Chapter 38

55 36 0
                                    


LOIS' POV

Pagkarating namin ni Aling Marites sa Palawan ay agad kong napag alaman na nakatira rin siya sa El Nido, kung saan doon din ako lumaki kasama ni Jessica.

Na-txt ko na si Tita Marivic na susunod na lang ako sa sementeryo, gusto ko pa sanang magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang biyahe.

Malaki ang bahay ni Aling Marites dito at halatang luma na, maayos naman ang kalagayan nito kaya kapansin pansin pa rin dahil na rin sa mga kakaibang disenyo. Sakto naman na umulan kaya agad na kaming pumasok sa loob.

"Pasensya na ah? Mamaya pa ko makakapamalengke, hijo."

Tumango lamang ako at ibinaba ang bagahe sa salas, hinanap ko ang switch para sa ilaw pero sabi ni Aling Marites ay matagal na daw na naputulan ang bahay kaya gasera muna ang ginamit namin. Hindi naman mainit kaya hindi ko na kailangang maghanap ng electric fan.

"May tatlong kwartong bakante dito, Hijo. Pwede ka namang matulong sa kahit saan doon"

Dumiretso si Aling Marites sa pangalawang palapag kasama ang kanyang mga bagahe, naiwan naman ako kasama ng gaserang binigay niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at sinubukang tawagan si Adrian para makibalita, nung last time kasi na nandun ako sa bahay nila ay halos masunog na ni Alicia yung buong bahay.

It's weird kasi kailangan ko pang kumuha ng fire extinguisher, just in case na masunog ang luto niya.

I remembered her face nung sinabi kong magluluto na lang kami ng sinigang para kay Adrian, but for so many tries... the food is still fucked up.

Ang naalala ko nun sa sobrang suko ko na matuturuan siya ng maayos, fried chicken na lang ang tinuro kong lutuin niya. And for some reason, the food wasn't fucked up.

And it's perfectly cook...

Siguro dahil na rin favorite meal parati ni Mark yun nung nabubuhay pa siya, nahawa lang si Adrian kasi parating luto ni Mark iyon sa bahay nila. Same reason, he fucks up every food he cooked pero pag fried chicken dinaig pa ang kahit anong restaurants.

I'm a doctor, I can explain why ganun ang nangyayari kay Alicia even though she has Amnesia that got worsen by pills pero mas pinipili ko na lang sabihin iyon ng madalian.

When the brain forgot the memories, the heart finds a way to remember.

Darating ang time na maalala rin ni Alicia ang lahat at alam kong masasaktan itong si Adrian sa sarili niyang desisyon. Kahit pa magkamukha sila ng kapatid niya, hindi pa rin niya maalis ang katotohanan magkaibang tao sila.

Natigil ako sa pag-iisip ng kalabitin ako ni Aling Marites, napansin ko ring tumigil na ang ulan at maliwanag na ang labas. Nakangiti itong bumungad sa akin at may dalang bayong.

"Mamalengke muna ako, hijo..."

Tumango lang ako at hinayaan siyang umalis, lumiwanag naman ang salas dahil maraming bintana kaya pinatay ko ang gasera. Napagdesisyunan kong tumayo at pumunta sa isa sa mga kwarto, gusto ko muna magpahinga dahil nakaramdam ako ng hilo.

*********

Nagising ako sa malakas na katok mula sa baba, narinig ko ang isang babaeng tumatawag kay Aling Marites. Chineck ko ang oras at alas singko na, sino naman kaya iyon?

Mula sa bintana ng aking kwarto ay agad kong sinilip kung sino ang nasa bungad, isang dalagita na may mahabang buhok na medyo may kapayatan ang nasa baba at nag-aantay.

"Bakit po?"

Tumingala ang dalaga at halos mahulog ang panga ko sa gulat, hindi ko alam kung anong dapat sabihin ko sa dating pasyenteng inalagaan ko.

"Oy Doc! Musta na?"

"Elise?"

Ngumti ito ng malapad, ibang iba sa pasyenteng halos magkulong sa kwarto ng hospital. Ibang iba sa babaeng bugnutin at parating galit.

Pagkababa ko ay agad ko siyang sinalubong ng yakap, mukhang nagtataka naman siya na nandito ako sa Palawan kaya marami-rami rin kaming mapagkekwentuhan.

"Kamusta na si Jessica?" Tanong ni Elise.

"Wala na siya"

Napuno ng katahimikan ang buong salas, halatang halata sa kanya ang pagkagulat habang mariin niya kong tinitigan na parang sinusuri kung totoo ba ang pinagsasabi ko.

"Anong n..nangyari?"

"Nabaril siya sa hospital, binaril ni Dr. Harleen" Sagot ko.

Namayani ulit ang katahimikan hanggang sa nabasag ni Aling Marites, pagkapasok niya ng bahay ay abot tenga ang kanyang ngiti ng masilayan si Elise. Tumayo si Elise at tumakbo papunta sa kanya, kitang kita na matagal ng magkakilala ang dalawa.

"Kamusta na po kayo, inay? Naging mabait naman po ba ang naging amo niyo sa Maynila?" Tanong ni Elise

Nanay ni Elise si Aling Marites? Pero hindi ba't patay na ang anak niya?

"Hindi naging maganda, nak. Siya nga pala nakilala mo na pa si Lois? Doktor siya sa Maynila.. Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit ako nakauwi?"

Sinundan ko sila ng tingin ng dumiretso silang dalawa sa kusina, hindi ko na naisipan pang sundan dahil ayokong makisawsaw lalo na't matagal ata silang hindi nagkita.

Pilit kong inaliw ang sarili ko sa mga picture frame na nasa gilid, nakapatong ito sa isang wooden shelves na puno ng libro. Kamukhang kamukha ni Aling Marites ang babaeng nasa litrato ngunit mas bata, may dala dala itong sangglo at mukhang ito ang anak niya.

"Hijo, okay lang ba sa iyo ang sinigang para mamayang hapunan?"

Nabigla ako kaya hindi ko sinasadyang mabitawan ang picture frame, kapwa kaning napatingin ni Aling Marites ng bigla mabasag ang harapan nito.

"Inay anong nangyari?" Naging malakas ang tunog kaya pati si Elise ay napalabas ng kusina.

Agad akong lumuhod at kinuha ang mga nabasag na parte, tutulong pa sana si Aling Marites pero hindi ko na siya hinayaan pa.

"Alam mo bang iyan na lang ang natirang picture ng bata palang si Cecilia?"

"Nay, anong nangyari nga pala kay Cecilia? Hindi ko na siya nakikita ah?" Singit ni Elise.

Hindi na nakapagsalita pa si Aling Marites at dumiretso sa may upuan na nasa salas, mukhang hindi pa siya handa pag-usapan ang tungkol dito kaya hinayaan na lang namin ni Elise.

Bumalik si Elise sa kusina at kumuha ng duspan at walis, siya na ang naglinis ng mga natitirang maliliit na bubog habang ako maman ay tinapon ang malalaki sa basurahan. Hawak-hawak ni Aling Marites ang litrato mula sa nabasag na picture frame, gusto ko sana siyang pakalmahin pero natigilan ako nang marinig ang sunod-sunod niyang bulong.

"Paghihiganti kita anak ko.."

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon