Chapter 16

22.6K 660 44
                                    

Chapter 16

Kagaya ng sinabi ni Tres ay pumunta kami ng Mall. Nasa isang boutique kami ngayon at kanina pa ako naiinis. Why? Dahil sa mga sales lady na walang ibang ginawa kung hindi magpacute kay Tres. Ako yung naghahanap ng damit pero tanong sila ng tanong kay Tres.

"Sir kung gusto niyo meron pa kaming bagong labas na design. We can show it to you."

"Wife? Do you want to have the new design?" baling sa akin ni Tres.

Inirapan ko siya bago ako bumaling sa sales lady. "Excuse me. Hindi bakla ang asawa ko kaya wag siya ang tanungin mo sa mga design na meron kayo. As far as I am concern ay ako ang magsusuot ng damit at hindi siya." Taas kilay na wika ko sa sales lady. Mukhang napahiya naman siya kaya nagyuko siya ng ulo.

"I-I'm sorry Mam."

Hindi ko siya pinansin at lumabas ng boutique kaya sumunod sa akin si Tres.

"Wife. Hindi ko alam na ganyan ka palang magselos." nakangising wika niya kaya hinampas ko siya ng bag ko.

"Hindi ako nagseselos! Naiiinis ako! Ako ang bibili ng damit pero ikaw ng ikaw ang kinakausap?!"

"I will be the one to pay."

"But I am the one who will wear those clothes at hindi ikaw! Bakit ikaw ang tinatanong?!" nagpatuloy ako sa paglalakad. Sumabay siya sa akin at hinapit ang bewang ko.

"You look even beautiful when you're angry." bulong niya sa tenga ko kaya mabilis ko siyang siniko.

"Wag kang mambola dahil isa ka din! You are enjoying talking to that lady!"

"No I'm not." tanggi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nag eenjoy ka! Pangiti-ngiti ka pa habang kausap siya!"

"Hindi naman pwedeng sumimangot ako hindi ba? Mabait naman yung sales lady at ang sama ko naman kung susungitan ko siya." depensa niya pa kaya lalong naningkit ang mga mata ko.

"Magsama kayo pareho kayong mabait!" sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Pero ikaw ang gusto kong kasama." Nakangiting wika niya.

"Hoy! Mr. Del Fuego huwag mo akong idaan sa paganyan ganyan mo dahil mas lalo akong naiinis sayo!"

Tumawa naman siya at hinarap din ako. "Honest lang ako Mrs. Del fuego. Ikaw ang gusto kong kasama."

"Letche ka! Wag mo akong idadaan sa bola mo at baka batukan kita diyan!" Inis na nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ang brutal mo naman Misis. Para kang bipolar. Gusto mo pa ata akong gawing battered husband." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nameywang sa harap niya.

"Hoy Mr. Del fuego! Kung bipolar ako bakit mo ako pinakasalan? Dapat naghanap ka ng babaeng walang mood swings! Good luck sayo kung makahanap ka!"

"Kontento na ako sayo. Pero bakit nga ba kita pinakasalan?" Kunway nag iisip na tanong niya kaya kumunot ang noo ko at tila nag hihintay ng magiging sagot niya. I am also curious. Bukod sa utang ni Daddy ano pa kaya ang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan. "Wala din akong maisip na dahilan e." Aniya kaya mabilis ko siyang tinadyakan. Sa dami ng magagandang katangian ko ay wala siyang maisip? Unbelievable!

"Aray!" Aniya habang hawak ang tuhod.

"Excuse me! Maganda ako, matalino, sexy, mabait lahat ng yan ay pang wife material kaya wag mong sasabihing wala kang maisip na magandang dahilan kung bakit ako ang pinakasalan mo!" Angil ko sa kanya.

"Oo alam ko. Masungit ka din madalas, sumpungin, malakas kumain at mahilig mang hampas. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kita pinakasalan. I just feel it. Were destiny." Sabi niya sabay kindat sa akin kaya namula ako.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon