Chapter 16

114 80 14
                                    


THIRD PERSON'S POV

Sumalampak sa sahig si Dr. Lois nang bigla siyang dinaganan ni Uno, he can't help the happiness his dog is giving to him.

"Stop! hahaha papatayin mo ko!" Sabay nang pagtawa ang pag-akto niyang nasasaktan. The dog seems to like it kaya mas lalo pa itong naging agresibo.

"Having fun?" Napalingon ang doktor sa isang lalaking pumasok sa kanyang opisina.

"Oh? Adrian?" Isang lalaking naka leather jacket ang kanyang kausap, ito ay matangkad, matipuno at may kulay brown na mga mata.

Kagaya nang dating pasyente niya..

"Gusto ko lang sana i-check ang progress ni Alicia.." Lumapit ito sa doktor at inalalayang tumayo. Nagpagpag naman si Lois at umupo sa kanyang swivel chair.

"She's doing fine, ang sabi ni Dr. Mike ay nakakatayo na siya at nagawa nang maihakbang ang mga paa niya." Pagpapaliwag ni Lois.

"How about her memories?" Sunod na tanong ng binata.

"She can remember few, pero hindi niya pa nagagawang maalala lahat"

"How about the car crash?" Nanatiling nakatitig ang doktor sa kanya, mukhang wala itong maisasagot base sa kanyang mukha.

"Ako ba si Alicia? Si Alicia tanungin mo" Bulalas nito.

Minsan ay gusto na rin niyang sapakin ang kaibigan, he doesn't care if this guy is one of the finest doctors here in the hospital. He's still an asshole..

"Huwag mong sabihing gusto mong sirain buhay ng babaeng iyon? Bro Huwag mo--"

"No, hindi ko gagawin iyon. She's still my brother's beloved, ayokong bumangon iyon sa hukay dahil lang sa sinaktan ko ang pinagkamamahal niya"

Mapakla siyang natawa nang sumagi sa isip niya ang huling araw na nakita niya ang kanyang kapatid.

/FLASHBACK/

Kakauwi lang ni Adrian mula sa America at kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang kwarto. It's already 10 pm at wala pa rin ang kuya niya, even though 5 mins lang agwat nila ay kuya pa rin niya iyon.

Habang nanunuod siya ng tv ay biglang nagring ang phone niya, inis siyang tumayo dahil nakalimutan niya itong kuhanin sa C.R.

"Hello? Kuya? Musta na kayo ng bebe mo?"

"Hello this is St. Lukes, are you the patients's brother?" Napako siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang isang nurse sa kabilang linya.

"Bakit nasa iyo ang phone ng kapatid ko?"

"Naisugod po siya rito sa hospital. Mukhang nasangkot po ang iyong kapatid sa isang car crash. May kasama rin po siyang isang babae kailangan po----

Hindi na niya tinapos pa ang tawag at dumire-diretso siya pababa ng hagdan hanggang sa makalabas at makasakay sa kanyang motor.

Tinahak niya ang gabi ng may luha sa mga mata, halos lumalagpas na rin siya sa speed limit at dinidrift na niya ang bawat kanto.

His brother needs him, kailangan niyang makarating agad.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay dumiretso siya sa information para hanapin ang kanyang kuya, halos takbuhin niya ang E.R kung saan ito sinugod. Dumungaw siya sa bintana at nakita ang kanyang kapatid na duguan at nag-aagaw buhay...

"Fuck! Kuya lumaban ka!" Sigaw niya kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.

Nagwawala siya sa pasilyo habang inaantay ang pag-labas ng doktor, all his life naging pundasyon niya ang kuya niya. Losing him feels like losing half of his soul.

Lumabas ang doktor at kapansin - pansin ang panlulumo nito, sa mukha pa lamang ay nakakaramdam siyang hindi maganda ang sasabihin nito.

"I'm sorry, pero hindi namin nagawang i-revive ang pasyente. Tumagos ang tubo sa tagiliran niya. Unfortunately, natamaan ang mga organs at nag cause ng internal bleeding.." Pagpapaliwanag ng doktor bago umalis.

Inuntog niya ng inuntog ang sarili sa pader, all his life naging dependent na siya sa kuya niya. Mula sa sinapupunan ng kanilang ina ay magkasama na sila, ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin dahil parang pinatay rin siya.

"Umm, excuse me? Are you also the relative of the girl na kasama ng lalaki?" Napatingala siya at isang nurse ang lumapit sa kanya. Agad siyang tumango at mabilis na naglakad papunta sa kasintahan ng kuya niya.

"The lady is in critical condition, nagkaroon ng severe injury ang kanyang lower extremities at nagkaroon ng trauma ang kanyang ulo dahil na rin sa pagkakabangga nito sa windshield. As of now hindi pa namin alam kung magiging okay siya but she's fighting..." Paliwanag ng isang doktor na lumabas, hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dahil nakaligtas ang kasintahan ng kanyang kapatid o hindi.

Dumungaw siya sa bintana at nakita ang isang babaeng puno ng tubong nakakabit sa katawan.

/END OF FLASHBACK/

"Hmm, may naghanap ba sa katawan ni kuya?" Tanong ni Adrian.

"Yup, ina ni Alicia" Tipid na sagot nito.

Kumuyom ang kanyang mga kamao ng marinig kung sino ito, kahit sa kamatayan ay parang hindi pa talaga titigilan ng ina ni Alicia ang kuya niya.

Alam niya ang mga nangyayari kahit nasa ibang bansa siya noon para sa kanilang business, alam niyang pumirma ang kuya niya sa kasunduan para ilipat ang pag-mamayari nito kay Alicia  magawa niyang maikasal sa kasintahan.

Ngunit alam ni Adrian na hindi iyon ang pakay ng matanda at mas lalo nang hindi niya intensyon na ibigay si Alicia sa kanyang kapatid.

Alam niyang may koneksyon ang naging aksidente sa matanda at sa kontrata.

Gusto niyang patayin ang matanda ngunit kailangan niyang makuha muna ang mga bagay na inagaw nito.

Sisiguraduhin niyang hindi ito makakatakbo kasama ng mga kayamanang hindi naman sa kanya, sisiguraduhin niyang itutulak niya ito sa hukay na matagal na niyang ginawa.

Hindi niya hahayaang hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito, bagama't pinipilit nilang lahat na askidente ang nangyari. Naniniwala siyang may malalim pang dahilan ito..

'Lahat gagawin ko para mapabagsak ka lang. Wag kang makampante, hindi pa tapos ang lahat. Pwede pang magbago ang kapalaran. Pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mo... At kahit saang impyerno hahanapin kita at ako mismo ang papatay sayo ng paulit-ulit. Wala kang tatakbuhan dahil iikot at iikot ka sakin.' 

Kukuhain ko ang dapat na sa akin. Sa amin.

Fuck the devil, he's playing with fire.

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon