FOUR

11.9K 142 3
                                    

Dalawang palapag lang itong bahay. Ang ibaba ay sala, kusina,c.r. at ang kwarto ni Elenoa at Jesoni. Dito naman sa itaas ay ang iisang kwarto na may c.r.





Malaki ang second floor, may ibinigay na foam at panapin si Elenoa para kay Xenon. Ako ang nasa Kama habang siya ay nasa lapag.





Tatlong araw na nandito lang kami naka tambay sa dagat at ang tanging ginagawa lang namin ay kwentuhan, paglalangoy, kumain at minsan ay tinutulungan niya si Jesoni na magkumpuni ng kung ano-ano.





Sa tatlong araw na kasama ko si Xenon ay mas nakilala ko siya. May mga times na masaya siya kasama dahil pala kwento siya ng mga experience niya sa buha. Minsan naman ay nararanasan ko ang pagkasungit niya lalo na sa tuwing papagtripan ko siya at dahil doon mas lalo ko ata siyang nagustuhan.





Naglalakad kami ngayon patungo sa Waterfalls. Hindi naman kalayuan ang waterfalls rito. Dadaan muna sa medyo matalahib at puro coconut tree bago makapunta roon at bubungad na muna ang rock formation.





Nakasabit ang aking kamay kay Elenoa habang pinapakinggang namin ang kwentuhan nila.





"This Island is so beautiful...there is plenty of food available here." Pagmamalaki ni Jesoni kay Xenon.





"Oh! it's like the Philippines."





Agad akong napatingin sa kaniya.




"Wow.." namamanghang saad ni Jesoni.




Nakita ko sa internet na magaganda rin ang mga beach doon. Kung ako nga lang masusunod ay gusto kong pumunta doon.




Naramdaman siguro ni Xenon na nakatingin ako sa kaniya kaya saglit siyang tumingin sakin.





Nang makalapit kami sa matayog na mga puno ay senyales iyon na sisimulan na namin ang paglalakad papuntang falls. Magkakasunod kaming naglakad, kaming dalawa ni Elenoa ang nauna habang sila naman ay nasa likod. May dala rin kaming konting pagkain kaya para kaming may outing.





"Lavinia, Careful." Paalala ni Elenoa habang saglit na tumingin sakin.





Nakangiting tumango naman ako sa kaniya.





Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa bumungad na samin ang rock formation. Hindi mahirap makatawid roon dahil sa kapag nasa medyo pataas na ay may tulay na hanggang pababa.





Narinig na namin ang waterfalls kaya mas naging excited ako. Gitna pa lang ng tulay ay kitang kita ko na kung gaano kaganda ang lugar na ito.




"Wow." Napatingin ako sa aking gilid.





Katabi ko si Xenon habang manghang inikot ang buong paligid. Parang hindi makapaniwala na may ganitong lugar.





"Tara!" Hinigit ko siya pababa. Nagpadala naman siya kaya nauna kaming nakapunta rito.





May maliit na kubo doon na alam kong gawa iyon ni Jesoni. Naging cottage namin yun. Ang dalawang matanda ay agad na inayos ang pagkain naming dala.





"Oh! I miss this!" Titig na titig ako sa waterfalls.





"Gusto mo na bang lumusong don?"





Tumango ako at agad tumayo upang hubarin ang damit ko. Tinira ko lang ang suot kong red bikini.





Humarap ako kay Xenon na ngayon ay taimtim na tinignan ako. Para akong lulubog dahil sa paraan ng pagkakatingin niya. Kinilabutan ako pero inalis ko sa aking isipan iyon.





Climb on my Desires✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