Chapter 10

134 97 17
                                    


Alicia's POV

"Sino yan?!"

"Icia, let me explain.."

"How dare you to cheat on me?"

"Baby, hindi ko sinasadya.."

Agad akong nagising sa napanaginipan ko, napansin kong umiiyak ako kaya dumiretso ako sa C.R.

I faced the mirror at napansin kong namamaga na naman mata ko, it's been a week nang magsimula akong magkaroon ng mga ganung panaginip.

I refused to see Elise or Andrei, hindi rin alam ni Jessica kung ano dapat gawin sa akin. I cried before I sleep kasi hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit.

These week, may mga bumalik na rin sa childhood memories ko. Parati ko na rin binabalikan yung mga belongings ko na dinala ni Mommy last time, just in case na may madagdagan pa sa alaala ko.

"Baby? I love you"

"I love you too"

"Gusto mo movies?"

Shit.. Ayan na naman.. Bumalik ako sa kama at napatingala sa ceiling. Sa hindi malamang kadahilanan ay parang nawawala ako sa sarili. Why? Why does it hurt so bad? Is he part of my memory? Pero bakit hindi ko maaninag mukha niya? 

"Simula nang magsimula business mo, hindi mo na ko mabigyan ng oras!"

"Icia it's not what you think.."

"I'm breaking up with you.."

Tangina! Nagsimula na naman akong umiyak dahil hindi ko maintindihan kung ano na naman ang nangyayari.. I don't know and I don't care kung sino man ang lalaking iyon.. O wala nga ba akong pakialam?

I hugged my pillow to comfort myself, sumampa na rin si Uno sa kama ko at humiga sa tabi ko. Maybe he felt that I'm in pain.. Poor Uno... 

"Hey.." Natigilan ako sa pamilyar na boses na iyon..

Tumingin ako sa bungad ng pinto at nandun si Andrei, with his messy hair and lab gown. I glared at him and refused to see him, pero mukhang wala naman siyang pake. 

Pumasok siya sa kwarto at tinitigan ako, I don't know how the hell he opened the door dahil sarado naman iyon kanina..

Umupo siya sa tabi ko at bigla akong niyakap, tinulak ko siya papalayo pero wala siyang pake kung magkanda sugat sugat siya sa kalmot ko.

"Huwag mo na alalahanin"

Natigilan ako sa sinabi niya, I don't know kung bakit alam niya pero tama siya. Maybe tamang hindi ko na lang alalahanin.

Those scenes, if it's one of memories siguro may tamang panahon para alalahanin ko iyon. Mukhang sobrang sakit ng mga pangyayaring yun at alam kong hindi ko kakayanin ngayon.

I'm vulnerable, every part of my memories affects health.

Hindi ko maintindihan kung bakit nang niyakap niya ko ay nawala yung sakit, I felt drowsy kaya binantayan niya ko hanggang sa nakatulog ako.

His fingers brushed my hair, giving the comfort which I longed for..

****

"Are you okay now?" Tanong ni Jessica sakin habang dala ang breakfast ko.

"Y..Yeah.." Tipid kong sagot.

"Baka gusto mong bisitahin si Elise? Alalang alala na yun sa iyo" Pag papaala niya.

Oh yeah, I haven't talk to her for a week.

"May therapy ka rin kay Doc. Mike and Harleen mamaya, so eat well okay?" Sabi niya sakin bago siya umalis.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain, naalala ko si Andrei kaya naisip ko ring puntahan siya sa kwarto niya ngayon.

Wait.. Hindi ko alam saan ang room number niya. Sumulyap ako sa bintana at wala doon ang tipikal na mga batang naglalaro araw-araw.

Sino kaya ang nurse ni Andrei? I really don't know kung saan ang room number niya, hindi ko rin alam anong case niya bakit parang antagal naman niya madischarge.

Pagkatapos ko kumain, I immediately transfer myself to my wheelchair. Wala na rin si Uno dahil kinuha na siya ni Doc. Lois kaninang umaga.

I know mapapagalitan ako ni Jessica pero wala naman sigurong masama kung mag roam around ako dito sa hospital diba? 'Ayos lang yan. Pasyente naman ako e.' 

Gusto ko kasing malaman saan ang kwarto niya, baka may mapagtanungan ako sa room number niya.

Pumunta ako sa information para tanungin about sa room number niya. Sumakay ako sa elevator dahil sa groundfloor pa matatapuan ang information.

"Hmmm? Miss?"

Isang babaeng nakapusod at nakapink na nurse uniform ang bumungad sa akin, mukha naman siyang mabait kaya hindi na ko nag atubiling magtanong sa kanya about sa hinahanap ko.

"What can I help for you?" Tanong niya.

"May patient bang may pangalang Andrei na nakaconfined dito sa St. Lukes? I need his room number.."

Mukhang nagtataka ang nurse pero nagsimula na rin siya sa pagtatype..

"Hmm there are 5 confined patients under the name of Andrei;

• Andrei Vargaz , 33 years old, Room 107, confined because of Diabetes

• Andrei Roxas, 17 years old, Room 202, confined because of fractured leg

• Andrei Manansala, 22 years old, Room 208, confined because of katarata

• Andrei Guides, 27 years old, Room 300, confined because of Cancer

• Andrei Serrano, 23 years old, Room 204, confined because of Car Accident

Natigilan ako ng marinig ang huling pasyente na sinambit ng nurse, agad akong pumunta sa 204 kahit parang tinatawag pa ako ng nurse sa information.

Pagkarating ko doon ay sobrang linis ng kwarto, inaasahan ko sanang makita si Andrei pero mukhang wala namang tao.

Naisip ko na baka nasa playground siya  kaya papunta na sana ako roon, nang may kumalabit sa akin.

Lumingon ako para magpasalamat kay Andrei pero isang lalaking nurse ang bumungad sa akin.

"Hi? Baka namali ka nang hanap kung may hinahanap kang pasyente kasi walang tao dito. Balik ka na lang sa information." Sagot sa akin ng lalaki.

Umalis ang lalaki at nanatili akong nakatulala doon, eh bakit sabi sa akin ng nurse sa information may tao dito?

Pinasawalang bahala ko iyon at hinanap ang mga rooms na binanggit ng babae.

Napansin kong hindi naman tugma ang edad at mga sakit sa Andrei na parati kong nakikita.

Bumalik ako sa kwarto at may pigurang nakaupo sa kama ko, lumapit ako dito at napansin kong pamilyar sa akin ang pink lab gown nito.

"Hi? Hanap mo ko?"

Crashed Hearts ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon