Chapter 11

45.8K 1.5K 21
                                    

Chapter 11

Napatingin ako sa relong pambisig na suot ko. Alas syete na ng gabi ngunit wala pa rin si Tres. Kanina pa siya umalis kaya dapat ngayon ay nandito na siya.

Hindi pa ako kumakain dahil hinihintay ko siya. At isa pa ay hindi ako marunong magluto. Wala din akong kakainin.

Nagpalakad-lakad ako sa harap ng bahay at mahigit isang oras na akong nandito ngunit hindi pa rin siya dumadating. Kinakabahan na ako. Hindi naman siguro niya ako iniwang mag isa dito hindi ba? Baka nainis na siya sa akin kaya iniwan na lang niya ako dito.

Naupo ako sa hagdang bato sa harap ng bahay at nagpangalumbaba. Sa totoo lang ay binubundol na ako ng takot dahil mag isa lang ako sa buong isla.

Paano kung may masamang tao ang mapadpad dito? Paano kung pasukin ang bahay? Napailing ako.

"No Samantha. Don't think anything." bulong ko sa sarili ko upang kinakalma ang sistema ko. Ilang sandali pa akong nakapangalumbaba nang makarinig ako ng mumunting kaluskos.

Mabilis akong napatayo at napatingin sa may halamanan. "S-Sino yan?" natatakot na tanong ko habang umaatras.

Walang sumagot ngunit patuloy ang pagkaluskos. Binundol ako ng kaba at takot. Mabilis kong pinulot ang bato na nasa paanan ko.

"S-Sino sabi yan e!" sigaw ko habang hawak sa kamay ko ang bato. Na tila handang ibato iyon sa oras na makakita ng kalaban.

Nang wala pa ring sumagot ay mabilis kong binato ang parte ng halamanan kung saan ko narinig ang kaluskos.

"Damn!" dinig kong bulong ng pamilyar na tinig.

Napakunot ang noo ko. Hindi ako pwedeng magkamali si Tres yon.

"T-Tres?!" sigaw ko at mabilis na lumapit doon.

Unti-unti ay lumakad siya palabas ng halaman. May hawak siyang grocery bag ngunit hindi iyon ang nakaagaw sa atensyon ko kundi sa dumudugo niyang noo!

"Oh my God!" mabilis kong nilapitan si Tres at tinignan ang noo niya.

"What the hell are you doing lady?!" galit na wika niya pagkatapos ibaba ang grocery bag. Hinawakan niya ang noo niya at napailing.

"A-Akala ko masamang tao na k-kasi kanina pa may k-kumakaluskos diyan." nauutal na paliwanag ko at puno ng pagaalala na hinawakan ang noo niya ngunit umiwas siya.

"Tss."

Nasaktan ako sa ginawa niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata."A-Ano bang ginagawa mo d-diyan?"

"Kadarating ko lang ng batuhin mo ako." may halong inis na wika niya.

"A-Ano yung naririnig kong kumakaluskos kanina?"

"Hangin lang siguro yon." aniya na mabilis akong lagpasan. Hawak niya sa kabilang kamay niya ang grocery bag habang ang isa naman ay pinupunasan ang dugong tumutulo sa mukha niya.

Nakokonsensya ako. Akala ko kasi ay kung ano na. Hindi ko naman alam na matatamaan siya.

Mabilis ko siyang sinundan papasok. Nasa may sink na siya ng abutan ko. Naghilamos siya ng mukha ngunit mukhang hindi maampat ang pagdugo ng noo niya.

"Damn it!" sigaw niya pagkatapos patayin ang gripo. Pumikit siya at huminga ng malalim bago ako lagpasan.

"T-Tres." tawag ko sa kanya habang sinusundan siya.

"What?" walang ganang wika niya. Nasaktan ako dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa akin ngunit inalis ko iyon sa isip.

"S-Sorry. Hindi ko sinasadya." wika ko habang pigil pigil ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Tinignan niya ako ng matagal bago sumagot.

