TWELVE

9.1K 120 5
                                    


"Daniela.."


 

Natulos ako sa kinatatayuan at natatakot akong makita kung ano man ang reaksyon ni Xenon. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito dahil pakiramdam ko ay ito na ang huli na ikakasaya ko kasama ko si Xenon.




"Anong..... bakit sya nandito?" Naguguluhang napatingin sakin si Daniela.





Umiwas ako ng tingin at dahan-dahan humarap kay Xenon. Agad na napatingin si Jax kay Xenon habang lumapit sakin.





"I miss you, Carla.  I didn't know you had brought your boyfriend." Bulong niya sa aking tainga habang nakayap sakin.






Hilaw na napangiti ako. Saka tinuro si Xenon. "Ah.. He's Xenon." Saka bumaling ako kay Xenon na nakakunot ang noo sakin. "X-xenon, si Jax pala."




Nagkatitigan kami ni Daniela ngunit muli lang akong umiwas. "A-ah.... I'm just going to help prepare food."





Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at agad akong pumunta sa Kusina. Nadatnan ko si Elenoa na busy sa paghahanda ng pagkain. Patapos na ito kaya naman tumulong na lang ako upang ihanda ang niluto niya sa lamesa.




Nang ayos na ang lahat ay si Elenoa na ang tumawag sa kanila. Walang imikan kaming nagsi-upo at kumain. Kahit kaming dalawa ni Xenon ay hindi nag-iimikan o mas mabuting sabihin na hindi ko man lang sya tinatapunan ng tingin.





Ako rin ang nagpresintang maghugas nang matapos kaming kumain lahat.




"Baby... ang tahimik mo naman?"




Hindi ko siya pinansin.





"Huy, wala naman akong ginawang masama eh." Niyakap niya ako mula sa likurin ngunit tinanggal ko iyon.





Mabuti na lang patapos na akong mag hugas nang pinagkainan namin. "Mabuti kung tapusin na natin 'to."




Para kasing nasampal ako kanina nang katotoohanan. Nakalimutan kong hindi pa pala sya  naka-move-on kay Daniela.





"Fuck, no baby..." hindi ko na siya pinakinggan at lumabas na ako sa kusina.






Nadatnan ko ang dalawa na nakikipag kwentuhan kay Elenoa at Jesoni kaya nakisali na rin ako. Umupo ako sa tabi ni Jax dahil doon lang naman ang may space.





"You didn't tell me ah." Napangiwi ako nang ipalibot niya ang isang kamay sa leeg ko saka ginulo ang buhok.





"Ahhh! Stop Jax!" Hinampas ko siya sa kamay ngunit hindi ito tumigil. "I'm going to kill you kapag hindi mo ito tinigil!"




Natatawang kiniliti niya naman ako kaya tumakbo ako kay Daniela. Para akong batang humihingi ng saklolo sa kaniya pero napangiwi rin ako ng ginulo niya rin ang buhok ko gaya ng ginawa ni Jax.





"Na-miss lang namin ang baby namin!" Hindi ko alam na nakalapit na pala si Jax at mahigpit nila akong niyakap ni Daniela.




Tuwang tuwa ang mag jowang ipitin ako sa pagitan nila. Huminto na lang kami nang biglang nagmura si Xenon saka lumabas ng bahay.




Hindi ko na lang iyon pinansin. "Gusto niyong mag swimming tayo?" Aya ko sa kanilang dalawa.





"Game!" Sabay nilang sigaw.







Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon