Chapter 6

53.6K 1.5K 58
                                    

Chapter 6

Kinabukasan ay nanatili lang ako sa kwarto ko. Pagdating ng tanghalian ay ala-una na akong bumaba. Nakita ko si Tres na may kausap sa Laptop niya. Mukhang may meeting siya.Hindi ko na lang siya pinansin at kumain akong magisa. Pagkatapos kong kumain ay akmang babalik na ako sa taas pero tinawag niya ako kaya nilingon ko siya.

"Done with your lunch?" tanong niya kaya tumango ako.

"Oo." Sagot ko kaya siya naman ang napatango.

"For the dinner. Lets have it together." aniya kaya natigilan ako.

Tama ba ang dinig ko? Mabilis na kumabog ang dibdib ko at parang may mga paro-parong nagliliparan sa sikmura ko.

"Would that be fine, wife?" tanong niya ulit. Just thinking that we will eat together makes my heart thump faster.

Para akong nahipnotismo at wala sa sariling napatango. "O-Okay." sagot ko at mabilis na iniiwas ang tingin ko sa kanya at patakbong pumanhik sa taas. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang kabog ng dibdib ko. Para bang anumang sandali ay lalabas ito.

"Calm down heart." bulong ko bago iiling-iling na pumasok sa kwarto.

Pagkahapunan ay kinatok ako ni Tres sa kwarto. Pagdating sa may kusina ay nagulat pa ako dahil sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Saan mo inorder ang mga to?" tanong ko ng makita ang pagkaing nasa mesa.

Natakam ako dahil mukhang masarap. Parang pagkain sa restaurant.

"Niluto ko." Sabi niya kaya napataas ang kilay ko.

Hindi ako naniniwalang siya ang nagluto, maniniwala sana ako kung sinabi niyang inorder niya ang pagkaing nasa harap namin. Mukhang nahulaan niya ang nasa isip ko dahil sa sumunod niyang sinabi.

"Ang restaurant ay nasa bayan pa. Kailangan munang sumakay ng lantsa bago makarating doon. Aabutin iyon ng kalahating oras. And one more thing I hate ordering foods. As much as possible ako ang nagluluto ng kinakain ko o kaya ay si Manang Flor." Mahabang wika niya kaya namilog ang mga mata ko.

"Ikaw talaga ang nagluto ng mga kinakain ko dito?! I thought you ordered those foods." gulat na wika ko na may halong pagkamangha.

"I cooked them for you. I want to cook for my wife." aniya na seryosong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay may mga nagliliparang paro-paro sa tiyan ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin at lihim na napangiti. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Maybe for the effort.

Sinimulan ko ng kumuha ng pagkain. Medyo nailang pa ako dahil nakatingin lang siya sa ginagawa ko.

"Ang sarap." Wika ko nang matikman ang pagkaing niluto niya.

"I'm glad you like it." Aniya na sumubo din.

"I like eating. I like delicious foods." Sabi ko na sunod-sunod ang naging pagsubo. I am enjoying the food well.

"I know." Sagot niya na hindi nakaabot sa pandinig ko.

"Ano yon?"

"Wala. Sabi ko dahan-dahan ka, walang humahabol sayo." Aniya na ngumiti pa.

Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. And Damn it, it was the most sexiest smile I've ever seen.

Pangalawang beses ko na siyang nakitang nakangiti and it has the same effect on me.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may nagkakarerahang kabayo sa loob nito. Bigla akong sininok.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sunod-sunod ang pagsinok ko.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon