TWENTY-EIGHT

6.4K 121 5
                                    



Nagmadali akong sundan siya. Shit! May seloso akong boyfriend.


"Xenon!" Patuloy na tawag ko pero hindi niya ako nililingon. Wala akong paki kung pinagtitinginan o may mababangga man ako. "Mahal naman." Tumakbo ako palabas ng bar.


Sinundan ko siya kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ay shet! Yung isa pa palang kotse. Bahala na, iiwan ko muna yon dito. Nagtatalon ako sa sobrang frustration. Wala akong imik na pumasok sa sasakyan niya.




Agad niya namang pinaandar ang sasakyan. Tinitigan ko lamang soya buong byahe, halatang nagpipigil ng galit ito. Natuptop tuloy ang bibig ko, halos hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natatakot rin kasi akong mas lumala pa at masigawan niya ako.




Alam ko kung paano siya magalit pero ito ang kauna-unahang nakaramdam ako ng takot.


Tumikhim ako. "Mahal....." Halos pabulong na sabi ko.

Hindi man lang niya ako tinitigan. Nakaramdam ako ng inis kaso ayaw kong mas unahin iyon. Walang mapapala kung magagalit rin ako. Mas lalo lang lalala.

"Matulog ka na,  Lavinia Carla."

Lavinia Carla, galit talaga siya.


Sinundan ko siya patungo sa taas. Dumiretso ito sa banyo kaya problemadong napa-upo na lang ako sa kama.

Matutulog ba kaming hindi nagkaka-ayos?


Napatuwid ako ng upo nang lumabas siya sa banyo. Sinundan ko lamang siya ng tingin. Naghahanap ako ng tyempo para makapagsalita.



Nasaktan ako sa sobrang pagkabigo. Humiga na lamang ito at nakatakod pa sa akin. Humiga rin ako at niyakap siya ng mahigpit.



"K-kaibigan ko lang si Renzo. "Huminga ako ng malalim bago muling magpatuloy sa pagsasalita. "Oo, inamin niya sa akin na mahal niya ako. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Isa pa, una pa lang ay sinabi ko ng asawa kita. Ikaw ang mahal ko, hinding hindi kita kayang ipagpalit. Huwag ka na sang magselos."

Dumungaw ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Umayos na ako ng higa dahil alam kong ayaw niya talagang pag-usapan pa.


Papikit na sana ako nang maramdaman ko ang yakap niya.

"Damn, hindi ko magawang magalit sayo."



Nag-init ang mukha ko. Kinagat ko pa ang balat ng pisngi ko upang pigilang mapangiti.

"Huh? Bakit naman? Hindi mo nga ako pinapansin eh, it means galit ka nga." Sinubukan kong maging normal lang ang tono ng boses ko.



Mas mahigpit ang yakap niya ngayon sa akin at isiniksik pa ang kaniyang ulo sa leeg ko.


"Bakit nga ba, Lavinia Carla?" Napapikit ako nang humaplos sa balat ko ang hininga niya. "Mahal kita at selos na selos ako."


Sa pagkakataong ito ay lumayo siya sa akin at bumangon upang maka-upo. Ginaya ko rin soya, sa tingin ko ay oras na para pag-usapan na namin ang problema.


"Every time na hinihintay kita minsan sa School mo, lagi kitang nakikita na magkasama. Tangina, sobrang paranoid ko. Noong wala kang pasok, ang sabi mo may pupuntahan ka. Hindi ako mapakali that time at sobrang nagalit ako nang makita kitang siya na naman ang kasama mo."

Nagulat ako. Hindi ko alam na ganito.


"Nanahimik ako dahil akala ko ay magsasabi ka sa akin tungkol sa kaniya pero naghintay ako sa wala. Mababaliw ako kakaisip kung mahal mo pa ba ako kasi akala ko......... akala ko pinagpalit mo na ko." Pumiyok ang boses niya.

Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now