Chapter 22

38.7K 1.2K 69
                                    

Chapter 22

"I already had an update Bro. And you won't believed it." Bungad sa akin ni Dos kaya mabilis na kumunot ang noo ko. Iniabot niya sa akin ang Folder na naglalaman ng mga background ng taong pinaimbestigahan ko.

Mabilis ko iyong binuksan at ganoon na lang ang pagkuyom ng mga kamao ko. "Damn it!" sigaw ko at inihagis ang Folder.

"Kanina lang ay may nagpadala ng patay na pusa sa asawa ko." Umpisa ko at inabot sa kanya ang Card na kalakip ng patay na pusa. And remembering how scared my wife is ay parang gusto kong sakalin ang taong naging dahilan non.

'You won't have everything Samantha. I will kill you.'

Iyon ang nakasulat sa note na nasa kahon. Hindi ko na pinakita iyon kay Samantha dahil lalo siyang matatakot. And I swear hindi ako titigil hanggat hindi ko nahuhuli ang mga nananakot sa asawa ko.

I am really scared earlier. Hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Samantha. Paano kung bomba pala ang laman ng box na iyon? Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala sa akin si Samantha and I will kill anyone who will hurt her.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Dos kaya napatingin ako sa kanya.

"My plan is to take down everyone who try to hurt my wife." matalim ang tinig na wika ko.

Napakuyom ang kamao ko at sumulyap sa laman ng folder na nagkalat sa sahig. I will kill the bastards who will touch my wife.

**

"KAILANGAN na talaga nating magreport sa pulis. This is not funny anymore!" galit na usal ni Daddy habang hawak ang sentido.

"Tawagan mo ang kumpare mo para matulungan tayo. Baka kung ano pang mangyari kay Samantha dahil sa baliw na nagpapadala sa kanya ng kung ano-ano!" si Mommy na nakaupo sa sofa halata sa mukha niya ang pagaalala. Dahan-dahan kong isinarado ang pinto ng library at tumungo sa may garden.

Napabuntong hininga ako. I am really scared. Bago umalis si Tres ay hinintay niya munang dumating sila Daddy. Sabi niya ay may pupuntahan siya. Ayoko sana siyang umalis dahil masama ang kutob ko ngunit nagpumilit siya. I don't know. Malakas ang pakiramdam ko na may mangyayaring hindi maganda.

Napatalon pa ako sa gulat dahil tumunog ang Cellphone ko. Mabilis na napakunot ang noo ko.

Kinuha ko iyon at sinagot. "Dianne?" bungad ko sa kabilang linya.

"S-Sam p-puntahan mo ako please." basag ang boses na sagot niya kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

"Anong nangyari?" kinakabahang wika ko.

"Si J-Josh... Si J-Josh." Binundol ako ng kaba at nahirapang huminga. Ano bang nangyayari?

"A-anong nangyari kay Josh?" tanong ko sa kanya.

Napatayo ako at napakagat labi. Hindi ko maipaliwanang ang kabang lumulukob sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko at nangangatal ang mga kamay ko.

"P-Puntahan mo ako please." muling iyak niya. Hindi na ako nagdalawang isip na sumagot sa kanya.

"Pupuntahan kita. Nasaan ka ba?" Tanong ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilis akong lumabas ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang bundol ng kaba sa dibdib ko. Paano kung may nangyaring masama kina Josh?

May kung anong pumipigil sa akin na huwag pumunta ngunit natatalo iyon ng pag-aalala para sa mga kaibigan ko.

Pagdating ko sa bahay nina Dianne ay dire-diretso akong pumasok dahil nakabukas naman ang gate.

"Dianne!" sigaw ko ngunit walang sumasagot. Nakabukas ang front door at nagkalat ang mga gamit.

"Dianne!" muling sigaw ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay at ganon na lang ang gulat ko nang makita ang mga patay na hayop.

"Oh my God!" tili ko at mabilis na napaatras.

Gilit ang leeg ng pusa at aso na nakapalibot sa sala. Gusto kong maduwal at magsuka ng magsuka dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa dugo ng hayop.

Mabilis akong binundol ng kaba. Nanginig ang tuhod ko at parang anumang oras ay matutumba ako. Sinong matinong tao ang gagawa nito?

'Si Dianne?! Nasaan na si Dianne?'

"Dianne!" sigaw ko ulit ngunit mabilis din akong napatigil ng maramdaman ko ang malamig na bagay na nakadikit sa likod ng ulo ko.

"One wrong move and you'll die."wika ng boses na nagmula sa likod ko. A very familiar voice.

Takot, pagkalito, pangamba at galit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Anong ginawa ko?

***

"DAMN it! I will kill that bastard!" sigaw ko at malakas na ibinato ang hawak kong baso na lumikha ng malakas na tunog.

"Calm down br-"

"Calm down? How can I calm down kung nasa panganib ang buhay ng asawa ko? Are you trying to make me laugh?!" sigaw ko sa kanya.

Nakita ko siyang umiling ngunit hindi sumagot.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang sentido ko. I was about to go earlier but then tumawag sa akin ang Daddy ni Samantha. According to him ay nawawala si Samantha. Hindi daw siya nagpaalam na aalis. They tried to call her phone at may sumagot daw pero isang tili ang narinig nila.

I am damn worried!

I am sure nasa kanila ang asawa ko. Those bastards kahit isang galos lang ang makita ko ay papatayin ko sila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dos nang maglakad ako palabas ng bahay.

Hindi ko siya pinansin. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon. Hindi pa ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa asawa ko. I will kill them first.

**

KAHIT nahihilo ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Konti lang ang naaaninag ko dahil umiikot pa ang paningin ko. Madilim. Nakakasuka ang amoy.Pinikit-pikit ko ang mga mata ko hanggang makapagadjust ang paningin ko.

'Where am I?' Puro pader lang ang nakikita ko. May mga gamit kagaya ng kartilya. Mga kahoy. Bakal at mga paso.

"Gising na pala si Sleeping beauty." tinig na nakapagpaalala sa akin ng nangyari.

Nasa bahay ako nina Dianne. Magulo. May patay na hayop! Masangsang ang amoy at nakakasuka!

Umatras ako hanggang marinig ko ang boses na yon. Gusto kong lumingon at kumpirmahin ang hinala ko ngunit may pumalo sa ulo ko. Bago ako mawalan ng malay ay isang pares pa ng paa ang nakita ko. Hindi ko nakita kung sino.

Napabalik ako sa kasalukuyan ng mula sa likod ko ay lumitaw ang kahuli-huliang tao na pag iisipan ko ng masama.

"Ikaw?!" gulat na bulalas ko.

"The one and only." aniya na yumukod pa.

"B-Bakit?" Puno ng sakit na tanong ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko ng nginisian niya lang ako at tawanan.

Nang hindi siya sumagot ay muli akong nagtanong kahit na natatakot ako sa maaari niyang isagot.

"I-Ikaw..Ikaw din ba ang nagpapadala ng mga death threat sa akin?" lakas loob na tanong ko.

"You got it right Brat!" sa kauna-unahang pagkakataon ay sinagot niya ako na mas lalong nakapagpalito sa akin. Bakit anong ginawa ko sa kanya? Bakit gusto niya akong patayin? Si Dianne? Anong ginawa niya kay Dianne?

"B-Bakit Josh? ....Bakit?" puno ng sakit na tanong ko. Siya ang kahuli-huliang taong paghihinalaan ko. Kapatid, kaibigan at ang tagapagtanggol ko. Pero bakit?

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon