Chapter 14

43.3K 1.2K 16
                                    

 Chapter 14

Mabilis ang patakbo ko ng sasakyan habang kunot noong nakatingin sa klasada. Napahigpit ang hawak ko sa manibela at nanginginig ako sa galit.

"Damn you Alas! Kapag may nangyaring masama kay Carissa ay mananagot ka sa akin!" bulong ko.

Hindi ko alam kung nasaan sila dahil pinatay ni Alas ang Cellphone kanina.

Hindi ko maiwasang hindi balikan ang pinag-usapan namin kanina sa cellphone.

*FLASHBACK*

"Alas." bungad ko sa kanya.

"Hey Dear Brother. Nasabi ni Carissa na susunduin mo daw siya sa hotel ngayon. No need dahil kasama ko na siya ngayon."

"WHAT?! Damn you Alas! Saan mo naman dadalhin si Carissa?!" Puno ng inis na wika ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya at nasisiguro kong nakangisi na ang lokong ito sa sandaling ito.

"Chill bro! Wala naman akong gagawin sa kanya. You know how I feel about her." Kinabahan ako. I know Alas. His obsession toward Carissa is too much at kinakabahan ako sa kalokohang maiisip na naman niya.

"Damn you asshole! Kapag may nangyaring masama kay Carissa ay hindi kita mapapatawad!" kuyom ang kamaong wika ko.

Alas is my brother. He is Vantrace Del Fuego ngunit ang tawag sa kanya ay Alas. He has a twin. It was Vandos Del fuego. Mas matanda ng isang minuto si Dos kay Alas. They are twin pero magkaiba ang ugali nila.

Alas is kinda playful habang si Dos naman ay seryoso lagi. Napailing ako dahil muli kong naalala ang kalokohan ni Alas kay Carissa noon.

Carissa is our childhood friend. Para ko na siyang nakakabatang kapatid dahil sa amin siya lumaki. Katiwala sa Isla ang mga magulang niya at noong namatay ang mga ito sa aksidente ay kami na ang kumupkop sa kanya. Close kaming dalawa dahil ako at si Dos ang tagapagtanggol niya kapag inaaway siya ni Alas.

Pero nagbago ang lahat ng magdalaga siya. Doon na nagsimulang magabago ang pakikitungo ni Alas sa kanya. He was obsess with Carissa kaya naman ang ginawa ng magulang namin ay pinadala si Carissa sa ibang bansa. And now after five years ay nagbalik na siya at nasisiguro kong guguluhin na naman siya ni Alas.

"Don't worry bro iingatan ko siya." aniya na tumawa pa kaya napailing ako.

"Let me talk to her then!" I just wanna make sure na okay lang si Carissa. I know hindi siya nagkusang sumama kay Alas.

"Wait."

Ilang sandaling tahimik ang linya hanggang marinig ko ang impit na hikbi.

"Hello? Carissa? What did he do to you?"tanong ko ng marinig ko siyang umiiyak. Hindi kaagad siya nakapagsalita kaya naman kinabahan ako lalo. I was about to ask again ng marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"K-Kuya. I want to go h-home." bumilis ang tibok ng puso ko. What did A-Alas do to make Carissa cry?

"Damn it!" wala sa loob na bulalas ko. "Nasaan ba kayo?Pupuntahan kita..."

Narinig ko ang pagbagsak ng kubyertos kaya napatingin ako kay Samantha. Damn she's mad again. Sa isip ko ay napailing na lang ako.

Hindi ko na narinig ang boses ni Carissa at ang sumunod kong narinig ay si Alas. "Bye Brother."

I curse Alas in my mind!

**End of Flashback**

At ngayon ay papunta ako sa bahay ni Alas dito sa Maynila. I even sacrifice the 'time to be with my wife dahil sa kabaliwan niya.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now