TWO

18.6K 209 3
                                    

A week passed when I last saw him. Daniela and Jax leave for their adventure. Nakakainggit dahil malamang ay magsasaya sila doon. They want me to come pero time nila iyon sa isa't isa.

I know na matigas ang ulo ko. Baka kapag nandoon ako kasama nila ay hindi sila maging masaya kundi sakit ng ulo lang dahil sakin.



Inaayos ko ang iilang damit ko paalis. Kinakabahan din ako dahil baka may kumatok na lang bigla at isa iyon sa mga tauhan ng pamilya ko. I know them, they will do everything to get what they want.



My parents are very strict to the point pati paghinga ko ata ay dapat sila ang nagdedesisyon. Nakakasakal na lalo na nang malaman kong gusto nila ako magpakasal sa anak ng isang business partner nila.



I put all my important things in my bag. I wore my cup and face mask and I'm ready to go!



Hindi kasi ako pwedeng manatili rito sa condo ni Daniela dahil alam nilang kaibigan ko siya. Buti na nga lang ay umalis silang dalawa para mas safe.


I take a deep breath.




"Oh Shit!"





Napahawak ako sa aking dibdib habang gulat na gulat na nasa harap ko siya.





A-anong ginagawa niya rito?





Mukhang nagulat rin siya at handang magpaliwanag ngunit agad akong nagsalita.



Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay saka inalis ko ang face mask ko. "What are you doing here?"





Sinuri niya muna ako saka nagsalita. "Are you leaving?" Tumingin siya sa bag kong dala-dala.





"Ah, I need to escape."





"From what?"




Binalik ko ang aking face mask saka sinara ko ng maigi ang pintuan. Tumingin ako sa paligid kung may familiar bang tao na umaagilid. Good thing, wala naman.





Nang kami lang ang dalawa sa Elevator ay hinarap ko siya.




"Bakit ka nga pala nagpunta? Hinanap mo si Da-"





"No." Mabilis niyang sagot kahit pa pinutol niya ang sasabihin ko. Tinaasan ko siya ng kilay na parang sinasabi kong 'eh, bakit ka nag punta rito?' Huminga siya ng malalim. "Gusto ko lang sanang magpasama sayo but- mukhang aalis ka"




Natigilan ako.




A-ako? Magpapasama siya sakin? Seen nemen? Ay ang landi ko! Bakit kasi ang gwapo niya?





"Kailan ang balik mo?"




Nagising ako sa reyalidad. So, hihintayin niya pala ako sa pagbalik ko? Nakakalungkot naman dahil sa tingin ko ay ito na ang last naming pagkikita.





Napatitig ako sa kaniyang mata. "Hindi ko alam."





Agad na tumunog ang elevator na senyales ay nakababa na kami ng tuluyan. Ngumiti muna ako sa kaniya bago lumabas. Muli kong tinignan ang paligid bago lumabas ng tuluyan sa building.





"Sino ba ang pinagtataguan mo?" Tanong niya mula sa aking likod habang ginaya ang ginawa kong pagtingin sa aking paligid.





Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now