TWENTY-SIX

6.1K 111 7
                                    

"Carla!"






Huminto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Renzo. Tumakbo siya palapit sa akin. Hindi na muna siya nagsalita upang mahabol ang sariling hininga.





"Partner tayo kay Mrs. Luzina, Right? Pwede ba ngayon?"





Napakagat ako ng labi. "Ah..ahhh may pupuntahan kasi ako ngayon pero ano....."





Tsk! Nag promise na ako kay Xenon na magmall kami mamaya. Next week pa naman ipapasa yung plate with video namin kaso nakakahiya kay Renzo, baka may gawin din siya.




"Ahh okay lang! Tomorrow, pwede ka?"





Agad akong tumango. "Tamang tama! Sige bukas na lang. Text kita." Sobrang lawak ng ngiti niya kaya napapangiti rin ako.




Pero nagtaka ako. Hindi ko kasi maalala kung kailan ko binigay kay Renzo ang number ko. Nawala ang isiping iyon nang magpaalam na siya.




"Hi!" Bungad ko kay Xenon na nakakunot ang noo. "Problema?"





Agad siyang umiling.






Dumiretso kami sa mall dahil ang sabi niya ay bibilhan niya daw ng regalo si Nathan. Psh! Naasar pa rin talaga ako sa lalaking iyon.






Pagkarating namin sa mall ay bumili rin ako ng pang baby na damit. Pang baby boy and baby girl. Hindi ko pa naman kasi alam ang gender ng anak ni Amara.






"Bili na rin tayo para sa atin." Pumili rin si Xenon ng damit pang baby.






"Baliw! Wala pa nga tayong baby e. Napaka advance mo." Inirapan ko siya. Ang mga kinuha niya ay ibinalik ko sa lagayan.






Langya puro panglalaki iyon. Gusto niya pala ng baby boy kung sakaling mabuntis ako.






"Tignan mo, bubuntisin kita mamaya." Bulong niya sa akin at kinagat pa ang tainga ko.





Hinampas ko siya sa dibdib. "Sige, lagot ka kay Daddy ko."






Usapan nilang mag tapos na muna ako ng pag-aaral bago kami bumuo ng pamilya ni Xenon. Kahit ako ay excited na rin ako magtapos  pero di ko sinasabi kay Xenon dahil lalandiin niya na naman ako.






Nakarating kami sa bahay ay pahapon pa lang. Tinawagan ko muna si Amara habang si Xenon ay busy sa pagligo.






"Sure ka na ba talaga, iiwan mo ako?" Madramang tanong ko sa kaniya.






Rinig ko naman ang pag buntong-hininga niya. "Nag-usap na kami. Pinili niya si Jenna." Halos 'di ako makahinga ng marinig ko ang pag-iyak ni Amara.






"Shh... Huwag ka ng umiyak, Amara. Baka makasama sa baby mo." Naiiyak na rin na aniko. "Psh! Ingat ka din at si baby! Ayos na ba lahat ng gamit mo?" Pag-iiba ko.





Sobra talaga akong nalukungkot dahil siya ang naging bestfriend ko rito. Mamimiss ko ang mga lakad namin kung saan-saan.






"Yup! Ayos na lahat."



Nang maibaba ko ang phone ko ay saktong pagkalabas ni Xenon sa C.r. Nagpout ito ng makita niya akong malungkot.

"Babalik rin si Amara. Ang gago kasi ni Nathan e. Sarap upakan, hayaan mo pagsasabihan ko yun." Naiiling sa saad niya.

Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now