TWENTY-TWO

5.9K 121 8
                                    


Nakatulala lang ako habang nakaupo rito sa may Garden. Ganito na ang buhay ko simula noong nawala ang baby ko at si Xenon. Gigising ako sa umaga ng walang kabuhay-buhay. Minsan nga, pinagdarasal ko na lang na sana huwag na lang ako magising. Napagod na ako.




Nanginig ang kamay ko habang pinunasan ang luha ko. Ang baby ko..... nawala ng walang kamuang-muang.







Five months ang nakalipas pero heto pa rin ako, dala-dala ang sakit. Ang tanga-tanga ko, hindi ko alam na may nabuo pala sana nag-ingat ako.






Naramdaman kong may humagod sa likod ko. Si mommy.





"Baby, let's eat before we leave." Masuyong sabi niya.







Nawala ang emotion sa aking mukha at mariing umiling. "I don't want to eat with you two."






Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni mommy. "Please Lavinia, nagsisisi naman ang daddy mo sa nagawa niya."





Nagsisisi? Kahit nga nasaktan ako sa pagkawala ng baby ko ay nanatili siyang galit sa akin. Paanong nagsisisi? Kailan pa? May tampo ako sa kaniya dahil hindi man lang niya kinonsidera ang nararamdaman ko. Mas inuuna niya kung ano ang mas mahalaga sa kaniya.







Hindi na lang ako umimik. Naisip ata ni mommy na ayaw ko siyang kausapin kaya wala siyang nagawa kundi umalis na lang.





Xenon, nasaan ka ba?





Anong ginawa sa kaniya nila Daddy?







Gusto kitang makita. Araw-araw akong nagluluksa sa pagkawala ng baby natin. Sorry kung hindi ko siya naingatan. Mahal na mahal kita. Kung na saan ka man, umuwi ka sakin please.






Sa mga sumunod na araw ay pinipilit ko naman maging malakas. Sa umaga halos binigyan ko ng atention ang mga flowers ni mommy. Hindi ako masyadong lumalabas at sila Daniela na lang ang nagpupunta rito para bisitahin ako.






Sobrang na-appreciate ko sila dahil lahat ginagawa nila para mapasaya ako. Kaso hindi rin nila alam kung nasaan si Xenon. Umalis na ata siya ng bansa ng wala man lang pasabi.





Gabi-gabi ay humahagulgol ako ng iyak tuwing naiisip ko yun.





Seven Months Passed wala pa rin akong balita sa kaniya. Nawawalan na ako ng pag-asa na babalik siya. Siguro nga, wala na siya sa bansang ito. Umuwi na siya sa Pilipinas for good.




Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigawan nila Mommy. Kahit na man may tampo ako sa kanila ay may pakialam pa rin ako.





Nagsuot ako ng slipper at umalis sa kwarto ko. Medyo may siwang ang pinto ng kwarto nila kaya rinig na rinig ko. Pinag-aawayan nila ang taong pinapabagsak ang company namin.





"You won't do that. That family is powerful!" Sigaw ni mommy.





"Everything I will do just for my company!   Even in a dirty way, Carlin."






Pumasok ako sa kwarto nila para awatin ang pagsisigawan nila. Nagulat si mommy nang makita ako, si daddy naman ay umigting ang panga.





"This is all your fault, Lavinia. In th stubbornness of your head!" He shouted.






Masama siyang tumingin sa akin at mas ikinasakit ng puso ko ay binangga niya ako nang mag walk out sya. Hindi ako nagsalita, lumapit sa akin si mommy na mukhang naawa sa akin.






Climb on my Desires✔Where stories live. Discover now