FIVE

11K 140 1
                                    


My eyes narrowed.



Elenoa and Lavinia is now cooking together. I don't know what are they cooking. I am now in the living room, nagpapapawis.




Kanina pa ako nagsimula mag exercise, wala kasi akong ginagawa. Napapansin ko ring hindi ako masyadong pinapansin ni Lavinia. Did I do something wrong?






Ang pag-iwas niya sakin ay nakakairita.





Yesterday we were okay but today? Anong trip niya?
I'm not used to it.




I stood up and took my towel. As I was wiping my sweat I went to them in the Kitchen.  I just looked at Lavinia with a very serious face. What is her problem?








"Hi, Xenon!" Si Elenoa ang nakapansin sakin. Saglit ko siyang binalingan ng tingin at ngumiti.





Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Lavinia. Eh? Iniiwasan niya talaga ako.




Mas lumapit pa ako baka mapansin niya na ako.





"Anong niluluto niyo?" 





Pinagmasdan ko siya kung titingin ba siya.
"Fish Suruwa." Malamig na tinig niya habang abala pa rin sa kanuyang ginagawa.





"What's that?" Lumapit ako sa kaniya na may ngiti.





Kahit nakayuko siya ay nakita ko ang pagsulyap  niya sa pwesto ko. Suminghap siya saka umalis sa tabi ko.






Unting unti nawala ang ngiti ko. Fuck!



What's going on?!




Umigting ang panga kong napatingin kung nasaan siya ngayon. Parang isang hangin lang ako at ngayon nakikipagtawanan kay Elenoa.





Tumigil siya sa kakatawa ng lumapit ulit ako. Hinawakan ko siya sa bandang siko, baka kasi makawala ulit siya.





Nagsusumamong tinignan ko siya. "May problema ba?" Umiling siya.





"Bakit hindi mo ako pinapansin?"






Umiling na naman siyang humarap sa akin. Nakangiti siya ngayon pero hindi tulad noong nagkaka-usap pa kami.





"Bakit ang tahimik mo?"






Tumalim na ang tingin ko sa kaniya dahil umiling na naman siya. Inalis niya ang pagkakahawak sakin at muling lumayo.




I gritted my teeth.





Lumabas na lang ako ng bahay. Malilim nang lumabas ako, agad akong naglakad palapit sa dagat at naupo.




Nababanas talaga ako sa tuwing maalala ko ang pag-iwas sakin ni Lavinia. Aaminin ko, attracted ako sa kaniya pero baka nakikita ko lang sa kaniya si Daniela.





Baka namimiss ko lang si Daniela. Sobrang mahal ko yung tao kahit pa sinaktan ako ng paulit-ulit. Medyo parehas sila ng pag-uugali ni Lavinia pero ang kaibahan lang ay mas maya ata akong kasama si Lavinia.





Hindi.... hundi agad mawawala yung pagmamahal ko sa kaniya.





Napatulala ako ng maalala ko ang tanong sakin ni Lavinia. Umaasa pa ba ako? Nang dumating ako... nakatatak sa isipan kong tatanggapin ko pa rin siya dahil I love her.



Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now