EIGHT

11.8K 144 3
                                    


Hindi ako pinapatulog kaka-isip sa nangyari sa may Nuave Waterfalls. Halatang naiilang sakin si Xenon dahil ngayong kami na lang ang nandito sa kwarto ay tahimik siyang nakahiga sa lapag, halatang hindi pa sya natutulog dahil kanina ko pa naririnig ang bawat galaw niya. Akala niya siguro ay tulog na ako, nakapikit ako ngunit buhay na buhay ang diwa ko.



Maraming bumabagabag sa isipan ko. First time kong magkagusto, yung gustong gusto ko talaga ang kaso lang.....nagkarelasyon sila ng kaibigan ko, si Daniela. Ang masaklap pa, hindi pa siya nakakamove-on. Hindi ko nga alam kung magmomove-on ba talaga sya.



Ang saklap naman, bakit ba kasi sa kaniya pa?



Inalis ko ang kumot na nakabalot sakin saka tumayo. Napangiti ako dahil hatalang nagtulog-tulugan si Xenon.



Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang limang beer na nakalagay sa maliit na ref. saka ako dahan-dahan na lumabas.




Binuksan ko agad ang beer at ininom iyon upang makaramdam naman ako ng init dahil sa lamig ngayon rito sa labas. Nakahabap ako ng pagtatambayan ang yateng narito sa gilid ng batuhan.



Pakiramdam ko tuloy kahit na malaya ako ngayon ay hindi ko naman nakukuha ang gusto ko. Nirerespeto ko si Daniela at sa naging relasyon nila pero lang'ya pakiramdam ko ay tagong tago ang sarili ko. Wala pa akong nagagawa na gusto ko.



I like to sing in front of a lot of people.


Visit a Nearby City that I have never been to.


I want to get drunk. Yung hindi ko na alam ang ginagawa ko.


Go on a blind date.


Do one thing that I'm afraid of.


I want to be an architect.


Watch the surise and sunset with the man I love.




Pagak akong napangiti sa kawalan. Hanggang ngayon pala ay wala pa akong nagagawa. Sumimsim ako sandali ng beer saka tumikhim.




Sinimulan kong kumanta kahit wala namang tao na nasa paligid ko.




Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Oh, shall I stay, would it be a sin
Oh, if I can't help falling in love with you?

Like a river flows, surely to the sea
Darling, so it goes, some things are meant to be

Take my han-

Taena, nababaliw ata ako.


"Bakit hindi mo tinuloy?" Napaigtad ako dahil sa boses na nasa likod ko lang.




Kanina pa ba siya diyan?



Nang mapatingin ako sa kaniya ay siya namang paglapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang beer.



Humarap na lamang ako sa aking direksyon. "Bakit nandito ka?"



"Napansin kong wala ka sa kwarto eh... kaya hinanap kita." Paliwanag niya. "Maganda ang boses mo, bakit hindi mo tinuloy?"



Napatawa ako. "Gusto ko sanang kumanta sa harap ng maraming tao para ipakita ang talento ko." Napa-iling ako dahil nadismaya akong hindi ko nagawa iyon noon.



Climb on my Desires✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora