BEGINNING

74.6K 1.7K 1.2K
                                    

"Huy, gumising ka nga." Siko sa akin ni Selena. "Tapos na yung iyakan."

Tumingin ako sa paligid ko at tinignan yung mga babaeng nagsisi-iyakan. Humikab ako nang onti at sumandal sa balikat ni Vale.

"Pang retreat talaga 'yung kantang 'yon 'no? Kung nandito ang nanay mo ngayon, anong sasabihin mo sa kanya?" pangungutya ni Selena sa speaker. "Hoy may irereto ako sa'yo."

"Pass." Hikab ko ulit.

Si Vale ay naglalaro lang ng mobile legends at walang pake sa sinasabi naming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa 'tong girlfriend, eh. Siya nga lang ata pogi sa Medical Technology dito sa SLU.

Hanggang anong oras ba 'tong recollection na 'to? Nakaka-antok naman kasi. Nandito pa kami sa Mary Heights campus kaya mas nakaka-antok. Parang walang nanggugulo sa kanila.

"Girl, family oriented 'to. Basketball player. Gitarista. Okay 'to! Pogi! May car pa. Mabait."

Nang sabihin 'yon ni Selena ay tumaas agad ang dalawang kilay ko sa intriga. Sino ba 'yang pinagmamalaki niyang lalaki?

"Close kayo?" tanong ko.

Mukhang kilalang kilala niya, eh. Sabi niya mabait at family oriented.

"Hindi." She shrugged.

Kumunot naman bigla ang noo ko.

"Edi paano mo alam na family oriented siya?"

Ngumuso siya habang nakatingin sa cellphone niya. "Eh cover photo niya pamilya niya. Kung family oriented edi malamang mabait 'yan. Kita ko rin sa isang post ng mama niya tinag siyang nagdadrive. Oh diba!"

"Shunga!" Binatukan ko siya at nagpigil ng tawa dahil tumitingin na sa amin ang isang moderator. "Hindi mo naman pala kilala!"

"Hala, hindi mo ba alam? Basta may auto, pasado."

"Si Ena naman walang pinipili, e. She likes all guys." Iling ni Vale sa tabi ko.

He barely shares his sentiments, pero mahilig talaga siya mang-asar pag dating sa lovelife ni Selena.

Inismiran siya ni Selena. "Excuse me! Ikaw 'yung walang pinipili! As in wala talaga, kaya wala ka pang girlfriend!"

After a few moments, pina-alis na rin kami sa AVR. Maraming namumugto ang mga mata. Ewan ko ba, nakatulog na lang kasi ako agad kaninang nagsasalita yung speaker namin. Hindi ko napigilan.

"Uy, Saturday ngayon. Saan tayo?" tanong ni Selena habang naglalakad kami pababa.

Ang daming floors nitong building nila dito sa SAMCIS. Kumpleto pa 'yung facilities nila, may pool, basketball court, volleyball court, oval. Minsan naiinggit ako sa mga taga-SAMCIS pero naaalala ko ang layo rin naman kasi ng campus nila na 'to. Mahirap pa naman pumunta sa town kung galing ka dito sa Bakakeng.

"Uwi na 'ko," sabi ni Vale habang nakapamulsa.

Naririnig ko pa 'yung ibang block sa likod namin na kinikilig kay Vale.

Marami talagang nagkakacrush dito sa kaibigan namin. Pogi naman talaga siya, pero siyempre hinding hindi namin 'yon aaminin sa kaniya! Baka mas lumaki pa ang ulo ng matangkad na panget na 'yan.

"Ha?! Bakit?!" gulat na tanong ni Selena.

"We have an assignment. Chemistry." Vale reminded her.

"Eh sa Tuesday pa 'yon due, ah!" inis na depensa ni Selena. "Amper na mamaya daw mamaya oh sabi nina Lia sa groupchat."

Napangiwi ako sa alok ni Selena. Sobrang inaantok na talaga ako ngayon at wala akong gana na pumarty.

"Pass," sabay naming salita ni Vale.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now