na excited akong makita siya.

"Good Morning Dad, Mom." Hindi ko siya nilingon bagkus ay lumapit lang ako kay Daddy at hinalikan siya sa pisngi gayon na rin kay Mommy. I miss him but I'm mad. Siguro naman may karapatan akong magalit?

Umupo ako sa tabi ni Tres ng hindi tumitingin sa kanya. "Good morning wife. Where's my morning kiss?" bulong niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Magdusa siya. Sabi niya ay babalikan niya ako kahapon. He's a liar!

"Kamusta ka na hijo?" tanong ni Mommy sa kanya kaya nalipat ang atensyon niya sa Mommy ko.

Nagsimula na akong kumain gayon din sila.

"I'm good Mrs. Valdez." pormal na wika ni Tres. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na bahagya niya pang sinulyapan si Daddy.

"I think it will be better if you will call us Mom and Dad." sagot ni Mommy na sumulyap pa kay Daddy.

Nakita kong tinanguan ni Dad si Tres kaya lihim akong napangiti.

"Are you going home today?" tanong ni Dad kaya bumaling ang paningin ko kay Tres. Hindi ko pa siya natanong kung uuwi na ba kami ngayon.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now