Chapter 3

55.3K 1.1K 18
                                    

Chapter 3

Nagising ako sa init ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Dalawang beses akong napakurap at mabilis na napaupo nang hindi pamilyar na lugar na bumungad sa akin. Mabilis na kumunot ang noo ko at sinuri ang paligid.

Hindi ito ang kwarto ko. The room is spacious. Malaki ang kamang kinauupuan ko ngayon. The blue and beige color complimented each other. Kulay beige ang pintura ng pader at ang lining naman nito ay light blue. Ang kurtina ay kulay beige din. Mukhang bagong pintura ang kwarto. It has a combination of spanish and modern interior at maging ang mga kasangkapan doon ay antique. Even the vanity table.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa veranda kung saan tumatagos ang sikat ng araw. There I saw the breath taking view. Kita sa kinaroroonan ko ang dagat, ang bundok at ang berdeng kapaligiran. Malakas ang hangin at tila napakagaan ng lugar.

Tila nakalimutan ko kung nasaan ako ngayon dahil sa ganda ng tanawin. It was relaxing. I close my eyes and spread my arms to feel the cool breeze.

Ilang sandali ako sa ganoong posisyon nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Mabilis kong minulat ang mga mata ko at lumingon.

Gulat. Iyon ang rumehistro sa mukha ko nang makita kung sino ang taong nasa harap ko ngayon.

"A-Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko. Biglang bumalik ang sakit sa puso ko nang maalala ang nangyari kagabi.

Ngumisi siya sa akin at nagtaas ng kilay. "It's my house." Aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Bahay mo to?!" Gulat na ulit ko.

Mabilis kong kinapa ang sarili ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang iba na ang suot ko. It was a big tshirt and a boxer short.

Hindi ko napansin kanina. Tinignan ko siya.

There was an amusement in his eyes while looking at me. Mukhang alam niya ang nasa isip ko.

Nagdududang tinignan ko siya."S-Sinong nagbihis sa akin?" Kinakabahang tanong ko.

Nagsimula siyang humakbang patungo sa akin kaya napaatras ako.
"Ako." sagot niya."Hindi ko naman pwedeng utusan ang mga tauhan ko na bihisan ang asawa ko, hindi ba?" Aniya na lalong ikinalaki ng mga mata ko. He's teasing me! Mabilis na namula ang mukha ko. It means he saw everything?!

"W-Wag kang lalapit!" Sigaw ko nang patuloy siyang humakbang palapit sa akin. Nakasandal na ang likod ko sa may veranda at wala na akong aatrasan pa.

Lumakas ang tibok ng puso ko ng ilang dipa na lang ang layo namin sa isat-isa.

"I have seen every parts of your body my Dear wife." He said using a husky voice that makes me blush even more. Tila ba nanunukso pa ang tinig niya na mas lalong nakakainis.

"Y-You pervert! Isusumbong kita sa Daddy ko!" Sigaw ko sa kanya na ikinatawa niya. I was stunned for a moment. He has a perfect set of white teeth. Mula kagabi ay ngayon ko lang siyang nakitang tumawa and it was a sexy laugh. A one of a kind laugh.

Mabilis kong pinilig ang ulo ko. 'Its not the time to compliment him! He is a Devil!' Paalala ko sa sarili ko.

"Magsumbong ka." naghahamong wika niya na ngumisi pa sa akin. Damn him!

"Devil!" sigaw ko at akmang lalagpasan ko siya ngunit mabilis niya akong ibinalik sa kinapupwestuhan ko kanina.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya at pilit na binawi ang braso ko. Wala na ang ngiti sa labi niya. He is back being serious again.

"Stop fighting, Samantha!" Wika niya kaya mabilis akong napahinto. He didn't shout pero may authority ang boses niya na nakapagpahinto sa akin. There was something in his personality na mapapasunod ka. And that is irritating.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now