TWENTY-SEVEN

6.1K 105 7
                                    


Xenon P.O.V.



Nababaliw na ata ako! I missed Carla so much! Bakit kasi sobrang busy niya sa School? Alam kong para sa kaniya iyon pero nawawalan siya ng atensyon na para sa akin. Fuck! Minsan nagseselos na ako sa lahat ng bagay na ginagawa niya at pinag-aawayan pa namin iyon. Tangina, 2 Months na lang graduate na siya. Bubuntisin ko talaga siya agad.



Grabeng pagtitiis na 'to pre.


Nonng una ay okay lang sa akin dahil busy rin naman ako. Si Nathan kasi ay sumunod doon kay Amara kaso walang napala si gago. Pinauwi ng nanay ni Amara. Ang gago kasi eh, pero hindi ko siya masisisi. Ang tagal rin ng pinagsamahan nila ni Jenna, nasanay siyang si Jenna ang kasama. Pero kung ako ang tatanungin... mahal na mahal ni Nathan si Amara.




Kapag nagkita talaga silang dalawa, pagtripan ko yun.



"Xenon! Paabot ng towel!" Sigaw ni boss Carl mula sa banyo.




Napangisi ako. "Lumabas ka na ng hubad."



Nainis siyang dumungaw sa pinto. Nakakatuwa talaga ang reaction niya kapag nagagalit. Ang ganda.



"Ano ba? Male-late na ako." Singhal niya. "Bilis na!"



Napakamot ako sa ulo at tumayo na. Mahirap na kapag galit na galit na siya at mahirap pa namang suyuin lalo na at stress siya ngayon sa School dahil graduating siya.




"Miss na miss na kita, Misis ko." Malambing kong niyakap siya sa likod.



Napasimangot ako ng tanggalin niya ang kamay ko sa kaniyang baywang.




"Maghintay ka. Sobrang busy ko ngayon, Mahal."



Wala akong nagawa kundi lumayo sa kaniya. Baka hindi ko mapigilan pa ang sarili kong angkinin siya at magagalit siya sa akin dahil sa kalandian ko.



Hay! Buhay nga naman.



Naglaro na lang ako sa Cellphone ko habang hinihintay siya. Ako na mismo ang naghahatid-sundo sa kaniya para 'di na siy mahirapan kahit na sinabi niya na kaya niyang mag commute.



"Tara na!" Aya niya sa akin habang nagsusuklay ng buhok.



Tamad akong tumayo at kinuha ang susi ko sa ibabaw ng cabinet. Palabas na sana kami ng kwarto ng pigilan niya ako at hinawakan sa magkabilag pisngi ko.




"I love you. Babawi ako sayo promise." Sinserong saad niya.




Hindi ko mapigilang mapangiti. Walang kupas itong si Boss Carla, pinapakilig ako kahit sa salita o simpleng bagay lang.




Hinalikan ko siya sa labi. "Sabi mo yan ah."





Natatawang tumango siya. "Oo nga saka hindi na rin ako mag pi-pills para mabuntis mo na talaga ako."






Tangina, nag-init bigla ang katawan ko pero kailangan kong pigilan.




"Ako ang magtratrabaho kapag gagawin na natin si baby"





Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang daldal mo, sasaludo niyan sayo si junjun eh." Baka hindi ako makapg pigil at hindi ko siya papasukin ngayong araw.




Napangiwi ako nang kagatin niya ang palad ko kaya inalis ko ang pagkakatakip ng bibig niya.




"Ang bastos mo." Tinalikuran niya na ako at mas naunang lumabas.




Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon