Chapter 36

56 34 0
                                    


LOIS' POV

40 days ngayon ni Jessica kaya napagdesisyunan kong mag-leave muna sa trabaho. Her parents buried her far away from Manila so I have to take a plane in order to celebrate with them.

Nasa airport ako ngayon at inaantay ang plane na magdadala sa akin sa Palawan, it's where we came from and I have a property there na pwede kong tuluyan for a week, I took one way ticket para hindi ako makapag-isip ng mga bagay-bagay at para na rin makabalik ako ng Manila sa sarili kong schedule.

It's 10 am and the flight will be 10:30, bumili ako ng cookies sa duty free habang nag-aantay. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng masilayan ang isang babaeng malapit sa kinauupuan ko, I walked towards the old lady  who's continuously crying.

"Ma'am, okay ka lang po ba?"

"Wala ito hijo" Panay pa rin  ang iyak niya at hindi ako nagawang tapunan ng tingin, kaya naman umupo ako sa tabi ng matanda.

"Nasaan po anak niyo?"

Tumigil ito sa pag-iyak at maluha-luhang tumingin sa akin, ngumiti siya pero alam kong peke lang iyon.

"Patay na siya."

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya napag-isipan kong umalis muna at bilhan siya ng pag-kain, dumaan ako sa isang restaurant at nag take out ng pagkain.

Pagkabalik ko ay nandun pa rin ang matanda, inabot ko sa kanya ang inorder ko at hindi naman niya iyon tinanggihan.

As I watched her eat, napansin kong bayong lamang ang dala niya. Walang maleta o kahit ano man, hindi rin naman siya mukhang mayaman lalo na't naka mahaba lang itong palda at kamiseta.

I wanna ask her why she's here pero nanatili akong tahimik, nagpalinga linga ako sa paligid dahil baka may kasama siya.

"Hijo, maraming salamat."

"Walang anuman po, saan po ang flight niyo?" Tanong ko.

"Yun na nga eh, pinangakuan ako ng kakilala kong makakabalik ako sa probinsya pero heto at ninakaw pa ang mga dala kong gamit."

Kaya naman pala siya umiiyak kanina, tumingin ako sa wrist watch ko and it's already 11 am, late na ko sa flight.

"Saan po ba punta niyo sana?" Tanong ko.

"Palawan, hijo" Sagot niya.

Tumayo ako at dumiretso sa counter, I asked the attendant if there's vacant seats para sa susunod na flight papuntang Palawan. Mabuti na lang at mayroong bakanteng dalawa sa isang flight mamayang 12, agad ko iyong kinuha at bumalik sa kinauupuan ng matanda.

I handed her the ticket at mukhang gulat na gulat siya, ngumiti lamang ako at muling umupo sa tabi niya. She seems suprised and happy dahil nakatitig lang siya sa ticket na binigay ko.

"Ano pong pangalan niyo, Ma'am?"

"Marites ang pangalan ko, hijo. Babalik ako sa Palawan para ibenta ang natitirang lupain namin ng asawa ko"

"Bakit ho?"

Tumingin ito sa malayo na parang may inaalalang masamang pangyayari, maybe asking her was a wrong idea. I felt awkward since she's still staring to nothing.

"Wala na kong kasama, hijo. Balak ko sanang ibenta ang lupain para makapag simula ng bago, wala na ang aking asawa at anak." Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, sigurado akong hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala ng mga ito. Gusto ko sanang tanungin kung bakit wala na sila, pero wala akong karapatan at siguradong ayaw rin naman niya pag-usapan.

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon