Chapter 22

25.2K 1K 896
                                    

Ginala ko ang mata ko sa bagong bahay nina Margaux at Franco. It's very spacious. Sabagay, may kaya naman na talaga 'tong mag-asawa na 'to. Akala mo inubos na lahat sa kasal at honeymoon, pero sa bahay pala inubos.

"There nalang," sabi ni Margaux kay Franco. "I think that painting looks better there."

"Babe, pang-apat na lipat na natin d'yan," sabi ni Franco.

"Are you questioning my judgment?"

Nagpigil ako ng tawa dahil napakamot na lang si Franco sa ulo niya at nilipat yung painting sa kung saan tinuturo ni Margaux.

"Bro, saan 'to?" tanong ni Lance habang buhat buhat nila ni Hanz ang isang malaking sofa na naka-wrap pa sa bubble wrap.

Halos lahat rin ng mga gamit nila ay bago. Of course, since Margaux is an interior designer, that's expected na. Humiga ako sa carpet nilang bagong bago habang nagsoscroll sa twitter ko.

"Hoy, sabi mo tutulong ka!" Sipa sa akin ni Margaux.

"I am helping!" I answered back. "My presence is your inspiration."

"Wala kang kwenta," sabi ni Margaux sa akin.

"Hoy Franco! Yung jowa mo inaaway ako!"

Humiga si Natalia sa tabi ko at binuksan na rin ang phone niya. Hindi ko pa rin siya natatanong kung okay lang ba siya these past few days, pero mukhang okay naman na siya. Maybe it was that time of the month?

"Baby, si Claude daw nasa labas, open mo yung gate para he can park sa garage," sabi ni Margaux kay Franco.

Kumunot ang noo ko nung narinig ko yung sinabi ni Margaux.

Sino daw? Si Claude?

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. The last time we talked was last week after youth night, and the last thing he said was... nevermind. I don't want to dwell on things that are not supposed to be dwelled on! Pinapaasa ko nanaman sarili ko, e.

"Claude daw, oh," Tawa ni Hanzo. "Ano, Raf, okay ka pa?"

"Shunga!" sabi ko sa kanya. "Yan ka nanaman sa pasmadong bibig mo Hanzo!"

"Hindi naman pasmado bibig ko ah?" He innocently smiled.

"Hoy, umayos nga kayo!" Suway sa amin ni Margaux. "Kasama niya si Alice!"

Parang mas lalo pa akong kinabahan nung narinig ko 'yon. Lumingon si Natalia sa akin. Inayos ko ang upo ko at nag-ayos na rin ng buhok.

"Wow, para kanino ka naman nag-aayos?" tanong ni Natalia habang naka-ngisi.

"Hindi naman ako nag-aayos," I defended myself.

"Lord, yung anak Niyo, nagsisinungaling," she said while scrolling through her timeline once again.

Nung narinig ko ang boses ni Franco na papalapit sa pintuan ay parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Lumingon ako sa kanila at nakitang si Franco at Claude lang ang pumasok. No sight of Alice anywhere outside.

"Issa prank!" Tawa ni Margaux. "Affected ka naman masyado."

"Feeling, wala kaya akong pake," I scoffed.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina nina Margaux. Ito ata ang isa sa pinaka-magandang kusina na nakita ko. Siyempre, maganda rin naman kusina ni Mama since she's a chef and Margaux basically re-did the design after she graduated, but this is honestly one of the most beautiful kitchens I've ever been to.

"Dito ba 'to?" rinig kong tanong ni Claude na papasok na rin dito sa kusina.

"Oo d'yan!" sigaw ni Margaux. "Paki-ayos na rin sa cabinet! Thanks!"

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now