"Its fine." tipid niyang wika bago ako muling lagpasan. Mabilis akong kumilos at kinuha ang first aid kit na nasa cabinet. Mas gusto kong sigawan niya ako at sisihin pero ang tahimik niya. Wala siyang sinasabi kaya mas lalo akong nakukunsensya at kinakabahan.

"G-Gamutin natin ang sugat mo." sabi ko. Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa may sofa at nakapikit na nakasandal sa sandalan.

"Wag ka ng mag abala." sagot niya sa malamig na tinig kaya mas lalo akong nasaktan.

"P-Please let me. Nakokonsensya ako.... I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya." umpisa ko habang nililinis ang dugo na tumutulo sa mukha niya. Hindi siya sumagot at hindi niya rin ako pinigilan. "N-Natatakot ako kanina k-kasi ...kasi. ako lang mag isa..." pinigilan ko ang hikbi ko habang siya ay nanatiling nakapikit. "A-Akala ko I-iniwan mo na ako dito. A-Akala ko ay hindi mo na ako babalikan kasi nagagalit ka sa akin." Suminghot ako.

Nilinis ko ang sugat niya at pagkatapos ay naglagay ako ng betadine sa bulak at dinampian ang sugat niya. Hindi naman kalakihan iyon pero nag aalalala ako dahil matagal bago naampat ang pagdurugo ng sugat niya. Kinakabahan ako dahil baka nagkaroon siya ng concussion.

"N-Natakot ako sa kaluskos na narinig ko kanina. Akala ko ay kung sino na k-kasi..k-kasi walang sumasagot ng tanungin ko kung sino yon." paputol-putol na wika ko. "I'm sorry.. Hindi ko talaga sina-" napatigil ako sa pagsasalita ng pigilin niya ang braso ko at magmulat ng mata.

"Can you please stop saying sorry." seryosong wika niya kaya napalunok ako. Pinunasan niya ang bakas ng luha na nasa mukha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"The damage has been done and your sorry doesn't change anything." aniya kaya para bang nanikip ang dibdib ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Mabilis akong napayuko ngunit tinaas niya ang mukha ko. Halos magdikit ang mukha namin at ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. "Saying sorry doesn't change anything but your action does. Ang ginagawa mo ngayon na paggamot sa akin ay sapat na." wika niya. Lahat ng sakit sa dibdib ko ay biglang nawala. Hindi ko maipalaiwang ang galak na namuo sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Lumakas ang tambol ng puso ko at hindi ko napigilan ang sarili ko.

Mabilis kong iniyakap ang braso ko sa kanya at umiyak. "N-Natakot talaga ako kanina." humihikbing wika ko. Ramdam ko ang paghaplos niya sa likod ko at ang ginagawa niyang paghalik sa buhok ko.

"Hindi ko alam na aabutin ako ng ganitong oras. Pinuntahan ko pa kasi ang anak ni Manang Flor dahil kakapanganak lang nito at nagkaroon daw ng komplikasyon sa kalusugan ng mag ina." paliwanag niya.

Hindi ako sumagot at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"I don't want to say Sorry because I hate that word. But ever since I met you, I learned how to say Sorry. Before I just believe that action is better than words. It was one word against a thousand actions that I can do for you. Pero binago mo ang paniniwala ko. I learned how to say sorry. But right now I don't want to hear that word from you. I just want you to prove it using action." patuloy niya.

Napalunok ako. Lumayo ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. Ang daming emosyong nakapaloob sa mga mata niya. Lust and excitement. Iyon ang dalawang emosyon namas nangingibabaw sa mata niya. Muli akong napalunok.

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya. Gumanti siya ng halik sa akin. Malalim at mapaghanap. His hands is making its own way. Cupping and caressing. Touching and pleasuring every parts of my body.

'I am sorry Tres. I already fell in love with you and I will do everything to have your heart.'

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now