Chapter 1

46.9K 1.5K 1.2K
                                    

"Okay ka lang?" Matinis ang boses ni Selena habang nakatayo sa tabi ko.

'Yung isang lalaki naman ay lumapit bigla sa akin. Naka-basketball attire rin siya na kulay blue.

Tinignan ko ulit si Selena.

Hindi na siya nakatingin sa akin. 'Yong mata niya, nasa lalaking tumutulong sa akin.

Ang galing naman talaga ng mga kaibigan ko!

"Are you okay?" he asked.

I nodded in response.

"She's fine," sabi naman ng isa pang lalaki.

"Tanga, ikaw dapat tumutulong sa kanya! Ikaw naka-tapon ng bola, e!" sabi nung tumutulong sa akin tumayo.

Tinignan ko si Lia at Selena na mukhang tuwang tuwa pa na natumba ako.

I glared at the other guy who assumed that I was fine. Nakapamewang pa siya at mukhang pawis na pawis. He's really tall. He looks like he works out, too. Matangos pa ilong niya. Parang.. sobrang pamilyar ng mukha.

Pogi sana siya. Kaso naka-kunot yung noo niya sa akin.

"I'm fine," Singhal ko sa lalaking tumulong sa akin. Unti-unti ko ring pinagpag ang damit ko.

"Uh... okay." He chuckled. "Sorry about your friend, Lia."

"Okay lang!" Malaki ang ngiti ni Lia.

Tuwang tuwa pa 'to!

"Pre, ikaw mag-sorry!" Takbo nung tumulong sa akin sa isa pang lalaki.

Kung posible, parang mas kumunot pa ang noo niya. "Why? You already apologized."

Wow! Alam mo ikaw, pogi ka talaga sana. Ang suplado mo lang. Pero pogi ka pa rin naman.

Umismid ako. "Tara na."

"Ha?! Agad?" tanong ni Selena sa akin sabay simangot.

Pinandilatan ko siya at naglakad na paalis.

Wala ring choice si Selena at Lia kaya sumunod na sila sa akin kahit na halatang ayaw pa nila. 'Tong mga kaibigan ko talaga, uhaw na uhaw sa lalaki. Buti nalang hindi ako gano'n.

Pero siyempre char lang!

Naglakad kami papunta sa parking dahil nandoon ang sasakyan ni Lia at pinangako niya rin kaninang umaga na ihahatid niya kami pauwi today.

Halos magka-ubosan na ng sasakyan dito sa campus nila dahil 6:30 na rin ng gabi at hanggang 6 PM lang ang classes nila dito sa SAMCIS samantalang kami sa main, meron pang klase hanggang 7:30 noong first sem. Ang unfair talaga!

"Bakit parang lahat ng studyante dito mayayaman?" tanong ni Selena kay Lia habang ako naman ay umupo sa frontseat at si Selena sa backseat. "Yung lalaki kanina na nambato ng basketball kay Raf, siya yung sinastalk ko kanina, eh!"

"Ah, si Claude?" Lia started to drive out of the campus. "Hindi niya 'yun sinasadya! Mabait 'yun."

Natahimik kaming dalawa ni Selena. Bigla namang tumawa si Lia.

"Joke. Suplado talaga 'yon." Mas lumakas ang tawa niya. "Pero promise mukha namang hindi niya sinadya."

Nanliit ang mata ko... Claude... Ezra...

"Claude Noestro?" tanong ko kay Lia.

Nagulat naman siya at napangiti nang sabihin ko 'yung buong pangalan ni Claude.

I've known him since elementary, crush ba naman ng bayan! Okay, naging crush ko rin pero onti lang!

Okay, parang sobra. Noon! Noon 'yon, nung gwapo pa siya. Panget niya naman ngayon! Gwapo mukha pero panget ugali!

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now