Chapter 19

38K 957 32
                                    

Chapter 19

Alas otso na ng gabi ay nandito parin kami ni Dianne dito sa Restobar. She keeps on complaining about her mother. At ayoko naman siyang iwan basta na lang dito. She already ordered two shots of Tequila at magkasunod iyong inistraight.

"Bakit ako lang ang umiinom. You should try too Sam." aniya sa akin at sumenyas sa bartender ng dalawa pang baso ng alak kaya napailing ako.

"Hindi ako umiinom Dianne. At saka walang magdadrive sa atin kapag nalasing tayong pareho." paliwanag ko sa kanya.

"Isang shot lang Sam. Hindi ka malalasing sa isang shot ng tequila." aniya na binuntutan pa ng tawa.

"I think you're tipsy. Lets go home Dianne. Hindi ka naman sanay uminom." wika ko at akmang tatayo ngunit tinabig niya ang kamay ko kaya bumuhos sa damit ko ang hawak niyang alak.

"Oh!"usal ko at mabilis na napatayo.

"Oh I'm sorry Sam. I'm sorry." wika niya habang pinupunasan ang damit ko. Huminga ako ng malalim.

Sa tingin ko kasi ay sinadya niyang ibuhos ang alak sa akin. Napailing na lang ako. Why would she do that? Baka mali lang ako ng tingin.

"Its fine. Hintayin mo ako diyan. I'll just go to restroom." wika ko kaya tumango siya.

Pagdating ko sa restroom ay mabilis kong pinunasan ang alak na tumapon sa akin. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko pero ganon na lang ang gulat ko nang makita na ang daming missed call at sa iisang tao lang galing.

Napatalon pa ako sa gulat ng magvibrate iyon. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. "T-Tres." bungad ko.

"Where are you?" seryosong tanong niya kaya napalunok ako.

Sinabi ko kung nasaan kami ni Dianne at sunod-sunod na mura ang narinig ko. "Fuck! Wag kayong aalis diyan. Papunta na ako." mabilis na wika niya bago ibaba ang tawag.

Napailing na lang ako at huminga.

Paglabas ko ng bar ay nakita ko si Josh na kasama na si Dianne. Kailan pa siya dumating dito? Baka tinawagan siya ni Dianne.

Lumapit ako sa kanila. "Josh." wika ko. Halatang nagulat siya nang makita ako ngunit mabilis ding ngumiti.

"Sam. Tinawagan ako ni Dianne at mabuti nalang nasa malapit lang ako." wika niya na inalalayan pa si Dianne na tumayo ng tuwid.

Napatango naman ako. "Buti at dumating ka. Pauwi na rin kami ni Dianne." sagot ko. "Okay ka na ba Dianne?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya at inirapan ako. Inirapan ako?Pinilig ko ang ulo ko. Lasing lang siya kaya ganon ang kinikilos niya. Pagpapaniwala ko sa sarili ko.

Inalalayan namin siya ni Josh magkabilaan para makalabas ng bar. Pagdating namin sa labas ay saktong nandoon na rin si Tres. Madilim ang mukha.

"Tres." wika ko ng lumapit siya sa amin.

"Lets go wife." aniya nang makalapit sa amin.

"P-Pero.."

"I said lets go." wika niya ng hindi nagbabago ang anyo.

Tumingin ako kina Josh at Dianne. "Okay lang ba kung mauuna-" napahinto ako sa pagsasalita ng marahas na bawiin ni Dianne ang braso niya mula sa akin kaya napaatras ako.

"Dianne!" suway sa kanya ni Josh. Napakunot ang noo ko. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Just leave." wika ni Dianne na basta-basta na lang akong tinalikuran. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang siyang nagalit.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now