Chapter 9

28.8K 1.4K 2K
                                    

Claude Johnson Noestro: I'm here at main

Nilabas ko kaagad ang ulo ko sa bintana para tignan yung mga tao na dumadaan sa fountain.

Nasaan na yung pogi kong crush?!

"Hoy, makinig ka kay ma'am! Papagalitan ka nanaman niyan." Tulak sa akin ni Selena dahil siya talaga ang naka-upo na malapit sa bintana.

Binalik ko yung tingin ko sa prof namin pero binaba ko agad yung tingin ko para ma-replyan si Claude.

Rafaela Escalde: WERRRRRR dito ako sa Silang building may 3 hours lecture pa kami

Claude Johnson Noestro: 3 hours? hahaha good luck

Rafaela Escalde: LUH tawanan pa daw ako!!!! ayaw mo ba ako makita grr

Claude Johnson Noestro: nope

Rafaela Escalde: KUNWARI KA PA!!!!!! date tayo after ng class q hihi

Claude Johnson Noestro: hahaha I have training though, we'll be at the gym

Rafaela Escalde: oki i'll bisita u nalang yie kilig

"Miss Escalde," tawag sa akin ng prof namin.

Siya lang talaga ang professor namin na may ayaw sa akin! Mukhang hindi gumagana pagpapacute ko dito kay ma'am, ah. "Can you repeat what I just said?"

"Yes ma'am!" Ngisi ko pero kinakabahan na talaga ako.

Tumingin ako kay Selena pero pinandilatan niya rin ako dahil hindi siya nakikinig kanina. Sumulyap naman ako kay Vale sa tabi ko at binasa binigay niya sa akin sa ilalim ng mesa.

"Well, Miss Escalde? We don't have all day," mataray na sabi ng prof namin.

"We should draw blood collection tubes in correct order in order to avoid cross-contamination of additives between tubes po," sabi ko at ngumiti ulit.

Mukhang mas nainis siya sa akin pero tinuloy niya na lang yung pagdidiscuss niya.

"Thanks," sabi ko kay Vale.

Tinanguan niya ako at nag-sulat na lang ulit sa yellow pad niya. 

Buong tatlong oras ay inantok lang ako kaya hindi ko na rin namalayan na dismissed na pala kami. Mabilis kong inayos ang gamit ko dahil excited na akong makita yung crush ko. Sabado ngayon kaya wala masyadong estudyante dahil walang pasok ang ibang courses ngayon.

"Bakit ba ang bilis mo?!" tanong ni Selena nang maka-habol sila sa akin sa main gate.

"Wala lang." Ngisi ko habang tumatawid kami papuntang 7/11.

"Happy ka naman kagabi?" tanong ni Selena sa akin.

Kumuha ako ng isang blue na gatorade at isang tubig na rin. Meron naman siguro siyang inumin pero gusto ko pa rin siya bilhan!

"Oo naman." Ngiti ko sa kanya. "Enjoy naman ang Ben&Ben."

"Ben&Ben ba talaga?! Tignan mo 'yang binibili mo, para kang jowa." Tulak niya sa akin.

Tumawa na lang si Ena nang batukan ko siya habang si Vale naman ay nakatutok lang sa cellphone niya. 

Pagkatapos namin bumili, nag-paalam na ako sa kanilang dalawa na babalik pa ako ng school. Malaki ang ngiti ko habang naglalakad ako patungo sa gym. Mas lalo lang akong kinilig nang makitang naglalaro si Claude doon.

Umupo ako sa bleachers at nilabas ang phone ko para i-video siya.

Siyempre, di ko iso-story! Hindi naman ako girlfriend! Mamaya, maissue pa kami. Napaka-liit lang kaya ng Baguio! Memories lang, ganon.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now