Chapter 19

23.6K 1.1K 1K
                                    

"Don't think you guys are gonna enjoy Ilocos without me," Sambit ng isang lalaki galing sa isang itim na sasakyan.

Napalingon kaming lahat kay Ezra na naka-puti na t-shirt at naka-shades. Lumaki ang ngiti ko sa kanya habang papalapit sina Franco sa kanya. Papasok na dapat kami sa sasakyan para pumuntang Paoay kaso biglang dumating si Ezra.

Lumingon ako kay Selena sa tabi ko na mukhang naiilang. Dumiretso siya sa sasakyan at sinara kaagad ang pintuan.

"Hoy, Ezra!" sigaw ni Margaux. "Kapal ng mukha mo! Hindi mo man lang inattendan yung kasal ko! Nag-respond kang pupunta ka!"

Binatukan ni Franco si Ezra habang si Ezra naman ay naka-ngisi lamang. Si Claude ay naka-sandal lang sa sasakyan niya habang naka-pamulsa. Parang hindi niya kapatid yung dumating!

Matagal na rin naming hindi nakikita si Ezra dahil pagkatapos niya grumaduate ay nag-board exam na kaagad siya at nagtrabaho na sa Manila. 

"Anong ginagawa mo dito?!" Tawa ni Franco sa kanya sabay batok. "Inimbita ba kita?!"

"Wow, porke't may asawa na kinalimutan na mga kaibigan." Tulak sa kanya ni Ezra.

"Di ka man lang humabol sa reception, brad." Iling ni Franco. "Punta kaming Paoay, sama ka?"

In the end, Ezra went with us all the way to Paoay. Kumain kami sa Herencia dahil kahapon pa nangungulit si Margaux na kumain doon. Wala man lang kaming napuntahan na ibang lugar! Nandoon lang kami ng ilang oras dahil sobrang dami nilang inorder.

"So kumusta naman ang linggo?" Ezra laughed.

Si Selena ay katapat ko at kanina pa hindi nagsasalita. Kanina pa hindi mapakali. Sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng mesa kaya naman napatingin kaagad siya sa akin.

Kumunot ang noo niya kaya kumunot na rin ang noo ko sa kanya. Inirapan niya na lamang ako kaya tinapon ko yung straw ko sa kanya. Tinapon niya naman yung isang gamit na tissue sa akin.

"Tanong tanong ka jan, ang totoong tanong eh bakit ngayon ka lang nakarating dito?" Tanong ni Lia kay Ezra. "Mamaya bigla ka nanamang mawala, ah."

Tumawa si Ezra. "Hindi ko maiwan yung site, nakakastress masyado yung mga trabahador namin."

"Weh? O may iniiwasan ka lang?" Tanong ni Lia sa kanya.

Umubo si Vale sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Si Lia at Mage naman ay seryoso rin ang mga mukha.

"Oo nga, Ez," Mage spoke. "Baka you're avoiding someone lang?"

Sinamaan siya ng tingin ni Selena kaya naman hindi na napigilan ni Selena ang tawa niya. Lumingon ako kay Claude na nakikinig sa binubulong ni Alice sa kanya. Pinigilan ko ulit ang irap ko.

I just gotta remind myself that this week is almost over. I don't have to see his face again. I can live my life peacefully again.

"Tignan mo, may iba naman dito, kahit nag-iiwasan, nag-attend pa rin!" Ani Hanzo.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Hanzo. Although he didn't drop any names, it was obvious that he was referring to me and Claude.. I think.

Humalukipkip si Claude at diniinan ng tingin si Hanzo.

Ngayon ko lang napansin na sobrang tahimik ni Claude. I guess he was like this before, but I never really dwelled on that because I was always the one who was madaldal. And he always tolerated that.

"Um," Ngumiti si Alice. "So you guys are all pretty close, 'no?"

Kitang kita ko galing dito kung gaano ka-ganda ang ngipin niya. Pati ang kutis niya. Parang walang pores. Atska ang puti niya.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now