Chapter 23

23.7K 883 1.7K
                                    

"Sorry, Claude," she said. "I'm sorry."

The tears in her eyes broke my heart. Hindi ko alam kung ano mas masakit. Yung nalaman kong isang buwan na niyang tinatago 'to sa akin, o yung nakikita kong umiiyak siya.

"Tinanong kita..." I didn't know why my voice was shaking. "Tinanong kita, Raf. Tinanong ko kung mahal mo pa siya."

The tears from my eyes fell. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko. I don't know if it's pain, anger, or the feeling of betrayal.

"Hindi ko naman na mahal, Claude, eh. I promise you, everything I felt was sincere-" I cut her off before she could even finish.

"Sincere? But you kept this from me for a month,"

I could see that she didn't know what to say anymore. Maybe because she still loves him. Ako yung nagpakatanga ng ilang buwan. I was a fool.

Hanggang maka-uwi ng Baguio ay hindi ko na pinansin si Raffy. Hindi niya ako tinabihan. Alam kong hindi ko pa siya kayang kausapin pero... I wanted her to sit beside me. I wanted her to try.

Seeing Jaxon's name on her phone when we were in Vizco's already confirmed everything for me. She really does still love him. Why do I even bother?

Kinaya niya ngang itago sa akin 'yon ng isang buwan, eh. Kinaya niyang mag-kunwari na masaya siya sa akin, even though deep inside iba naman talaga ang iniisip niya. Iba yung gusto niyang makasama.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Mommy sa akin habang nag-eempake ako.

Tumango na lamang ako, hindi man lang siya tinignan.

"'Di mo naman kailangan mag-decide kaagad," sabi ni Ezra.

Tinapon ko yung T-shirt sa kama at hinarap si Ezra. Hindi ko alam kung bakit nag-aalab ang galit ko sa lahat ng bagay ngayong gabi. Maybe it's seeing Raffy still texting with Jaxon. Maybe it's not knowing if the whole time we spent together was nothing for her.

Or maybe it's the fact that my brother won't get his life together.

"Ano alam mo sa kailangan ko?" tanong ko kay Ezra. "Eh sa mga kailangan mo? Alam mo ba kailangan mo, ha?"

Kumunot ang noo niya sa akin. "Ang yabang mo. Akala mo alam mo lahat."

"Alam mo ba kung gaano ka-hirap para kina Mommy na habang sila nagaalala sa'yo, ikaw 'tong iinom inom lang sa kung saan saan?" Tumaas ang boses ko. "Pambihira, mahiya ka naman!"

"Claude, that's enough," Rinig kong sabi ni Mommy.

"Hindi, eh!" I scoffed. "Ilang beses kitang sinundo sa buwan na 'to? Kailan ka aayos?!"

"Ang yabang mo!" Tulak ni Ezra sa akin. "Hindi naman kita pinilit! Kaya kong iuwi sarili ko! Nobody's forcing you to be my chaperone!"

Tinulak ko siya pabalik. "Sarili mo lang iniisip mo!"

"Tama na, the two of you!" Tumaas na rin ang boses ni Mommy.

"Edi ikaw na perpekto!" sigaw ni Ezra sa akin. "Ikaw naman paborito nina Daddy, diba? Ikaw na lahat!"

I grabbed the collar of his shirt with anger blazing out of my system. "Sinisisi mo pa talaga lahat sa kanila? Yang kakulangan mo, sinisisi mo sa kanila?!"

Tinaas na ni Ezra yung kamao niya para suntukin ako pero pinigilan siya bigla ni Daddy.

"Ano, gusto niyong magsuntukan?!" Galit na galit ang tingin ni Daddy sa aming dalawa. "Doon kayo sa labas! Not under this damn roof!"

Tinulak ko si Ezra at bumalik na ako sa page-empake.

Sa huling linggo ko sa Baguio, I didn't even bother to talk to anyone else. I didn't reply to my leaders, to Natalia, or even my brother who was two doors away.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now