Chapter 14

117 86 13
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Hello? Bakit? Nahanap mo na kung sino?" Sunod-sunod na tanong ni Mrs. Manansala sa kabilang linya, ramdam ang tensyon habang sila ay nagkakaroon ng diskusyon.

"Mom? It's already 7 pm." Nanlumo ang mukha ng ina lalo na't napagtanto niya na kailangan na ibalik ni Alicia sa hospital. She wants her daughter to stay overnight, but it's prohibited dahil baka atakihin ng sakit ito at wala silang magawa.

Binaba niya ang kausap sa telopono at kinuha ang mga pinamili nila kaninang umaga, she packed them neatly sa isang malaking bag. She wants Alicia to feel at home kahit nasa hospital.

"Mom? Sino si Mark?" Natigil ang kanyang pag-aayos sa narinig, by just hearing his name ay halos pumutok na ang dugo niya sa katawan. She despised that guy at hindi niya hahayaang malaman ng kanyang anak ang pagkatao nito.

"Oh? It's nothing, honey. College friend mo lang dati" Tanging ngiti lamang ang tugon ng kanyang anak. As long as her daughter doesn't remember that man ay mananatiling payapa ang lahat.

"Pero sabi niya kasi boyfriend ko iyon" saad ni Alicia.

"Hahaha loko-loko lang talaga si Micah. She knew you have Amnesia though" And again, she lied.

Alicia smiled bitterly, lalo na't nabanggit ng kanyang ina ang tungkol sa kanyang Amnesia. Though it's just temporary, malaki pa rin ang impact nito sa araw araw na buhay niya.

"Bago tayo dumiretsong hospital, gusto mo bang dumaan sa isang diner malapit doon?" Tumango lamang ito habang pinagmamasdan ang kanyang pag-aayos.

Dinamitan niya ang dalaga ng ternong blue pajamas para pag balik nito ay hindi na niya kailangan pang mag hospital gown. Sinabi na rin naman niya kay Jessica na huwag sanayin ang kanyang anak sa ganoong damit dahil makakasama sa perception nito.

She knows what's the best anyway..

Pagkatapos madala ang lahat ng kakailanganin ay tinawag na niya ang kanilang personal driver para mabuhat ang dalaga diretso sa sasakyan.

Madilim na ang kalangitan nang sila ay lumabas, their car parked in front of the entrance. Nakahanda na ang lahat at sila na lang kulang.

Alicia felt that there is something wrong, the night gave her an eerie familiar feeling that sent chills down to her spine.

"Are you okay?" Tanong ng kanyang ina.

She nodded kahit parang bumabaliktad na ang kanyang pag-iisip. Habang buhat siya ng personal driver papasok nakaramdam ang dalaga na parang nangyari na sa kanya ang mga bagay na ito.

She hates how Deja Vu plays with her head..

Naging payapa ang byahe, tahimik ang lahat dahil mahimbing na natutulog si Alicia sa likod. Her mother doesn't want to bother her sleep, dahil na rin pagod ito buong mag-araw.

She received another call from Dr. Harleen, ayaw niyang sumakit ang sentido niya kaya pinatayan niya muna ito. She hated when Harleen's investigation turned out to be clueless.

"M..Mark.."

Napalingon ang ina ng dalaga, gulat na gulat siya nang marinig ang pangalan ng kinakumuhian niya. Puno ng inis ang kanyang puso, she had done everything pero bakit hindi niya mahiwalay ang dalawa.

"Kailangan kong malaman kung nasaan ang lalaking iyon.."

***

Nakarating ang mag-ina sa hospital ng pasado alas nuwebe. They we're greeted by Dr. Lois and Uno na nag-aantay sa labas, agad naman din tinulungan ng doctor ipasok ang dalaga.

Nang makarating sa kwarto ay naabutan nila si Jessica na nag-aayos ng kwarto. The whole room were changed before they arrived, kagaya ng dating kwarto ni Alicia sa mansyon. They decided to put stars on the ceiling as decoration, they paint the walls blue that matches the galaxy scenery na nakapaint sa ceiling.

Alicia was amazed, walang mapaglagyan ang kanyang kaligayahan. She then realized na hanggang ngayon ay obsess pa rin siya sa galaxy.

Agad naman nagpaalam ang ina ni Alicia, may aasikasuhin pa daw kasi ito  at kailangan din daw nito makipagpakita kay Dr. Harleen.

She was left with Uno sa kwarto, nanunuod lang siya ng T.V at nagpapa-antok. Nakarinig siya ng pagkatok at bumungad sa kanya si Elise.

"Good Evening.."

"Are you busy?" tanong ni Elise.

Umiling naman siya at diretsong pumasok si Elise sa kwarto, halos mapanganga naman siya ng makita ang mga bituin na nasa ceiling ng kwarto. It reminds her of someone so dearly.

"I love your stars.."

"Thank you"

Nagsimulang magkwentuhan ang dalawa, napuno ng tawanan ang buong kwarto dahil na rin sa mga pinag gagawa ni Uno buong mag-araw. The dog just keep wiggling its tail na mukhang natutuwa naman na siya ang pinag-uusapan.

"Hmmm so ano natuklasan mo?" Biglaang tanong ni Elise.

Naalala ni Alicia ang larawan na nakuha niya sa kanyang kwarto, ipinakita niya ito at mukhang nagulat si Elise sa ibinigay ng kaibigan.

"Tinanong mo ba sa mama mo kung sino siya?" Umiling lamang ang dalaga, hindi niya rin kasi maintindihan ang kanyang ina.

"Sigurado akong boyfriend mo yan" saad ni Elise.

She's confused, sigurado siyang boyfriend niya iyon dahil na rin sa kung paano ang kanilang pagtabi sa larawan. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit ayaw sabihin ng kanyang ina ang totoo.

"My mom told me he's my college friend" Tugon ni Alicia.

"Walang friend na ganyan yumakap, and besides kung friend mo siya bakit siya lang yung nag-iisang tao na nakapaskil sa kwarto mo?"

"I don't know"

"Don't believe your mom, ramdam kong she's lying to you. And besides, from my experience nagawa na akong mapag sinungalingan ng ama ko" Pagkukumbinsi ni Elise.

Hindi naman maalis ni Alicia ang tingin sa larawan. She keeps on remembering kung sino ang kakilala niyang may kaparehong features ng katawan, she knew there is someone na kakilala niya pero hindi niya lang maturo sa utak niya kung sino.

Napatingin siya sa bintana at para naman siyang binuhusan ng tubig sa naalala.

The guy that annoys her so much ay kamukha ng taong nasa larawan. 

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon