Chapter 11

29.8K 1.4K 2.4K
                                    

"Tapos mo na kaagad?!" Tanong ko kay Vale na naka-sandal sa pader. Wala pang isang oras ay tapos niya na yung exam namin sa Principles of Med Lab Sci. Tumango naman siya at tumayo nang matuwid.

"Tapos na!" Sigaw ni Selena. "TAPOS NA!"

Kumapit ako sa braso ni Selena at sa braso ni Vale dahil napag-gitnaan ako.

"Nasaan si Lia at Mage? Celebrate na!" aya ko.

Siyempre, ayoko namang pumunta sa inuman. Dinner lang sana gano'n!

"Tanga! May exams pa si Lia bukas!" sabi ni Selena. "Bukas na lang tayo mag-celebrate!"

Tumango ako. Oo nga pala! Pati si Claude ay may exams pa bukas. Puntahan ko na lang siya sa campus nila bukas para naman hindi palaging siya ang pumupunta dito.

Ang effort ko pala minsan!

"Una na muna ako! Apat na araw na akong walang tulog," sabi ni Selena. "Bagong buhay na ako."

"Ha?" sabi naman ni Vale sa kanya.

Nginisian lamang siya ni Selena at kinawayan.

Hinila ko na lang si Vale para naman maka-kain na kami. Gutom na gutom na rin ako dahil hindi pa ako nagaalmusal.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto mo ba ng sinanglao?" he asked.

Nanlaki naman ang mata ko nang sabihin niya ang sinanglao. Ang tagal ko nang hindi nakakakain doon sa Palma. Medyo malayo kasi, pero sobrang sarap ng sinanglao nila doon.

"Tara!" I smiled.

Pumunta kami sa parking area dahil dala niya naman yung sasakyan niya.

Pagka-simula niya sa sasakyan ay agad nang tumugtog yung radyo ng sasakyan niya na naka-connect sa cellphone niya.

Wow, nakikinig siya sa True Faith ngayon!

Muntik na niya i-disconnect pero pinigilan ko kaagad siya.

I like this song! Kung Okay Lang Sa'yo is one of my favorite Truth Faith songs.

"Wag mo na palitan!" sabi ko sa kaniya at sinabayan yung kanta. "Habang tumatagal, lumalala! Laging nagwawalaaa! Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib!"

Bahagya naman siyang tumawa at umiling.

Ang gwapo talaga nitong lalaki na 'to! Kung hindi lang sana siya suplado sa mga babaeng may gusto sa kaniya, siguro may girlfriend na 'to ngayon.

"Hoy, hanapan kaya kita ng jowa?" bigla kong sabi sa kaniya.

Kunot noo niya naman akong sinulyapan pero binalik niya kaagad ang tingin niya sa daan.

"What makes you think I don't have a girlfriend?" He laughed.

Napaawang naman ang labi ko sa kanya.

"I'm kidding." Siko niya sa akin.

Inirapan ko siya at hinampas ang braso niya.

He's honestly such a great guy. Good looking, too! Sa pagkaka-alam ko nga, siya ang pinaka-unang crush ni Selena sa SLU dahil kami kami rin lang ang magkakaklase last semester.

"Okay, favorite color?" tanong ko sa kanya dahil naglalaro na kami ng 21 questions.

Medyo malala rin ang traffic ngayon sa Bonifacio sa hindi ko malamang dahilan.

"Blue," sagot niya.

"Gaya gaya ka naman! Blue na sa akin, eh!" sabi ko sa kaniya.

"No, your favorite color is pink," he corrected me.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now