Chapter 37

59 36 0
                                    


ADRIAN'S POV

I'm still in the office kahit 6 pm na, nagtataka naman ako dahil hindi pa tumatawag sa akin si Alicia. I told her that if I'm still not in the house at 5 pm, she would call me.

Ano kayang ginagawa ng babaeng iyon ngayon?

I can't let her wander outside kaya pinagbawalan ko siya lumabas, I tried to pay Lois para parating samahan si Alicia but it's Jessica's 40 days kaya wala rin akong magagawa.

I can't go home since may last meeting ako sa abogado ko, it's about that old motherfucker who keeps in filing shitty cases under my name. Akala niya ba ganoon lang iyon? I have proofs, she don't have any.

Paikot ikot ako sa swivel chair na kinauupuan ko while the round wall clock ticks, I can't stop thinking about her lalo na't hindi pa siya tumatawag, I remembered earlier when she asked about facebook and messenger.

Hnmmmm? Magdodownload kaya yun?

Hindi naman niya ko tinanong paano mag log in?

Isesearch niya kaya pangalan ko?

Wait... it's been a month since hindi ako nag popost. Kinuha ko ang phone ko para i-check kung ano yung pinagpopost ko for that past few months, it's just fucking dirty memes pero pinagdedelete ko iyon hoping na hindi niya pa sana makita.

Natigil ako sa pagdedelete nang may kumatok sa opisina, bumungad sakin si Atty. Lopez. A tall and beautiful woman with a pair of round red eye glasses, nakared rin itong uniform and heels which is making me somehow uncomfortable.

The last time I saw her, everything was green.

"Good evening, Sir Adrian" I nodded and asked her to have a seat.

Binuksan niya ang kanyang dala-dalang brief case at itinambak sa lamesa ko ang sandamakmak na papeles. I went through the pages at lahat ng nakalagay ay kaso mula kay Laura. Mukhang obsessed na ito sa pagsasampa ng kaso dahil kung ano ano lang at mukhang hindi pinag-isipan.

There's a case that caught my attention.

Kidnapping.

Agad pumasok sa utak ko si Alicia, well for me it's not kidnapping.. it's saving. She still has no proofs about anything that she filed in the past few weeks which will be ace in a good time. Madali lang pabagsakin ang taong puno ng masasamang sikreto.

"So ano magiging plano natin?" Tanong ko.

She fixed her glasses and quickly gathered up the papers na tinambak niya kanina, she stacked them neatly at ibinalik sa brief case. Tumingin ito sa akin at mukhang alam ko na ang nasa isip nito.

"If you're going to defend a case, you need proofs. In her situation, hindi siya nagpakita ng kahit anong pruweba laban sa iyo. She still hasn't ask for a trial in court which will be your ace kung hihingi ka na"

"Why?"

"Sir, you have a lot to defend on. Magiging distraction niya iyon sa paghanap ng pruweba dahil aayusin niya yung sa kanya"

I nodded and gestured myself like I'm thinking this over and over, pero hindi naman talaga. Mukhang lang akong seryoso pero gusto ko ng tumawa, the bitch is really desperate for attention though, kaya kailangan talagang salpakan ng hinihingi niya.

After an hour of discussion, agad na umalis si Atty. Lopez sa opisina. I offered her dinner pero tinanggihan niya dahil may nga aasikasuhin pa raw siya. As she have said earlier, kailangan kong mag request para sa isang trial in court in order to defense myself. Hangga't wala siyang pruweba, I can prove them she's literally crazy.

Tumingin ako sa orasan and it's already 7 pm, usually ang off ng mga tao dito sa opisina ay 9 pm pero may mga nag-oovertime din. Nagpaalam agad ako sa sa secretary ko at excited na akong umuwi.

Papalapit palang ako sa kotse ko ay halos sumabog na ang katawan ko sa sobrang Andrenaline, I can't help to feel excited dahil sa wakas ay makikita ko na rin ang baby ko.

Habang nagdadrive ay naalala ko na naman ang yung tinanong niya sakin kanina, I'm still not finish in deleting some memes kaya ginawa ko na iyon sa kotse. It's illegal to use phone while driving pero siguro naman may exception diba?

Nakakahiya talaga kasi pinagpopost ko..

Natigilan ako sa pagdedelete ng may maalala ako, mapakla akong natawa dahil bakit nga ba titingnan ito ni Alicia kung nakikita niya ko bilang si Kuya?

For some reason, inistalk ko ang account ni Kuya. It's still in Facebook kaya some people  thought he's still alive, well wala rin naman silang pake kung patay na si Mark.

I saw their picture pagbukas ko pa lang account niya, I felt something blocked my throat at nahirapan akong lumunok. I scrolled down through his posts and It's just them together in different places and moments.

I don't why pero I felt jealous of what they have before, siguro kung mas maaga kong nakilala si Alicia ay hindi sana magkakaganito nararamdaman ko.

Fuck! Ano ba tong dinadrama ko!? Nagpapanggap ako para sa mabilis niyang pag galing.. tama! iyon lang dapat isipin ko!

My jaw dropped as I saw an old post of me together with Alicia and Kuya in Las Vegas. Naalala ko yung pinuntahan nila ako sa America just because Alicia was curious about how gambling works which I'm good at.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip pero agad akong pinaharurot ang sasakyan pauwi, nang makarating ako ay nakapatay halos lahat ng ilaw malibang lang sa may salas.

My heart races for goddamn expectations, siguradong maalala niya na kung sino ako at siguradong magagalit siya sa akin ng sobra. I have no right to be an impostor of my own brother.

"I'm sorry.."

I saw her watching T.V with a bowl of cereal in her hand, she glanced at me... clueless.

Hindi niya ba nakita yung photo?

"Why? Welcome home by the way"

I smiled and walked towards my baby, hindi na ko nagtanggal ng sapatos at agad na umupo sa tabi niya. I felt happy dahil hindi niya naisipang i-check ang account ko.

"Bakit hindi mo ko tinawagan kanina? I told you to call me at 5 pm"

"Nabasag phone ko"

"Why?"

"I threw it"

"Why"

"Inistalk ko kasi fb mo and I saw a picture of us together pero dalawa ka. Natakot ako kaya nabato ko"

My jaw literally dropped, tama ang kutob ko at iistalk niya talaga ang account ni Kuya. Mukhang hindi naman niya sineryoso ang photo dahil hindi naman siya galit pero parang ramdam ko na may naalala na siya.

"Baby?"

"Yes?"

"I have questions"

Huminga ako ng malalim upang ihanda ang sarili sa mga tanong niya, I don't wanna expect a good question lalo na't nakita na nya ang photo namin dati.

"Nasaan ang remote? I can't watch other channels kasi nawawala"

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon