Chapter 2

60.2K 1.7K 24
                                    

Chapter 2

Bigla akong napasinghap nang hapitin ako sa bewang ng lalaki. Walang emosyon ang mukha niya na nakatingin ng diretso sa mukha ko. Otomatikong napakapit ako sa balikat niya habang nakatingin sa kanyang mukha.

Nagsimula na kaming sumayaw at walang bumasag sa katahimakang namamagitan sa amin.

Hindi ko dinig ang mga bulungan ng mga tao. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tibok ng puso ko. Kung dahil ba sa sobrang lapit namin, sa mapang-arok niyang tingin o dahil sa kakaibang atraksyon na ginigising niya sa akin. He is very attractive at kahit sino siguro ay kakabahan kung siya ang makakasayaw.

Napasinghap ako dahil mas lalo niya akong hinapit. Sa sobrang lapit namin ay ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa mukha ko.

"W-Who are you?" Mahinang tanong ko habang sinasalubong ang kanyang tingin.

He has a mysterious dark eyes na para bang hinihigop ka upang titigan ito lalo. He has a sensual lips na kapag malapitan ay tila nang aakit na hagkan. Akala ko kanina ay gwapo na siya pero mas gwapo siya sa malapitan.

Matangkad din siya sa akin at umabot lamang ako sa taas ng balikat niya and to mention na nakasuot pa ako ng heels. Paano kung wala akong heels baka saktong balikat niya lang ako.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko sa naisip ko. Kailan pa ako natutong maglarawan ng ganon sa isang lalaki?

Tumaas ang kilay ng lalaki at bahagya ding umangat ang sulok ng kanyang labi. "Samantha Del Fuego." Wika niya na ikinakunot ng noo ko.

'Del Fuego?'

"It's not Del Fuego. Valdez, Valdez ang apelido ko." Pagtatama ko sa kanya at akmang lalayo ngunit hindi niya pinakawalan ang bewang ko na mas ikinakunot ng noo ko.

"Hey Mister. Tapos na ang tugtog." Wika ko dahil ayaw niya paring bitawan ang bewang ko.

"Valdez." Ulit niya sa sinabi ko kanina at at umiling. Pinaglandas niya ang daliri niya sa pisngi ko na nagpakislot sa akin. May kuryente akong naramdaman na dumaloy sa katawan ko sa ginawa niya. "No my dear. You are already mine kaya hindi mo na gagamitin ang Valdez. You are now Mrs. Vantres Del Fuego." Wika niya na nakapagpalaki ng mga mata ko.

"W-What are you talking about?! Are you crazy?!" Tanong ko na hindi naitago ang gulat,inis at pagkalito dahil sa sinabi niya.

"We are married." Balewalang wika niya na bahagya akong inilayo sa kanya upang suriin ang kabuuan ko. "You look beautiful wife." Aniya na ikinapula ng pisngi ko.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. It's not the right time to blush. Damn it!

At ano daw? Wife?

"You are talking nonsense Mister!" Galit na pahayag ko bago ko siya itulak. Kumalas naman siya sa pagkakahawak sa akin ngunit nananatili ang lapit ng katawan niya sa katawan ko.

Umatras ako pero ngumisi lang siya.

"Let's go." Wika niya na mabilis na inabot ang kamay ko. Mabilis kong piniksi ang kamay niya at lumayo dahil sa gulat.

"Don't touch me!" Nagulat na wika ko. May kuryente akong nararamdaman sa bawat dantay ng kamay niya sa balat ko. And it makes me feel uncomfortable.

Iiwan ko na sana siya sa gitna ngunit hinawakan niya ang braso. Mahigpit. Sobrang higpit na palagay ko ay bumabaon na ang daliri niya sa balat ko.

"Masakit! Ano ba?!" reklamo ko sa kanya.

Pilit kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya iyon pinakawalan.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now