Chapter 17

112 78 14
                                    


THIRD PERSON'S POV

"May naalala ka ba dito?" Ito na ang pang-sampung tanong ni Alicia kay Andrei. Kinuha niya ang kahon na dinala dito ng kanyang ina noon at sinusubukan niyang ipakita sa binata dahil nagbabakasakali siyang kahit isa rito ay maging pamilyar.

"And for the 10th time, No." Bakas sa mukha ng binata ang pag-kairita. Mukhang nababanas na ito sa paulit-ulit na tanong ni Alicia.

Napasalampak na lang sa higaan ang dalaga, kinuha niya ulit ang larawan at tinitigan ang binatang kasama niya rito. She knew that Andrei and this guy in front of him are related. Tinutok na naman niya ito katabi ng mukha ni Andrei, this time kinuha na ito ng binata at bakas ang kanyang pagkagulat. 

"Fuck, is this me?!"

Tumango tango lang ang dalaga at humihiling na mag-karoon man lang ng alaala ang kaharap niya tungkol sa larawan.

"Fuck bakit ang pangit ko?!" Bulalas nito.

Sa sobrang inis ay tumayo siya at pinagsasabunot ang binata, sigaw lamang ito ng sigaw pero wala siyang pakielam dahil nanggigil na siya. She can't helped but to be pissed dahil hirap na nga siyang ipaalala ang lahat sa sarili niya at kay Andrei pero mas naisip pa nito ang kapangitan niya.

"Oy sorry na bal labyu!"

"Sinabi mo bang i love you?" She stopped.

She felt her lifeline stopped, wala siyang ibang marinig kundi ang sinabi ng binata. She can't helped but to cry for that simple word, maybe its the reason why ginagawa niya ito. Lumapit si Andrei sa kanya at yinakap ang dalaga.

"Bal, sorry na. Mahal na mahal kita"

"Alicia?" Napalingon ang dalaga kay Jessica na gulat na gulat ang mukha. Nataranta si Alicia kung saan itatago ang nakalimutang kasintahan, nanatili lang silang nakatayo at hindi gumagalaw.

"Nakakatayo ka na? Oh my! Kaya mo bang maglakad? Hindi na ba masakit?" Jessica rushed over to her, hindi alintana ng nurse ang pagkakabangga kay Andrei na lalong pinagtaka ni Alicia.

"Let me explain.." Hindi na siya pinatapos ni Jessica dahil bigla itong umalis, sa kanyang palagay ay tatawagin ng nurse si Dr. Mike.

"Sorry nga pala ah--

Nagpalinga linga siya ngunit hindi na niya makita si Andrei, hindi niya maintindihan kung paano ito nakalabas lalo na't ang nakita lang niya kanina ay si Jessica.

ALICIA'S POV

Nasan na iyon? Sumilip ako sa C.R at baka nagtatago lang ito doon, but the moment I light up the bathroom ay walang bakas ng kanyang pagpasok.

"Tama ba sinabi ni Jessica at nakakalakad ka na?" Narinig ko ang boses ni Dr. Mike sa likod, lumingon ako at nasilayan ko ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi.

Pumasok rin sa kwarto si Elise, she might be disturbed of our sudden commotion. Halos bumagsak naman ang panga niya sa sahig dahil sa sobrang gulat.

I'm so happy and confused at the same time. 3 months palang ako dito sa hospital and based from Dr. Mike, maliit na lang ang chance para makatayo at makalakad ako.

Yet, I confidently stood in front of them..

May bagay akong gustong gawin napakatagal na, kaya imbes na mag-stay sa kwarto ay tumakbo ako palabas. Nagulat sila pero hindi ko iyon pinansin, I run like a fucking insane pinagtitinginan rin ako ng mga tao pero wala akong pake.

Nakasalubong ko si Doc. Lois at pati rin siya ay nagulat, nanatili lang siyang nakatayo ng daanan ko at aksidente niyang nabitawan ang tali ni Uno.

Uno chased me happily, hindi ko alam saan kami pupunta pero ang saya saya ko. My Adrenaline is so high, I feel like I'm going to fly.

Hindi ko na alam saang banda ako ng hospital, tumigil ako sa pagod at sobrang hingal. May nakita akong information at balak ko sanang mang-hingi ng tubig.

