Chapter 4

32.1K 1.4K 1.5K
                                    

Agad akong tumakbo sa banyo nang makita ang orasan sa tabi ko. Late na ako!

"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ni Margaux sa akin pagkalabas ko ng banyo.

Hindi pa siya nakaka-ligo at umiinom siya ng kape.

"Late na ako!" Sabi ko habang tinatanggal ang towel sa buhok ko.

"Tanga mo, walang klase ngayon." Tawa niya. "I think you had too much to drink last night. Inom ka pa, ah."

Nanliit ang mga mata ko. Oo pala! Ngayon lang kami walang Saturday classes kaya naka-hinga ako nang maayos. Napa-awang ang labi ko nang maalala ang mga nangyari kagabi na muntik ko nang sirain 'yong sasakyan ni Jaxon!

"Paano ako naka-uwi?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman siya at binigay sa akin ang baso niya na mayroong kape.

"You fell asleep in Claude's car." Bahagyang tawa niya. "He called me at almost midnight asking me to meet him sa labas ng gate. Bagsak ka kagabi!"

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala 'yung sumunod na pangyayari matapos ko hindi mahanap ang susi sa bulsa ko.

Nakakahiya!

Napasapo ako sa noo ko habang umiiling naman si Margaux.

"Nakakahiya ka." She laughed.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Alam ko! Kung ano ano sinabi ko kay Claude kagabi! Wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kanya, ever. Mabuti hindi parehas ang campus namin. Hindi na rin ako manunuod ng laro nila!

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang mga messages nina Vale, Selena, Lia, at Mage na nag-aalala kung nasaan ako. Mukhang cinontact rin nila si Margaux dahil ang pinaka-huling nag-message sa akin ay si Vale at sinabihan niya akong mag-pahinga na.

"Lapit na ng Session in Bloom! Magsisidatingan nanaman mga turista," sabi ni Mama habang naghahain ng pagkain sa lamesa. "Rafaela, anong oras ka nanaman naka-uwi kagabi?"

Umismid naman si Margaux sa tabi ko kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

"Ouch, ate!" reklamo ni Paul sa tabi ko.

Siya pala na-sipa ko!

"Uh... maaga naman, Ma. Siguro pagka-tulog niyo kararating ko rin lang." Ngiti ko sa kanya.

Margaux started making faces before drinking from her cup.

"Kailan mo kukunin lisensya mo?" tanong ni Papa sa akin.

Ngumuso ako dahil hindi pa talaga ako sigurado kung kailan ako pupuntang LTO.

Hello?! Hindi naman kasi ako marunong mag-drive talaga! Kunwari lang marunong ako para mahiram ko naman yung sasakyan!

"Hmm kung may time na 'ko, Pa," Ngisi at tango ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay humiga muna ako sa sofa at nag-scroll sa facebook para naman matuwa muna ako bago ko i-lunod ang sarili ko sa readings.

Nagulat na lang ako nung lumabas ang pangalan ni Claude sa notifications ko. Nag-send siya ng picture ng Modess na napkin sa akin.

Claude Johnson Noestro: The heck is this?

Rafaela Escalde: Meron ka bang mens ngayon hehe maganda yung with wings para di nadidislocate hihi

Claude Johnson Noestro: Dude this is yours from last night. I think you dropped it.

Bigla akong tumigil sa katatawa ko nang mabasa ko 'yon. Hala?!

Rafaela Escalde: Ay sakin ba yan hehe baka naman sa kapatid mo

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now