NINETEEN

6.3K 101 5
                                    

A mother's love is unconditionally. Lahat ay gagawin ng ina para sa kaniyang anak. Walang gagawing masama ang nanay na ikakasama ng anak niya. Marami pa akong hindi alam, teenager pa lang ako at walang napapatunayan. Paano kung ginagawa lang nila ito para sa ikakabuti ko?




Ang pag-uusap namin ni Xenon tungkol sa pamilya ay bumabagabag ngayon sa isipan ko. Ang dami kong realization at baka nga sobra na ngang tigas ng ulo ko kaya ginawa lang ito nila mommy sakin.




Para tuloy akong nakonsensiya dahil sa sobrang pagtatampo ko sa kanila. Mahigit isang linggo ko rin inisip yon at ngayon ay susubukang maging open sa kanila.




"Mommy, Can i help you cooking?" Saglit siyang natigilan.




Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nagulat rin ako dahil si mommy ang maglulufo ngayon, feeling ko ito na ang pagkakataon para mapalapit sa kaniya o kay daddy man. Nasanay akong lagi silang busy sa work.




Napangiti si Mommy sa narinig niya mula sa akin. "You sure, anak?" Tumango ako.





Lumapit ako sa kaniya at inilahad niya sa akin ang mga dapat niyang hihiwain. Pumunta siya sa nakasalang sa stove. Masayang kumikilos si mommy. I wonder na masaya siya kapag malapit ako sa kaniya.




Ganoon na ba kalayo ang loob ko sa kanila dati?






"Malapit na ang pasukan niyo, Lavinia. I trust you baby na hindi mo ulit papaganahin ang katigasan ng ulo mo." Pag-papaalala niya. "Don't think na nagkulang kami sayo because everything we do is just for you even if your daddy and I are both strict to you, Lavinia."






Hindi ako umimik sa sinabi ni mommy dahil wal akong masabi. Lagi nilang pinapaalala na lahat ng ginagawa nila ay para lang din sa akin. Kung ang pagpapakasal ko ba kay Jax ay makakabuti sa akin? Paano naman si Jax? Alam kong napipilitan lang siya dahil malaki ang utang na loob niya sa pamilya ko.






Nagulat si Daddy nang makita ako sa kusina. As usual lagi namang seryoso si Daddy sa lahat ng bagay. Umupo na kami at si mommy na ang nag-asikaso kay Daddy sa kakain niya.






Tumikhim si Dad. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako sa kaseryosohan ni dad, nakakatakot eh. "Henry told me he saw someone enter your room. Is that Jax?"




Biglang kumabog ang dibdib ko. Sobrang kaba ang naramdaman ko dahil sa sinabi ni Dad. Mabuti na lang at hindi ako nabulunan. Agad akong napatingin kay Daddy ng diretso.




"Yes dad." Ayaw ko ng duktungan pa ang sasabihin ko dahil baka mahalata niyang nagsisinungaling ako.




Kabado ako na baka kapag pumunta si Xenon rito ay mahuli na naman siya ni Henry. Ghad, huwag naman. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita siya ni dad. Knowing dad, nakakatakot kapag galit.






"Mahal, parang natatae." Natatawang bungad sa akin ni Xenon nang makapasok siya sa balcony ko. Agad akong lumapit sa pinanggalingan niya at tinignan kung may tao bang may nakakita sa kaniya. Agad kong sinara ang sliding door at na na-check ko na rin kung nakasara ba ang pintuan ko.





Nagtatakang nakatingin sa akin si Xenon nang mapadako ang tingin ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim at hindi ko na naiwasang yakapin siya nang mahigpit.




Sobra akong nag-aalala sa kaniya.





Hinaplos niya ang aking ulo. "May problema ba, mahal?"





Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon