Chapter 22

104 68 12
                                    


ADRIAN'S POV

"HAHAHAHAH GAGO AMPOTA!" Tawa ni Lois sa kabilang linya.

Tanginang lalaki ito, papatayin ata ako sa boses niya.

"So kamusta na pinapagawa ko sa iyo? Nakuha mo na yung prescription pills ni Alicia?" Tumahimik ang kabilang linya, sigurado akong hindi niya pa nagagawa.

"Kasi ganito pre.. Si Jessica kasi ayaw ibigay yung mga gamot ni Alicia dahil against sa hospital policies----"

"Ikaw ang may-ari ng hospital diba? What's with that goddamn policies?!" Pagpuputol ko, tanginang kokote yan.

"Pre! Ayokong bumangon papa ko sa hukay dahil lang sa lumabag ako ng rules sa hospital! Tsaka pamana yun ni Papa, hindi sakin!" Mukhang mapuputol litid niya dahil sa pagdedepensa ng sarili.

Hays, What do I expect from Lois Razon, He's an asshole in goody good shoes.

"So ano? Wala kang back up?" Tanong ko.

"Meron, ibibigay daw ni Jessica yung mga prescription pills basta mapapayag ko si Mark makipagdate sa kanya"

What the fuck? Edi lumabag din siya..

"Kaso, papayag si Mark na makipagdate kay Jessica kung babayaran ko siya ng 200k. Pota diba? Kala mo naman kasi ang yaman yaman ko." Mukhang natanggalan na naman ang kaibigan ko ng turnilyo, sa dami ba naman ng poproblemahin sa mundo pera pa, eh wala pa iyon sa 1/3 ng pinamana sa kanya.

"Ayusin mo turnilyo mo sa utak. Pagkatapos, ibigay mo sakin lahat ng impormasyong kakailanganin ko. Kung ayaw mong utusan ko si kuyang multuhin ka" Utos ko sa kanya bago putulin ang tawag.

Naalala ko pa mukha ng matanda kaninang umaga, halos walang mapaglagyan ang takot niya ng nagpakilala ako as si Kuya.

Kapag nga naman hinahabol ng karma..

Hawak-hawak ko ang recorder na ginamit ko kanina, nandito nakalagay ang sisira sa reputasyon niya.

Venus of Industry? Bullshit.

Kung kakailanganin kong buhayin ang pagkatao ni kuya ay gagawin ko, maipaghiganti lang siya sa pesteng matandang iyon.

"Matagal na kitang pinatay.."

Parang musika sa aking pandinig habang pinaulit - ulit ko ang recorder, hindi ako naniniwala na wala siyang kinalaman sa nangyari o wala syang alam tungkol dito.

The case is still open, pwede ko ito maging ebidensya. Alam ko naman na isang aksidente ang nangyari, but this bitch benefited a lot.

Ano kaya pakiramdam ng unti-unting masira lahat ng pinaghirapan?

•••


LOIS' POV

It's been a week since nagkaroon si Jessica at Mark ng date, siguro naman ay ibibigay na sakin ng kababata ko yung prescription pills..

Sayang 200k ko sa kanya.

Pumasok ako ng nurse headquarters at sakto namang nagkakape si Jessica. Mukhang alam na niya ang pakay ko kaya agad siyang nag labas ng supot.

"Yo Wazzup Jessica! Musta date niyo ni Mark!?" Sinadya ko talaga isigaw iyon para mainggit mga kasama niya dito, alam ko namang bukod sakin eh pati rin si Mark ay pinagnanasaan nila.

I'm expecting na iniwanan lang ito ni Mark after date, hindi naman kasi interesado yung lalaking iyon sa mga babae eh.

"It's great, after the date nagpunta ako sa condo niya and we had sex.."

My jaw dropped nang marining ko yung katagang "sex". Agad kong tinapalan ng kamay ang bibig ni Jessica, walang hiya itong babaeng ito! Talagang nilakasan pa niya boses niya!

"Oh eto na, baka madepress ka pa pag nagkwento ako sayo nang nangyari" Marahas niyang tinanggal ang pagkakatapal ng kamay ko pagkatapos ay halos ibato niya sakin ang supot na puno ng gamot.

"Baka need mo iyan para makalimutan lahat ng sinabi ko" Her eyes rolled bago lumabas ng headquarters, hindi ko alam kung bakit sobrang bait niya sa ibang doctor samantalang sakin ay parang gusto niya ko parati ibaon sa lupa.

Ganoon na ba ko kagwapo?

Dumiretso ako sa office dahil siguradong nag-aantay na si Uno sakin, tsaka alam ko namang hindi ko pwede itong buksan sa headquarters.

"Hey buddy!" Bungad ko sa aking alaga, tuwang tuwa itong sumalubong sa akin kaya agad kong kinuha ang laruang bola niya.

"You want this? You want this?"

Oh shit. Naalala ko kung ano ang sadya ko dito, aish! Nakalimutan ko na naman!

Binuksan ko ang supot at tama ako sa aking hinala, every drug prescribed ay para makalimutan ng pasiyente ang mga masasalimuot na pangyayari sa kanyang nakaraan.

There's nothing wrong in using this, hindi naman ito pinagbabawal dahil may mga pasiyenteng nangangailangan nito.

But not in Alicia's case..

"What the fuck?" Tiningnan ko ang dosage at sobrang taas nito sa karaniwan. Alicia suffers PSTD and Amnesia, temporary lang iyon and within months ay kaya na niya ibalik ang mga nakalimutang memories kaso dahil sa mga gamot na it, there's a big chance na tuluyan na niyang makalimutan lahat.

"Gago ba iyon?"

Napasalampak ako sa aking swivel chair, hindi ko lubos maisip kung bakit gagawin ni Dr. Harleen ang mga bagay na ito sa kanyang pasyente. Even though iutos pa ng ina ni Alicia.

Unless she was blackmailed.

Pero sinong tarantadong ina ang gagawa ng ganito sa anak niya? Kaya nga nagpapagaling dito sa hospital si Alicia ay para mabalik ang mga alaala nito hindi para mas makalimutan pa!

Kung sino man ang may pakana nito ay siguradong walang pakielam sa kung ano mang mangyari kay Alicia. This kind of dosage would eventually kill her in several months, kung paulit ulit itong ginagawa.

Nabasa ko rin ang schedules ng pag-inom at hindi ito biro, karaniwan kasi ay 2-3 times a week lang pero sobrang mababang dosage iyon.

Itong nababasa ko ay araw-araw na pag-inom, kaya siguro ganoon na lamang ang nangyari kay Alicia nung last time na nakita ko siya. Her illness turned severe, it would left a great damage upon her brain sa oras na hindi ito matitigil agad.

Agad kong tinawagan si Adrian, I have a plan in my mind na siguradong malalagot ako kay Papa.

"Dad! Kung naririnig mo man ako! Patawarin mo ko dahil lalabagin ko ang batas ng pagiging doctor! Alam kong doctor must be loyal and honest to his duty, pero kung mumultuhin mo man ako pwedeng si Dr. Harleen na lang?"

Strikto si Papa at sigurado akong sapak aabutin ko don pag bigla niya kong multuhin..

Lalo na't plano kong itakas si Alicia..

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon