Chapter 08

148 108 16
                                    

ALICIA'S POV

"How are you feeling, baby?"

"Dad, Go away"

Rinig ko ang usapan ni Elise at ng papa niya, I felt bad for her father dahil panay ang pag-iwas niya dito. Sumilip ako at inobserbahan ang tatay niya.

He looks like he's around 50s, matangkad, matipuno at kamukhang kamukha niya si Elise. Gwapo ito at kapansin pansin ang kulay asul netong mata kung saan hindi namana ng anak niya.

"I'm sorry, I just want to be a good father" Sa narinig ko palang ay halos madurog ang puso ko, maybe I don't know him but I felt the sincerity through his words.

I know hindi ko pa sila kilala gaano pero a father is still a father. Maybe he's the worst or maybe he had done a lot of bad things, but one thing is for sure. He is trying..

"I don't wanna talk to you! Dahil sa iyo namatay si Mommy!" And then I heard the door slammed hard.

Napatigil si Jessica sa pagchecheck ng vital signs ko, nagkatinginan kami at kapwa kaming nabigla nang pumasok ang papa ni Elise sa kwarto ko.

"Uhmm, Nurse Jessica... May I talk to you for a minute?" Sa boses pa lang niya ay mukhang pagod ito, tumango lang si Jessica at sumunod kay Sir Lerwick.

Ilang minuto pa ang nakalipas at bumalik si Jessica, may dala itong libro na mukhang galing kay Sir Lerwick.

"Ano yan?" Tanong ko, dapat nga hindi ako nakikielam eh pero wala curious ako.

"Photo Album" Sagot ni Jessica.

Pagkatapos umalis ni Jessica ay nagpaalam na rin si Mommy, may aasikasuhin pa raw kasi siya sa business namin.

Naiwan akong nagiisa, wondering kung ano mga nakalagay sa photo album. Naisipan kong bisitahin si Elise kaso baka hindi pa siya handang makipagusap sa akin lalo na't nag-away sila ng papa niya.

Tumingin ako sa orasan at magaalas kwatro na ng hapon, sumilip ako sa bintana at may mga bata pa ring naglalaro. Hinanap ko si Andrei at namataan ko siyang ngiting ngiti habang pinapanuod ang mga ito.

Hmmmm? Tawagin ko kaya?

Binuksan ko ang bintana, nagdadalawang isip ako kung sisigawan ko siya o hindi dahil siguradong may makakarinig sa akin at isiping nagiiskandalo ako.

Hays bahala naa..

"ANDREIIIIIIIIIII!" Bulyaw ko at saktong napatingin siya sa akin.

Hindi na niya akong kinawayan at tumakbo siya papasok sa hospital, mukhang pupuntahan niya ako kaya nagantay ako ng ilang minuto para sa katok niya.

Halos mahulog ako sa kama ng biglang marahas na bumukas ang pinto, bumungad sa akin si Andrei na hingal na hingal.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?" Sunod-sunod niyang tanong.

Mukhang iba ata nasa isip nito, nagsimula akong humagalpak sa tawa dahil dilat na dilat pa rin ang mata niya, mukhang narealize na okay naman ako kaya bigla na lang siyang sumalampak sa sahig.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Depende kung okay ka"

Napatigil ako, ramdam ko ang puso kong tumitibok ng sobrang bilis. Ano itong nararamdaman ko?

"Ahh y..yeah I'm fine" Mautal utal kong sagot.

Lumapit siya sa wheelchair ko at tinapat iyon sa kama ko, he gestured me to transfer kaya umupo agad ako sa wheelchair.

"Saan gusto mo pumunta?"

Natawa ako sa tanong niya, bakit may iba pa bang pwedeng puntahan dito sa hospital?

Pinaandar niya ang wheelchair ko ng sobrang bilis kaya napakapit ako at halos mapapikit dahil mukhang bibitawan niya wheelchair ko.

Ilang saglit pa ay nasa playgroud na kami, hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi naman sila napapansin nung mga dumadaan na pasyente. Pinasawalang bahala ko iyon at nanuod sa kanila.

Isang batang babae ang lumapit sa akin at binigyan niya ko ng flowers na galing sa mga tumutubong bulaklak na nasa paligid ng playground.

"Ate can you play with us?" She asked innocently, tumingin ako sa kanya and smiled bitterly.

I wish I could too..

"Can I join?" Singit ni Andrei.

"But you're too big, Mr." Sagot ng bata.

Natawa lang ako dahil nag pout pa si Andrei sa bata, mukhang ayaw talaga siya pasalahin dahil para kasi siyang manghahabol na demonyo haha.

"Ate will join pero dapat kasama ako" Dagdag pa niya.

Walang nagawa ang bata at tumango lang, hindi ko alam kung paano niya ko pasasalihin eh hindi naman ako makakatakbo katulad niya.

Nakipag jack-n-poy siya sa bata at nagsimula nang magkampihan. Kakampi ko siya kasama ang tatlong batang lalaki. Hindi ko talaga alam paano niya ko papatakbuhin.. hay nako..

"Si Ate taya!" Sigaw ng batang babae.

Nagsimula silang magtakbuhan at akma kong papaandarin ang wheelchair ko ng tinulak ito ni Andrei bigla at mabilis na hinabol ang mga bata.

"Andaya mo kuya! Dalawa kayo!" Sigaw ng isang bata.

Para namang demonyong tumatawa si Andrei na panay pa rin ang habol sa mga ito habang tulak tulak ang wheelchair ko, napapakapit na lang ako dahil pag ito tumigil siguradong sasalampak ako sa damo.

"AHHAHAHA NANDITO NA SI KUYA ANDREIIIIII" Bulalas niya na parang baliw at mukhang natakot niya ang mga bata dahil ramdam kong literal na ayaw na nila lumapit.

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko ngayon, tawa lang ako ng tawa habang parang parehas naming tinatakot ang mga bata. Nadadala ako sa kabaliwan niya hanggang sa tumigil kami ng magsimulang umiyak ang isa sa mga ito.

Nilapitan ko ang batang babae at pinaupo sa hita ko, napakamot na lang sa batok si Andrei at mukhang guilty rin dahil sa kagaguhan niya.

"I hate himmm!" Turo niya kay Andrei.

Parang bata naman si Andrei at umiling iling nang sinenyasan ko siyang magsorry sa bata.

He's literally out of his mind..

Kalaunan ay lumapit siya sa batang umiiyak at kinarga niya ito, nakatingin lang ang ibang mga bata sa amin habang pinapatahan niya ang karga niya.

"Sorry na! Kotongan mo si Kuya kasi bad!" Kinuha niya ang kamay ng batang karga niya at kinotongan niya ang sarili niya gamit ang kamay nito.

Mahinang tumawa ang bata na ikinangiti ko, mukhang sanay siya sa bata at hindi ko kung ano naman itong nararamdaman ko.

"Icia? Bakit ka nandito mag-isa?"

Lumingon ako at nakita ko si Jessica na alalang alala.

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon