Chapter 39

57 35 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"WE HAVE TO DO SOMETHING!" Bulyaw ni Laura sa mga kasama niya sa meeting.

"Lustrous Company made it on the top, because of your scandals our company gained the lowest income.." Sagot ng isang investor.

"Yes, we are really disappointed.. some investors decided to cancel their investments since they don't want to be involved." Sagot pa ng isa.

Hindi na rin alam ni Laura ang sasabihin, she's furious as hell. Naiinis siya sa mga kaharap dahil hindi rin naman sila nakakatulong sa pagbangon ng kompanya, they're making the situation worst.. She wanted to walk out pero mas pinapakita niya na lang na mahina siya.

She's too busy in filing cases for Adrian that she forgot in managing the company, Nakalimutan na niya ayusin ang nangyaring sigalot, kung hindi pa siya naremind ng secretary niya ay siguradong hindi niya pa rin alam.

"Why don't you try advertising? Why don't you try donating for charities?" Nataly suggested, tumaas naman ang kilay ni Laura sa narinig.

"Why would I donate money for charities? Nasa middle tayo ng crisis, tapos magdodonate pa ko?"

"It's a bait, people like seeing good deeds. Kung ipapakita mo na mabuti ang iyong kalooban maging benta iyon sa tao pati na rin sa investors natin"

Laura's lips formed a smile, yun na ata ang pinaka magandang narinig niya ngayong araw. Nataly is a new investor here, mukhang nagpapakitang gilas ang dalaga sa matanda kaya naman abot tenga ang ngiti niya.

"Ow? That's a good suggestion, Nataly. Can you recommend me to some foundations and charities? I would like to donate... a little bit" She winked before leaving the room, hindi na niya naisipang i-end pa ang meeting dahil kuntento na siya sa narinig niya.

Nang makaalis ang matanda, nagsi-ligpitan na rin ang mga tao na naiwan sa meeting room. Nataly left and immediately call her boss, her real one..

"Sir? Okay na po ang lahat.."

"Good"

**********

It's Sunday and Laura decided to go in a meeting with someone unknown, hindi pa kasi nasasabi ni Nataly sa kanya ang full details about sa tao na makakatulong sa kompanya niya.

They arrived in a fancy restaurant near Manila Bay, sabi ni Nataly ay parating na raw  ito kaya nag-order na rin si Laura ng magiging lunch nila. She's excited dahil nagtitiwala siya kay Nataly and she knew na hindi siya bibiguin ng dalaga.

After a few minutes, a woman in her 20s arrived at the restaurant. Agad itong sinalubong ni Nataly bago hinatid sa kanilang table, maganda at mukhang lahing koreana ang babae. Mukhang anak ito ng isang businessman pero wala naman siyang kilala na maaring maging koneksyon ng babae.

"Hi, nice to meet you Ma'am Laura. I'm Shin Hye-suk, a businesswoman." Pagpapakilala nito, agad namang nagbigay galang ang matanda at pinanatili ang kanyang magandang ngiti sa dalaga.

"Mukhang kilala mo na ko ah?"

"Of course, kayo po ang naging inspiration in my starting years at business.."

Nakaramdam si Laura na magiging maganda ang meeting nila ngayon, the woman gave her a comfortable discussion. Ang naging offer nito sa kanya ay isang charity na binuild nito for the past few years, may mga pinakitang pictures rin ito ng mga kilalang tao na nakapag donate na sa charity. Maganda naman ang magiging benefit nito sa kompanya lalo na't hindi lang pagdodonate ang magagawa niya kundi pag iinvest.

"Don't lose this chance, Ma'am" Pagkumbinsi ni Nataly, for some reason she was mesmerize of how it will help her company to regain it's power. Hindi na nga niya namalayan na nakapag donate na siya ng 30 Million.

The meeting ended successfully, katiwa-tiwala ang hinarap ni Nataly sa kanya at nakakaramdam na siya ulit ng magandang hinaharap para sa kompanya. Ngayon, pwede na rin siya mag focus kung paano papabagsakin ang lalaking nagbigay ng samut-saring problema sa kanya.

She wanted to slap Adrian's face with wealth so bad, she wanted him to know na kailanman ang katulad niya ay hindi matitibag.

Nag-paalam na si Nataly para umuwi, she then call Harleen to pick her up at the front if the restaurant.

Harleen arrived 30 mins after, halata pa rin sa doktor ang mga pasa sa mukha lalo na't naisipan niyang tumakas sa matanda kaya nabugbog siya ng mga tauhan nito.

"The meeting was great.." Bungad ni Laura, tumango lang si Harleen at pinatuloy na ang pagpapatakbo ng kotse.

When they arrived at the Mansion, agad siyang kinausap ni Laura para sa isang plano. She then walked upstairs sa kwarto nito kahit pagod na pagod siya sa mga pinagawa nito ngayong araw.

"I've heard na nasa isang bakasyon si Lois ngayon.." Paninimula ng matanda, walang ganang tumango ang doktor dahil wala naman talaga siyang plano na makinig sa lintaya ng kaharap.

"I want you to follow him, nakapag book na ko ng flight mo mamayang 10 pm.. Nandito ang address ng dating bahay niya doon." Dagdag nito, binigay sa kanya ang isang kapirasong papel na may address.

"Anong gusto mong gawin ko? Spy? Tingin kung anong gagawin niya?" Tanong ni Harleen, sumimangot naman ang matanda sa naging tanong niya kaya napalunok na lang ang doktor.

"Kill him"

Hindi na niya nagawa pang umangal at walang ganang tumango, if she doesn't kill Lois.. siya ang mamamatay. Medyo masakit pa nga ang katawan niya lalo na't sobrang lakas ng pagkakabugbog ng mga lalaking nakahuli sa kanya noong isang araw.

She immediately left then room and headed to hers downstairs, wala rin naman siyang poproblemahing trabaho sa hospital dahil pinag leave siya ni Laura ng ilang buwan. She grabbed the gun na nasa side table at nilagay sa isang pocket na nakakabit sa legs niya. Nagsuot siya ng mahabang itim na palda at formal white polo, mukha siyang madre sa suot pero mas maganda na iyon dahil ayaw niyang pagsuspetsahan siya pagdating sa airport.

Nakaabang na rin ang driver na maghahatid sa kanya sa airport, she put her baggage at  the back of the car bago pumasok ng kotse.

As she entered the car, halos maubusan siya ng dugo ng makita kung sino ang lalaking maghahatid sa kanya.

"Miss me?"

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon