SEVENTEEN

6.3K 92 2
                                    

Pupunta pa kaya sila? Bakit ang tagal nila?





Maaga akong nagising kaninang umaga dahil excited talaga akong makita siya. Sana nga ay makapasok siya dito. Alam ko namang tutulungan siya ni Jax pero hindi ko maiwasan ring kabahan.




"why are you awake so early today?" I didn't speak and I just stared out the window.





She sighed. "your daddy and I are doing what is best for you, Lavinia. Be thankful, baby."





Be thankful? What the fuck! Saang parte ang maganda don? Lahat naman ng gusto nila para sa akin ay kabaliktaran sa gusto ko. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang mataliman ng titig ang aking alagang halaman.





Lahat naman siguro pwedeng makaramdam ng pagtatampo sa parents nila diba?





"just come down when you want to have dinner." Aniya saka lumakad palabas sa pinto.





Napalumbbaa na lamang ako habang pinapanuod kong magdlim ang buong kalangitan. Ayokong bumaba dahil umaasa akong parating siya. Baka kapag nasa baba ako ay siya naman ang pagdating niya.





Hindi rin naman ako nagugutom kaya ayos lang na manatili ako rito. Wala akong ibang ginawa kundi maglakad-lakad o kaya naman ay inaayos ko na lang ang bawat gamit ko. Hindi ko nga namamalayan kung ilang oras na ba ako naghihintay.





Hanggang sa may kumatok sa sliding door ko sa balcony. Agad akong napatingin don at tumakbo palapit. Alam kong si Xenon na iyon!





Hinawi ko ang kurtina at gusto kong maiyak nang makita ko siya. Grabe, miss na miss ko siya! Nagmadali akong binuksan ang sliding door at walang sabi na tumalon ako upang yakapin siya ng mahigpit.






He chuckled. "You missed me, don't you?" Bulong niya sa tainga ko.





Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa kaniya. Tumango lang ako habang mahigpit pa rin siyang kayakap. Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok.





Parang nasanay akong siya ang kasama ko.






"I missed you so much, mahal." Mahinang sabi niya.







Kumalas ako sa pagkakayakap kaya kitang kita niya ngayon kung gaano kapula ang mukha ko dahil sa iyak. Mapait siyang napangiti habang dahan-dahang pinunasan ang luhang pumapatak sa mata ko. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo ko siyang na-appreciate. Hindi ko talaga kayang pakawalan ang isang Xenon na mahal na mahal ko.






Mas lalo ata akong napaiyak kaya muli niya akong niyakap.






"Nandito lang ako sa tabi mo, mahal." Aniya sabay hinalikan ako sa noo.






Huminga ako ng malalim at pinipilit kong huwag na umiyak. Nakakahiya kung mugto ang mata ko. Pinunasan ko ng palad ko ang luha ko at suminghot pa.






"P-paano ka nakapasok dito?"






Hinila ko siya papasok at napadpad kami sa kama. Magkaharap kami ngayon kaya malaya kong sinuri ang bawat sulok ng mukha niya.





"Saktong wala ang parents mo nung maunang pumasok si Jax. Kinausap niya yung nagbabantay sayo kaya naka-akyat ako rito." Paliwanag niya.





Napangiti ako. "Hindi ka na nagseselos kay Jax?"





Kumunot ang noo niya. "Tss. Pasalamat siya, tinutulungan niya tayong magkita."





Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon