Chapter 18

41.3K 1.2K 59
                                    

 Chapter 18

Paglabas ko sa CR ay wala na si Tres sa kwarto. Isang maliit na note sa may side table na lang ang nadatnan ko.

'Wife I'll be waiting for you down stairs.'

Napangiti ako at mabilis na nagbihis. Bago ako lumabas ng kwarto ay inipit ko muna ang note sa may wallet ko.

Nadatnan ko sa baba si Mommy na kasama si Daddy na nakaupo sa sofa.

"Goodmorning Mom, Dad." wika ko na kapwa sila hinalikan sa pisngi. "Where is Tres?" tanong ko sa kanila.

"Why didn't you tell us?" seryosong tanong ni Daddy sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"About what?" tanong ko pabalik.

"Habang naliligo ka kanina ay may nagpadala ulit ng bulaklak. And this time may kasama iyong patay na daga! Tres immediately went out para mahabol ang nagdala niyon dito." puno ng pag-aalalang wika ni Mommy.

"W-What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"You should have told us Samantha! Hindi magandang biro ang ganon! That was a threat!" sigaw ni Daddy na tumayo pa at hinawakan ang sentido.

"K-Kanina pa ba umalis si Tres?" kinakabahang tanong ko.

"I think ten minutes ago." wika ni Mommy at lumapit sa akin.

Binundol ako ng kaba. Baka may mangyari sa kanya dahil sa ginawa niya. Mabilis akong tuamkbo palabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ngunit hindi ko sila pinansin. I am nervous. Paano kung may mangyari sa kanyang masama? Nagpalingon lingon ako sa labas ng bahay ngunit wala si Tres doon. Nasaan na ba yon?

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Tres!

"Anak. Tayo na sa loob. Doon mo na hintayin si Tres." si Mommy.

"Mommy p-paano k-kapag may nangyaring masama kay Tres dahil dito?" naiiyak na tanong ko. Hindi pa rin humuhupa ang kaba na nasa dibdib ko. Hanggat hindi ko nakikita si Tres ay hindi ako mapapanatag.

"He will be fine hija."

"But Mom whoever did this is crazy! Hindi natin masasabi baka kung anong gawin niya kay Tres!" Histerikal na sagot ko. Kunot na kunot ang noo ko at natatakot ako!

Akmang sasagot pa si Mommy ng marinig ko ang papalapit na sasakyan. It was Tres car!

Pagkababang-pagkababa niya sa kotse niya ay mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

"Anong nangyari?" mabilis na tanong ko at ininspeksyon pa kung may sugat siya. "Hindi ka ba nasaktan? Wala bang masakit sayo? Tell me Tres!" natatarantang wika ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ngumiti ng bahagya.

"I'm fine wife. You don't need to worry." aniya kaya para bang nawala ang bara sa dibdib ko at nakahinga ako ng maaayos.

"Bakit ba kasi sinundan mo pa yon?! Paano kung may gawin siya sayo? Paano kung nasaktan ka?!" sigaw ko sa kanya.

"Seeing you worried right now wants me to kiss you. But your mother is here I think I'll do it later." bulong niya habang yakap ako.

Iniyakap ko ang braso ko sa likod niya. "Sobra akong nag-alala. Alam mo ba na para akong aatakihin sa puso ng marinig kong sinundan mo ang nagpadala ng patay na daga?! Hindi mo alam kung gaano ako natakot. Paano kung masama talagang tao yon at saktan ka?" sita ko na sumubsob pa sa dibdib niya.

"But I am fine. Hindi ko nga nahabol e. He was riding a motorcycle at pumasok siya sa makipot na eskinita kaya hindi ko nagawang ipasok doon ang sasakyan ko. Swerte niya dahil hindi ko siya nahuli pero malas niya dahil sa susunod sisiguraduhin kong sa kamay ko ang bagsak niya." mahabang wika niya bago kinalas ang yakap namin.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now