Chapter 40

54 35 0
                                    


LAURA'S POV

"No..No! SHIT!" I immediatly ended the call and rushed downstairs.

"Tulungan n..iyo po kami.." Napatingin ako sa maid na nasa paanan ko, gumagapang siya papalapit sakin while blood dripped in her chest.

Someone.. entered the house..

Sinubukan kong tawagan ang number ni Harleen para sana pabalikin siya sa Mansion, pero walang sumasagot. Nanginginig ako habang naririnig ang yabag ng paa mula sa kusina.

"Miss me?"

Lumingon ako para makita ang isang matangkad na lalaking may hawak na baril, he wore a black mask with some details of gold. Iisa lang ang may ganoong maskara at alam ko na agad kung sino ito.

" Lerzon, anong ginagawa mo rito?"

Isang malakas na halakhak ang unalingawngaw sa Mansiyon,  I thought I already got rid of him? Pero bakit siya nandito-- No! Hindi pa ko pwede mamamatay!

Tumakbo ako papunta sa main door at agad iyong binuksan, I heard gunshots behind me at naramdam ako ng pamamanhid sa balikat. I saw blood dripping down in my left arm kaya lalo pa kong kinabahan-- No! HINDI AKO MAMAMATAY!

"Masaya ba?"

Nabuksan ko ang pinto at nakita ko ang driver ko na nasa loob ng kotse, buhay pa ito at may earphones sa tainga. I run towards the car and knocked at the car window.

"TANGINA! HINDI MO BA KO NARIRINIG?!" Bulyaw ko, it's no use.. masyadong malakas ata ang music niya..

"Masaya ba habulin ng taong binangga mo noon?"

Lumingon ako sa likod at nandoon siya.. nakatayo, nakangiti at nakatutok ang baril sa akin. That madness in his eyes caught my attention, alam ko sa sarili ko na baliw na itong nasa harap ko.

"You kidnapped my daughter, you killed my wife.. tingin mo ba hahayaan pa kitang mabuhay?"

"Wala akong ginagawa sa pamilya mo.."

"Liar"

Another gunshot echoed through my ears, pero wala akong naramdamang pamamanhid. Tumingin ako sa lalaking nasa loob ng kotse at kitang kita ang pagtagos ng bala sa kanyang ulo.

"Your turn."

********

LOIS' POV

"Siguro ay napaka ganda ng minamahal mo, hijo" Napangiti ako ng marinig ang papuri ni Aling Marites kay Jessica.

Hindi ko nagawang makaabot sa 40 days ni Jessica dahil sa sobrang pagod ko nung nga nakaraang araw na dinagdagan pa ng lagnat. Naging maayos na rin naman ang lagay ko ngayon kaya napagdesisyunan ko nang bumisita sa kanyang puntod.

Sumama si Aling Marites pati na rin si Elise, nagdala kami ng mga bungkos ng bulaklak mula sa garden nila Elise. Si Aling Marites naman ang nag-ayos bago kami duniretso sa sementeryo.

"Thank you for taking care of me." Saad ni Elise bago ibaba ang bungkos ng rosas. Nag ilaw ako ng tatlo ring kandila sa puntod nya, si Aling Marites naman ay kinuha ang sapincna ipanlalatag sa gilid ng puntod.

Dito namin balak kumain ng meryenda para na rin magkaroon ako ng oras kasama si Jessica, I appreciate the efforts na ginawa nila para sa akin. Sobrang saya ko kasi kahit papaano ay hindi ako makakaramdam ng pag-iisa.

Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Jessica para sabihin sa kanila na nakadalaw na ko, they wanted to join me here pero may inaasikaso pa silang business overseas.

"Kayo po? Aking Marites? Nabisita niyo po ba ang anak niyo bago kayo umuwi dito?" Tanong ko, habang naghahanda siya ng makakain namin.

"Oo naman, araw-araw kong binibisita ang puntod nun bago ako umuwi dito sa Palawan.."

Spaghetti at Carbonara ang pagkain namin ngayon, ngiting ngiti naman si Elise dahil ito ang mga paborito niyang pagkain. Nag-request ako ng pie kay Aling Marites dahil paborito rin ito kainin ni Jessica.

"Ano po ba kinamatay ng anak niyo?" Tanong ni Elise.

Natigilan sa paglagay ng pagkain si Aling Marites sa mga plato, mukhang hindi niya talaga tanggap ang nangyari. Kaya pinandilatan ko si Elise, ayokong mag wala ba namab ang matanda katulad noong isang araw.

"Pinatay siya.." Paninimula nito.

"Pinatay ng amo ko sa Maynila.."

Nakatitig lang kami kay Aling Marites habang sinimulan niya ang pagkekwento.

"Dumating ako sa Maynila noong 15 years old palang si Cecilia, sinama ko siya papunta doon dahil kakamatay lang ng asawa ko at walang magbabantay sa kanya kung iiwanan ko siya rito sa Palawan"

"Nireto ako ng kaibigan ko sa isang mayamang matanda, pumayag naman ako dahil pamilya ang sinabing pagsisilbihan ko" Dagdag pa nito.

"Naging maganda ang mga taon na nandoon kami ni Cecilia, napakabait ng may-ari at nagkakaroon rin ng kalaro ang anak ko dahil may anak rin ang naging amo ko"

"Nang mamamatay si Sir, nagiba na ang ugali ni Ma'am.. parati na siyang nananakit at parati niyang pinagbubuntunan ng galit ang mga kasama ko doong maid"

"Buwan buwan, mayroong umuuwi.. hindi ko nga lang maintindihan kung bakit gabi sila parati umaalis.. hanggang sa isang gabi nalaman ko na kung bakit.."

Natigil sa pagkekwento si Aling Marites at pinunasan ang luha na namuo sa kanyan mata, mukha namang walang kaalam alam si Elise kung sino ang tinutukoy ng matanda pero ako naman ay nagkakaroon na ng kutob kung sino ang naging amo niya sa Maynila.

"Isang gabi, inutusan ako ni Selya na maglinis sa basement ng Mansion.. tatlong pinto ang naroroon pero hindi naman nasabi sa akin ni Selya na bawal pala ang nasa pinaka dulo buksan" Paninimula uli nito.

"Unang beses pa lang ako makakapaglinis sa basement dahil bawal kami pumunta doon at si Selya lang ang binibigyan niya ng abiso para maglinis.."

"Pagbukas ko ng pinto sa pinaka dulo, isang babaeng duguan ang nakatali sa isang kahoy na upuan. Sa sobrang takot ay tumakbo ako papunta sa kwarto ni Ma'am at sinumbong ko ang nakita ko."

"Pero nagalit si Ma'am at binugbog niya ko, pumasok si Cecilia sa kwarto at ipinagtanggol ako pero binaril siya ni Ma'am at nakita ko kung paano siya humandusay sa sahig." Nagsimula na siyang humagulgol kaya pinilit ni Elise na ialo ang matanda.

"Sabi ni Selya ay itatapon daw ang bangkay ng aking anak sa likod ng bahay, pero hinayaan niya kong ilibing ng maayos ang anak ko at makaalis sa impyernong iyon"

Nakaramdam ako ng galit at inis mula sa kwento ni Aling Marites, kung sino mang demonyo gumawa nun ay kailanman hindi mapapatawad ng langit.

"Sino po ba ang naging amo niyo sa Maynila?" Tanong ni Elise.

"Si Laura Manansala.." Sagot niya.

Tama nga ako, tama ang naging kutob ko.

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon