Chapter 4

58.4K 1.7K 93
                                    

Chapter 4

Matapos ang tagpong iyon sa kwarto ay lumabas din si Tres. Nanatili ako sa kwarto ng ilang sandali bago ko naipasyang lumabas din. There's no use in crying. Kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis dito. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang ganda ng disenyo ng bahay. Luma na pero nandoon pa rin ang spanish style na nahaluaan na ng modern interior kagaya ng nasa kwarto. Malaking staircase ang sumalubong sa akin. The house is bigger than our house. Malalaki din ang mga chandelier na nakasabit sa ceiling. Maging ang mga antigong kasangkapan ay halatang pangmayaman. May mga painting din na nakasabit sa dingding.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakuha ang atensyon ko ng isang malaking painting.

Lumapit ako doon at pinakatitigan iyon.

Kamukha ni Tres ang nasa painting kaya lang ay mas older version niya kasama nito ang isang magandang babae.

"Sila ang magulang ni Tres. Si Don Primo Del Fuego at si Donya Anastacia Del Fuego." Napalingon ako sa tinig na nagmula sa likod ko.

Isang matandang babae ang bumungad sa akin. Malaki ang ngiti niya kaya mas lalong na emphasize ang ilang guhit sa mukha niya dala ng katandaan. May iilang uban din sa kanyang buhok na talagang kapansin pansin dahil itim ang kanyang buhok.

"Ako nga pala si Manang Flor. Hindi ka na pinagising ni Tres kaninang almusal dahil masyado ka daw napagod kagabi." Wika niya na ngumiti pa sa akin.

Tumango ako at ngumiti. "Ako po si Samantha. Sam na lang po." wika ko.

Mukha namang mabait ang matanda at napakaaliwalas ng mukha niya. Sa palagay ko ay madali ko siyang makakagaanan ng loob.

"Halika na't kumain ka na sa komedor. Ipaghahanda kita ng makakain." Yakag niya sa akin na hindi ko tinanggihan.

Kailangan kong umisip ng paraan para makaalis dito. At kailangan ko ng lakas upang gawin iyon. At isa pa ay gutom na din ako. Ang huling kain ko ay kahapon pa. And god! It was just a bite of bread.

"Matagal na po ba kayo dito?" Tanong ko sa matanda habang naglalakad kami papuntang kusina.

"Aba'y Oo. Ako ang nag alaga kay Tres sanggol pa lamang siya. Hindi palakwento yang batang yan. Kaya nagulat na lang ako nang sabihin niyang iuuwi niya dito ang asawa niya." wika niya bago ako sinulyapan.

Bahagya naman akong nailang. Lalo na sa sinabi nitong 'asawa'. Hindi ba nito alam kung paano ako naging asawa ni Tres?

"Ikaw ang unang babaeng dinala dito ni Tres. Alam mo ang asawa mong iyan ay hindi nakakatagal sa maynila ng isang linggo. Uuwi at uuwi yan dito sa Isla." Patuloy nito sa pagkukwento. I can sense the fondness in her voice.

"Ilan po ang nakatira sa bahay na to?" Tanong ko dahil wala pa akong nakitang ibang tao sa bahay.

Umupo ako sa may hapag kainan at pinanood ang matanda na maghanda ng pagkain.

"Si Tres lang ang nakatira dito. Mula ng pumanaw ang Papa niya ay mag isa na lang siyang namuhay dito sa isla. Minsan sa isang linggo ay dumarating si Melba at Rosario para maglinis dito habang ako naman ay tatlong beses sa isang linggo. Ang dalawang kapatid naman niya ay may sari-sarili ng bahay pero paminsan-minsan ay dumadalaw sila dito." Paliwanag niya.

Napataas ang kilay ko at nabuhayan ako ng pag asa. Kung ganon pala ay uwian ang mga ito?

"Ano pong sinasakyan niyo pauwi? Sabi kasi ni Tres ay walang way of transportation dito?" Usisa ko na kunwa'y hindi gaanong interesado. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa paghihintay ng sagot niya.

"Manang." Bago pa nakasagot si Manang Flor ay naunahan na siya ng tinig mula sa likod ko. Kahit hindi ko siya tignan ay ramdam ko ang talim ng titig niya mula sa likod ko. Hindi ko siya nilingon.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now