TWENTY-NINE

6.1K 102 4
                                    


"Carla, excited na talaga ako sa graduation natin! Sa wakas, mawawalan ako ng iisiping subject pa." Tili ni Trixie.




"Tangek! Umpisa pa lang yan. Kapag nagtrabaho ka na, bakbakan na." Sabat naman ni Pauline sabay tingin sa akin. "Saan ka nga pala company magtratrabaho?"




Napaisip ako agad. Hindi ko kasi naisip na magtabaho muna. Gusto kong magkaroon muna ng time kay Xenon at gusto na rin naman naming magkababy.





"Hindi na muna. Kailangan ko ng pahinga haha."



"Ay diba may company yung asawa mo? Pwede bang doon kami mag apply?"




"Yeah, meron nga pero tinutulungan niya si Nathan sa company naman non."



Simula kasi nang magka-ayos sila ay kay Xenon na pinamahala ang ibang business nila. Hindi niya agad maiwan ang company ni Nathan dahil ayon daw ang tumulong sa kaniya para umahon sa buhay kaya tinutulungan niya pa rin si Xenon kahit may inaasikaso siya sa sarling company niya.




"Grabe! Ikaw na talaga, Carla!" Inggit na inggit na naman sa akin ang dalawa.




Psh! Kahit na sinasabi ko sa kanila na huwag akong inggitan, hindi daw nila maiwasan.





Pumasok na kami sa classroom kahit wala pa ang prof. mahirap na maging late. Tabi-tabi kaming tatlo at nang makita ko si Renzo ay nginitian ko lang ito.






May girlfriend na siya. Tinulungan ko siyang manligaw ng babae kahit na hindi na kailangan kasi matinik naman siya sa babae.





Masaya ako para sa kaniya at mukhang mahal na mahal niya ang girlfriend niya.





Tinapik ako ni Pauline upang mapatingin muli ako sa kaniya.





"Celebrate tayo pagkatapos ng graduation!" Aya niya.






Naging excited ang dalawa habang ako ay ngumiti lang. "Kay Xenon na ang oras ko non."







Bigla naman silang nalungkot. "Kakainggit na iyang si Xenon ah! Kelan ba namin siya makikilala?"





"Oo nga! Nakita namin siya sa bar pero hindi namin nakilala."






"Kung gusto niyo sa Wednesday na agad tayo magcelebrate. Wala tayong pasok non at ipapakilala ko na talaga sa inyo si Xenon."








Nagtilian naman ang dalawa. Excited pa sila dahil makikilala na daw nila ang lalaking perfect boyfriend dahil sa tuwing magkwekwento ako sa kanila, parang prince charming si Xenon sa isip nila. Pumayag sila sa suhesiyon ko kaya walang problema. Sasabihin ko na lang kay Xenon na may lakad kami non.







Naging tahimik na kami nang dumating ang Prof. Ito na naman ang kalbaryo sa oras namin. Masungit kasi si Sir Willy at lagi kaming iniipit. Nakakastress lang. Hindi kasi binibigay agaran ang kailangan namin, pahirapan pa.







"Gingiggil ako ng panot na 'to!" Bulong ni Trixie nang makalabas kami ng classroom.






Tumawa kaming dalawa ni Pauline. "Hayaan mo na, puro requirements na lang naman ang kailangan natin."






"Jusko day!" Naiiling na sabi niya.






Naghintay kami sa labas ng University. Lagi silang nauinang umuwi dahil hinihintay ko pa si Xenon. Kadalasan ay 30 mins. talaga akong naghihintay dahil galing pa siya sa trabaho. Ayaw niya naman kasi akong pag commute dahil delikado at babae pa ako.








Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now