Chapter 17

43.5K 1.2K 83
                                    

Chapter 17

Pag-uwi namin ay kaagad akong umupo sa sofa habang si Tres naman ay may tatawagan daw kaya nagpunta siya sa may Garden. Abala pa rin ako sa pag iisip ng mga ikinikilos ni Dianne. I am bothered with her actions. May problema kaya siya?

"Hija mabuti at nandito ka na. May nagpadala sayo ng bulaklak." nakangiting wika ni Mommy at inabot sa akin ang bungkos ng bulaklak.

Napakunot noo ako. Sino namang magbibigay ng bulaklak sa akin. Hindi kaya si Tres? Pero magkasama lang kami. He can give me flowers ng hindi nagpapadeliver. May pagtatakang tinignan ko ang bungkos ng bulaklak.

"Ang sweet naman ng asawa mo at binigyan ka pa ng bulaklak." nakangiting wika ni Mommy kaya nginitian ko na lang siya.

Tinignan ko ang bungkos ng bulaklak at tinignan kung may card. Hindi nga ako nagkamali dahil meron nga.

'To my Dearest Samantha.'

Enjoy your sweetest moment before I kill you.

Napahawak ako sa bibig ko upang mapigilan ang pagkawala ng isang tili. The heck! Sino ang magpapadala ng ganito? Bumilis ang tibok ng puso ko. The letter was written in a bloody red color. At may bakas pa ng dugo!

"Anong nangyari Hija?" tanong ni Mommy na mabilis na lumapit sa akin ngunit tumayo ako.

Ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin ngunit hindi ko siya sinagot. Mabilis akong lumabas ng bahay at ilagay sa basurahan ang bulaklak. Ramdam ko ang pananayo ng balahibo ko at ang pangangatal ng kamay ko.

"What is that?" tanong mula sa likod ko. It was Tres. Hindi ko siya nilingon at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Mula sa likod ko ay lumapit siya sa basurahan at kinuha ang bulaklak na itinapon ko na.

"Itapon mo na yan!"sigaw ko sa kanya at akmang aagawin ang bulaklak ngunit mabilis niya iyong itinaas at kinuha ang card. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya at manlisik ang mga mata niya. I heard him cursed.

"Do you have any idea who sent this to you?" seryoso at kuyom ang kamaong wika niya kaya napayuko ako at umiling.

Kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong maisip. Wala akong kaaway at kababalik lang namin ni Tres kahapon dito. Sino naman ang magpapadala sa akin ng ganito? Maybe it was a prank. Baka may nananakot lang sa akin. Mga Istambay na walang magawa sa buhay.

Napalunok ako. "B-Baka hindi para sa akin yan." pagpapaniwala ko sa sarili ko.

"Tss It was for Samantha. Sino pa bang Samantha dito?" tila inis na wika niya bago inilabas ang phone.

"Brylle. I want you to conduct an investigation. Someone just sent a fucking threat to my wife!" aniya sa matigas na tinig.

Nasa mata niya ang galit at pag-aalala. Kuyom ang kamao at madillim ang mukha. Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko ngayon. Lahat ng takot at pangamba ko ay nawala habang nakatingin sa mukha niya.

Matapos niyang ibinaba ang tawag ay mabilis akong yumakap sa kanya. Ang pangamba sa dibdib ko ay unti-unting nawala at pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako.

It was just a matter of 0.1 seconds to say that you have already fallen inlove. Sa loob ng ganon kaikling oras ay malalaman mo ang totoo mong damdamin. Love.

This is love. It was just a matter of seconds to fall in love. A matter of seconds to confess your love.

"Don't worry wife. Whoever pulled this trick to you will suffer." puno ng paniniguradong wika niya kaya napahinga ako ng malalim.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now