TWENTY-THREE

5.8K 108 7
                                    


"Huwag mo ko titigan ng ganiyan, Mahal..."





Natawa ako sa sinabi niya. Wala naman akong ginagawa pero sobrang distract niya sa tingin ko pa lang.






Hinigit ko ang tanging kumot lang na nakatakip sa katawan ko at dahan-dahan akong bumangon at na-upo na lang. Napangisi ako dahil sa reaction niya.






"Pasalamat ka, sayo lang ako nakatitig." Mas lalo akong natawa dahil napalabi siya at pinigilang ngumiti.





Isinara niya ang maleta ko at marahang lumapit sa akin. "Baka kapag nasa Pilipinas na tayo...."






"Oh,ano? Hindi ako titingin sa iba no!"







Niyakap ko siya. Hahalikan niya dapat ako kaso may kumatok. Si mommy.






"Dinner time na lovers!" Sigaw niya mula sa labas ng pinto.






Natatawang napayuko si Xenon dahil hindi natuloy ang kaniyang binabalak. Tumingin ako sa pinto kahit nakasara iyon.






"Susunod na po kami, My!" Sigaw ko.






Halos mapasigaw ako ulit nang buhatin ako ni Xenon. Ang kaninang nakatakip na katawan ko ay lantad na ngayon. Nailang ako sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Psh! Alam ko ang mga tinginang ganon, hindi ko tuloy napigilang tampalin siya.





Humalakhak siya. "What?" Maang-maangan pa.







"Kilala kita, Xenon! Umayos ka."







Tinawanan niya lang ako hanggang sa pumasok kami sa C.R. Pagkababa niya sa akin ay agad akong lumayo sa kaniya. Baka kung saan pa kasi mapunta.






Nakangiting napailing siya sa ginawa ko at lumabas na ng C.r. Hindi na ako nagtagal pa sa c.r. dahil alam kong hinihintay na kami nila mommy sa ibaba.






"Let's eat now. You're leaving later." Malungkot na saad ni mommy sa huling sinabi niya.





Hinawakan ko ang kamay niya. "My, don't be sad, baka hindi ako makaalis niyan." Pagbibiro ko.







Natawang umirap siya sa akin. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni daddy.




"Be good there, Lavinia." Sabi naman ni Daddy.






"Don't worry daddy, she was with me." Sabat ni Xenon habang nilalagyan niya ako ng pagkain sa aking plato.







Nasanay na ako na ganito siya. Hindi na nga rin siya nahiya kila mommy na ipakita kung gaano siya ka-sweet sa akin.







"Good. I trust you, Xenon."







Masaya kaming kumain ng dinner pero hindi mapigilang umiyak ni mommy dahil aalis na ako sa bansang 'to. Sasama ako kay Xenon sa Pilipinas.







Sana naman wala ng hahadlang samin ni Xenon dahil dati, noong simula pa lang namin ay puro problema na. Pero super thankful ako dahil ganon ang nangyari dahil sobra ko talagang nakita kung gaano namin kamahal ang isa't isa
Kaya talagang lumaban. Mas mature na kami ngayon at lalo na ako kahit ako ang bata sa relasyon namin.








Hinatid kami nila daddy hanggang airport. Nag-iyakan pa ulit kaming dalawa ni mommy.






"Call us always, baby Lavinia" tumango ako at niyakap silang dalawa. Pagkatapos ay si Xenon naman niyakap nila.





Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now