"Hi, uhhmm miss may tubig kayo?"

Mukhang may kausap ang nurse kaya nag-antay ako ng ilang minuto. Maya-maya pa ay bumaling ito sa akin at umiling.

"Here's the water" Isang lalaki ang nag-abot ng bottled water sa akin, agad ko itong tinanggap at tinungga.

"Hala! Thank you po kuya--

Tumigil ang aking mundo ng makita si Andrei sa harap ko, ngunit iba ang kanyang suot hindi katulad ng nakita ko kanina. He wears this black leather jacket and black jeans, sobrang postura ito at kapansin-pansin ang mabango niyang amoy.

"Oy andrei? Bilis mo naman ata magpalit, i-didischarge ka na ba?" Tanong ko.

Nalito ata ang lalaki at hindi agad nakapagsalita, mukha namang kilala niya ko dahil hindi siya nag-tataka.

"Hindi ako si Andrei.." Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa, mukhang hindi ata siya makapaniwala na nakatayo ako sa harap niya.

"Pero bakit kamukha mo si Andrei? Kapatid ka ba ni Andrei?" Sunod-sunod kong tanong, mukhang litong lito pa ito kaya nag-antay lang ako sa magiging sagot niya sa akin.

"I'm Adrian, hindi mo ba ko naalala?"

"H..Huh?"

"OY BROOOOO!l" Kapwa kami napalingon kay Doc. Lois na tumatakbo papunta sa amin, lalo akong naguguluhan dahil kakilala pala ni Doc. Lois itong kaharap ko.

"Buti nagkita kayo? Pinakilala mo na ba sarili mo?" Is he talking about me?

"I've already tell her my name, Anyways naalala mo na ba si Kuya?" Baling niya sakin. Si Andrei ba sinasabi niyang kuya niya?

Tumango lang ako kahit hindi ko masyadong naiintindihan kung sino tinutukoy niya. Nabigla naman ako ng bigla niya akong niyakap sa sobrang saya.

Big deal ba iyon?

"Anak, buti naman at nakakalakad ka na" Napalingon ako kay Mommy na mukhang kararating lang.

Mukha naman siyang nakakita ng multi ng makita itong lalaki na nagpakilala bilang Adrian. Hmm, hindi naman nakakatakot hitsura nitong kasama ko ah?

"Miss me?"

"Layuan mo anak ko!" Nataranta ako ng biglang sumigaw si Mommy.

Kinuha niya ako at kinaladkad pabalik sa kwarto, pinagtitingin kami ng mga nurse pero wala akong alam sa nangyayari. Naabutan kong nakatingin lang sa amin si Adrian at nakangisi tsaka bumaling sa pakikipagusap kay Doc. Lois na parang walang nangyari.

"Mom, masakit.." Pilit akong kumakalas sa pagkakahawak ni Mommy, mas lalo pa itong humihigpit kaya pilit ko itong tinatanggal.

"Mom, bitawan mo ko! Ano ba nangyayari?" Sunod kong tanong.

This time ay marahas niya kong binitawan at humarap sa akin, galit na galit siya habang nakatayo kaming dalawa sa gitna ng pasilyo.

Isang malakas na sampal ang inabot ko sa aking ina, tumigil ang mundo nang lumapat ang kanyang kamay sa aking mukha.

Mangiyak ngiyak akong humarap sa kanya habang hawak ang aking pisngi.

"How dare you disobey me?! Sinabi kong layuan mo na si Mark diba?!" Bulalas niya sakin.

"So may alam ka kay Mark?" Lumaki ang kanyang mata, mukhang narealize niyang wala akong kaalam alam sa pinagsasabi niya.

"So may tinatago ka about sa Mark na iyon?! So hindi ko lang pala siya isang college friend?!" Bulyaw ko.

This time i'm angry and confused, hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sarili kong ina. She looks so afraid na malaman ko ang totoo.

Kinuha ko ang larawan at muling ipinakita sa kanya, napaatras siya ng makita ito.

"Nakakita ka ng multo?" Narinig ko ang boses ni Adrian sa likod, wala na talaga akong naiintindihan pero gusto kong malaman ang katotohan.

Bigla namang kinuha ni Mommy ang larawan at pinagpupunit sa harap ko. She tore every pieces of the picture..

She torn every piece of my memory..

What have you done mom?

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon